Unti unting napabitaw sakin si Max. Namamawis na noo niyang tiningnan si Xyvill. "I... I already let her go," Sambit ni Max at para bang nahihirapan sa mahigpit na pagpisil ni Xyvill sa braso niya. Masamang masama ang tingin sa kaniya ni Xyvill, pero maya maya rin pinakawalan ni Xyvill ang braso niya at iniwan kami. "F*ck, Caspian what's wrong with your friend?!" Inis na sabi ni Max. Hinigit ni Caspian ang kwelyo niya. "I should be asking you that. Stop hitting on my friend." May binulong na kung ano si Caspian pero hindi na namin ganon narinig.
"He's in a bad mood." Rinig kong bulong ni Dash kay Vladimir. Pinagmasdan ko si Xyvill na tahimik na umupo sa dulo ng table. Ano kayang problema ng lalaking 'to? Tinabihan ko siya pero hindi ko siya inimikan, ramdam kong tumabi sa kabilang side ko si Valkyrie. Bale nasa unahan namin sila Caspian, Vladimir at Dash. Habang naghihintay kami ng pagkain,"Psst." Napatingin ako kay Valkyrie ng tawagin niya ako. "Hmm?" Response ko habang tinitingnan siya. "Alam mo si Kuya, single." Napataas ang kilay ko kay Valkyrie. Ano na naman kaya ang pumapasok sa utak ng babaeng 'to.
"Oh tapos?" Tanong ko. "Tapos laging nangunguna sa honor roll tsaka na magaling magvolleyall at basketball." Pagpapatuloy pa niya. Tiningnan ko siya sa mata. Alam ko na naman ang takbo ng utak ng babaeng 'to. "Naggygym din siya!" Pgapapatuloy pa niya, medyo napataas ang kilay ko ng sinulyapan niya ang direksyon ni Xyvill. Titingin pa sana ako sa gilid para lingunin si Xyvill pero nagsalita na naman si Valkyrie. "Maraming nagkakagusto sa kaniya kaso mailap siya sa babae, halos ikaw lang ang babaeng nakakausap niya bukod sakin." "Kaya?" Taas kilay kong tanong kahit alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Kaya try niyo magdate baka kayo ang para sa isa't isa!" Malawak na ngiti niyang sabi.
Napakurap ako. Mahina akong napatawa. She's so easy to predict. "May point ka." Umayos ako ng upo at nagcross arms. "Kaso, I prefer dating men in my age." Sabi ko sa kaniya, bumagsak ang kaniyang mga balikat at sumimangot. Sinulyapan ko si Xyvill, hindi ko inasahan na nakatingin pala siya sa direksyon ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Ehh? Two years lang age gap niyo ni kuya!" Pagtutol niya sa desisyon ko. Napakamot ako sa ulo ko at apologetic siyang tiningnan. "Wag mo na kasing ipagpilitan. Obivous na naman diba?" Napatingin kami kay Dash ng magsalita siya.
"Maalin saming apat ang gusto niya." Nagtataas babang kilay na sabi sakin ni Dash bago ako kinindatan. "Yuck." Valkyrie. tiningnan ko si Xyvill, mukhang busy na naman, may kung ano na naman siyang kinakalikot sa cellphone niya. Ano kayang ginagawa ng lalaking 'to, pagkatapos ng incident kanina, maya't maya na siyang nakatingin sa cellphone niya ehh at para bang may hinihintay na text.
***
Pauwi na kami ngayon. 3:08 PM na. Hinatid ulit kami ng A4. Pero ngayon sa Van na kami sumakay. Nadagdag si Caspian. Ehh maarte mga kasama ko, ayaw ng siksikan. "Talaga? Hahaha." Napatingin ako sa likod ng makita ko si Xyvill at Valkyrie na mahinhinan na naguusap. Rinig kong kanina pa silang naguusap sa likuran pero hindi ko ganon maintindihan ang pinaguusapan nila. Bahagyang napatingin sakin si Xyvill ng makita akong nakatingin sa direksyon nila. Inalis ko ang tingin kila Xyvill ng biglang bumagsak ang ulo ni Caspian sa balikat ko.
Hinayaan ko na lang. Kawawa din ehh. Inasikaso pa niya mga bisita tapos sumama pa sa amin. "Ang sweet ahh." Napatingin ako kay Dash ng makitang nakasilip siya samin. "Ehh," Bored kong react sa sinabi niya, malawak siyang nakangisi sakin habang nakapaskil ang nakakalokong ngisi sa labi. Nasa unahan namin siya, katabi ng driver's seat. Which is, si Vladimir ang nagdadrive. Kita kong nagcross arms siya. "This is the first time Caspian showed interest in a girl..." Panimula niya. Napakurap ako. Ha? Pano naman yung girlfriend dati ni Caspian?
Yung dahilan ng pagaaway nila ni Xyvill? "What are you trying to say?" Tanong ko sa kaniya. Ramdam kong natahimik yung dalawa dun sa likuran namin. Kita ng peripheral vision ko na napatingin sakin si Vladimir, sinilip niya ako sa rear mirror. "What I'm trying to say is... I'm thinking of courting you before but for Caspian's happiness. I'm willing to let you go." Seyosong boses niyang saad. Napakurap ako ng ilang beses. Nakakapanibago ugali niya ngayon, ang seryoso.
Namayani ang katahimikan sa paligid. Pinagisipan ko ng mabuti ang sinabi ni Dash. Courting me? Lihim akong napatingin sa direksyon ni Xyvill gamit ang rear mirror sa gitna. Nakasilip siya sa bintana habang walang ekspresyon ang mukha. Mukhang natigil ang paguusap nila ni Valkyrie. I don't believe Dash's words. I don't see any reason why Dash would like me. I'm sure pinariringgan ni Dash si Xyvill. Akala siguro ni Dash may gusto si Caspian sakin. Tiningnan ko si Caspian na ang himbing ng tulog sa balikat ko. But that's impossible, first of all, magtatago ba si Caspian ng sama ng loob kay Xyvill kung hindi niya mahal yung naging girlfriend niya?
That girl, I wonder who she is.
***
"Ma! Nakauwi na ako!" Sigaw ko habang kinukuha ang doll shoes sa sahig. Astang dadaretso ako sa kwarto ko pero napahawak ako sa dibdib ko ng makita si Liam sa sala na nagcecellphone."Aishh!" Tiningnan ko siya na relax na relax habang nakahigang umiinom ng softdrink. "You're back?" Tanong niya habang sinisilip ako. Ayy hindi, multo ko lang 'to, tskkk. "San lupalop ka ba nagpupupunta, Liam? Mawawala ka bigla tapos bigla biglang magpapakita?" Reklamo ko bago tinanggal ang paa niya sa sofa para makaupo.
Pabagsak akong umupo sa sofa. Grabe, kakapagod. "Nagkafamily gathering kami." Bored niyang sabi, napatango ako. "Oh right," Umayos siya ng upo bago ako tiningnan, "Yung dahilan ng pagpunta ko dito, si Xyvill... Xyvill keeps pestering me." Napatingin ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ni Xyvill. Napataas ang kilay ko. "Pestering?" kunot noo kong tanong, umupo siya ng nakadekwatro. "He keeps pestering me! He keeps asking questions about Noah! He's asking about his name, age, ilang years kayong tumagal? Hah! Mukhang close na talaga kayo ng A4 noh? Pati yung about kay Noah, nakukwento mo na sa kanila?" Himig ang inis at kasarkastikan sa boses niya.
Saglit natulala bago inisip ng mabuti ang sinabi ni Liam. I thought walang pakialam si Xyvill dun. Pero the fact that he pesters Liam about my ex. "Anong nginingiti ngiti mo jan?" Tiningnan ko si Liam, puno ng pandidiri siyang nakatingin sakin habang nakakunot ang noo. Nanlaki ang mga mata niya at para bang may narealize, "Gusto mo si Xyvill noh?" Nanlalaking mga mata niyang tanong habang tinuturo ako. Tinakpan ko ang bibig niya.
"Anong gusto? Wala akong gusto dun noh." Bulong ko. Inang lalaki 'to, baka marinig ni Mama. Lalong nagsalubong ang kilay niya sa reaksyon ko. Tinanggal niya ang kamay ko sa bunganga niya bago huminga ng malalim. Tiningnan niya ako. "Nagbibiro lang, Masyado kang defensive." Masungit niyang sabi bago humiga ulit sa sofa. Defensive? Wala naman talaga akong gusto dun! Tumingin ako sa paligid, bakit parang wala si Mama? "Nasan si Mama?" Tanong ko sa kaniya, napatingin siya sakin. "May pupuntahan daw, baka malate ng uwi." Bored niyang sabi habang nagcecellphone ulit. Tumango nalang ako.
***
Papunta ako ngayon sa classroom habang bitbit bitbit ang mga libro ko. Habang naglalakad ako sa corridor. Napaantras ako ng may nakabungguan ako. "Opps!" Nagpatak ang mga libro na hawak ko. Napataas ang tingin ko ng makita si Daisy. Nakapamaywang siya sakin habang ngumunguya ng bubble gum, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ugly Nerd, it's nice to see you again." Nakangisi niyang sabi bago nagcross arms. Tumaas ang sulok ng labi ko. "It's nice to see you too. Kamusta suspension??" Tanong ko rin. Napalitan ng salubong na kilay at umuusok na ilong ang ekspresyon niya.
Nilimot ko ang mga libro na nahulog sa sahig. Nakabalik na sila. I need to be careful. Pagkatapos ng ginawa ko kay Zayriel, paniguradong hindi matatahimik yun hangga't hindi nakakaganti sakin. Iniwan ko siya roon. Pagkapasok ko sa room namin, nagtaka ako dahil halos lahat ng estudyante nakatingin sakin. "Brielle!" Napatingin ako sa gilid ng marinig ko ang boses ni Valkyrie. Pagkalapit niya, agad akong sumagot. "Hmm?" Nagtaka ako ng makitang nagaalala ang mukha niya. "Dun... Dun kasi sa upuan mo..." Panimula niya. Hinintay ko ang sunod niya sasabihin. Mukhang may nangyaring hindi maganda.
Pagkalapit namin sa silya ko. "May---May nag vandalize." Tiningnan ko yung silya ko. Sira sira yung paa at may kung ano anong nakasulat sa table. B*tch. Die. Go Die! Napatingin ako sa labas ng bintana ng may marinig akong babaeng tumatawa. Si Zayriel. "Hi, Brielle." Nakangisi niyang saad. Nagbago na ang hairstyle ng kaniyang buhok. Di kagaya dati na mahaba, tuwid at mukhang rebonded. Naging maikli na ito, kulot at mukhang pinakulayan. Lumabas ako ng room bago siya hinarap.
"Sh*t, Magaaway ba sila?"
"Napakabully talaga ni Zayriel..."
"Pero nakakatakot din yang nerd, pinutol ba naman buhok niya."
"Ahh yun ba yung issue?"
"Oo, #nerdbullyingherbullies"
Nilapitan ko si Zayriel. "Hi, mukhang namiss mo ko ah?" Sarkastik kong panimula habang nagcocross arms. Tumawa siya bago ako tinaasan ng kilay. "Oo ehh. 14 days of suspension ba naman." Tiningnan niya ako ng seryoso bago lumapit papunta sa tainga ko. "After school. Meet me later." Seryoso niyang bulong. Ha, ano ako, tanga? "Bakit sa tingin mo susundin kita?" Seryoso kong tanong habang ibinabaling ng kaunti ang ulo ko sa mukha niya. Agad na napalitan ng ngiti ang mukha niya. "Maguusap lang naman tayo, dalawang linggo tayong hindi nagkita ehh." Nakangiti niyang saad sakin.
Tumawa ako. "Ehh talaga?" Pagkatapos ng ginawa niya sa silya ko. Tingin niya maniniwala ako na maguusap lang kami? "Since magkasama na tayo ngayon, bakit hindi na lang ngayon?" Tanong ko ng seryosong boses habang nakangiti. Unti unti nawala ang ngiting nakapaskil sa labi niya. Nilapitan niya ako. Mukhang may gagawin siyang hindi maganda ahh. "Zayriel," Napatingin kami parehas sa likod ng may tumawag na pamilyar na boses. Si... Si Caspian? Seryoso siyang nakatingin kay Zayriel habang hawak hawak ang bag sa balikat. Tiningnan ang reaksyon ni Zayriel, halata ang gulat sa mukha niya habang nakatingin kay Caspian.
Wait, hindi kaya---"Let's talk later." Seryoso niyang saad bago ako hinigit at dinala mabalik sa room. Naiwang tulala si Zayriel sa labas habang nakatingin sa kamay ni Caspian na nakahawak sa braso ko. Don't tell me, don't tell me si Zayriel ang Ex ni Caspian. Kataka taka kasi ang ekspresyon niya. Parang nangulila ng ilang taon kay Caspian ehh. Pagkapasok namin sa room, nakita kong nagbababa ng silya si Xyvill. Napatingin siya sa direksyon namin, lalo na sa kamay ni Caspian na nakahawak sa braso ko. Mukhang pinaltan niya ang silya ko.
"Class, good morning." Bati ng adviser namin habang pumapasok. Bumalik na si Caspian sa upuan niya kaya tumabi ako kay Xyvill. "Thank you." Bulong ko habang nakatayo sa tabi niya. Sinilip ko siya, nakatingin siya sakin. Tinanguhan niya ako. Minsan talaga ang hirap basahin nitong si Xyvill. "Good morning, Ma'am." Bati namin. Umupo na kami ng pinaupo kami ng adviser. Habang nagkaklase, napatingin kami sa harap ng may nagbukas ng pinto. "Mr. Mendoza?" Nagkamot ng ulo si Liam ng makitang may teacher na. "Good morning, Ma'am." Bati niya habang malawak ang ngiti. Tsk tsk tsk, talagang pacute pa ehh.
"You arrived late again. Pansin kong laging nangyayari 'to sa klase ko?" Tanong ng teacher namin. "Ma'am, natraffic po kasi ako ehh." Pagdadahilan niya. Pigilo tawa akong nag-iwas ng tingin. Talaga? Hatid sundo kaya siya ng driver niya. Mukhang nilate na naman yan ng gising. "Sige, sige. Umupo ka na." Saad ng teacher namin habang itinataboy siya. Iling iling na ulo kong tiningnan si Liam. Kahit kelan talaga ang lalaking 'to. Pero mabuti na lang nalate siya, kung hindi baka nadatnan niya yung nangyari kanina. Wala siyang kaalam alam sa pinaggagagawa nila Daisy sakin, ang alam lang niya parang may sama lang talaga ng loob sakin yung mga yun.