"Hindi ha!" Inis na pagtutol ni Liam sa sinabi ni Valkyrie. Natahimik lang ako. Astang mang aasar pa si Valkyrie pero kumanta na si Liam. "I found myself dreaming..." Natahimik sila. Isinandal ko ang ulo ko sa sofa. Humalukipkip ako. Hay, ilang taon din ang lumipas nang narinig ko siyang kumanta." ... in silver and gold. Like a scene from a movie that every broken heart knows" Tiningnan ko ang reaksyon ni Valkyrie dahil naramdaman ko siyang natahimik. Nganga na nganga siya habang hindi makapaniwala. Bahagya akong napatawa.
Cute. "Ang galing nga." Nakapout niyang sabi. Tinawanan ko ulit siya. "Sabi sayo ehh" Muli kong nilingon ang direksyon ni Liam. "So I'm gonna love you..." Napakunot ang noo ko saglit ng makita ko siyang nakatingin sakin. Saglit akong napakurap. "... like I'm gonna lose you." No, baka namamalikmata lang ako. Sa TV screen na siya nakatingin ehh.
"I'm gonna love you... Like I'm gonna lose you." Napatingin ako kay Valkyrie ng hilahin niya ang dulo ng damit ko. "Bakit para namang bitter niya?" Kunot noo niyang bulong sakin habang nakaside eye sa direksyon ni Liam.
Inilayo ko ang kaniyang mukha sakin bago siya tinawanan. "Talagang kontrang kontra. Umasa pa naman ako kanina na kapag narinig mo boses niya, maiinlove ka." Pangaasar ko. Bumusangot siya lalo sakin. "No way in hell! Ayoko sa mga taong mas magaling kumanta sakin." Sabi niya ng may mahangin na boses. Napahagikgik ako. "Ehh ikaw ba?" Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay."Type mo sa mga singer?" Tanong niya. Ohh ba't biglang napunta sakin? Saglit akong nag-isip. "Hmm. Oo? Siguro. Attractive para sakin pag maganda ang boses ng lalaki."
Pagkatapos namin magusap, natapos na rin kumanta si Liam. Bahagyang akong napakunot ang noo ng kinuha ni Caspian yung songbook. "I'll sing too" Tumango kami. Ano kaya ang boses ng lalaking 'to. Maganda kaya rin? Isip isip ko habang pinapanood siyang kumuha ng mic sa table. Hindi na ako magaasume ng maganda baka mamaya, masakit rin sa eardrums. "Oh I can't lose..." Nanlaki bahagya ang mata ko ng marinig kong kumanta si Caspian. Tangina, ang lambing. Ang gentle, parang hindi siya. Malalim kasi ang boses niya. Kita kong mukhang napahanga rin yung iba pero maliban sa A4.
I know this song. Snooze by SZA. "When I'm with you." Pinananood kong kumanta si Caspian habang nakahawak sa magkabilang tuhod ko. "How can I snooze and miss the moment? You just too important. Nobody do body like you do" Napakunot ang noo ko ng makitang nakatingin si Caspian sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Nginisian niya lang ako bago ulit tumingin sa screen. "I can't lose when I'm with you. How can I snooze and miss the moment? You just too important. Nobody do body like you do, you do" Halos hanggang matapos sa pagkanta si Caspian.
Sakin lang siya na katingin kaya hindi ako makatingin ng daretso sa mga mata niya. Tanginang lalaki 'to. Ba't titig na titig sakin. Ang creepy kaya. Pasalamat siya maganda boses niya ehh. Pagkatapos niyang kumanta. Napatingin kami kay Valkyrie ng kinausap niya si Noah. "Ikaw. Maalam ka kumanta?" Tanong niya kay Noah. Nafefeel niya siguro na naleleft out siya. Kita ng peripheral vision ko na tiningnan lang ni Noah ang mic na iniaro ni Valkyrie. "Ohh." Pagbibigay niya ng mic.
Napatingin kami kay Liam ng siya ay nagsalita. "Maalam yan." Bored niyang sabi habang inilalagay ang dalawang kamay sa likod ng kaniyang ulo. "Sa LIB. May sikat na banda dati, yung The Trio. Siya ang main vocalist sa grupo nila." Pagbanggit ni Liam. Napatingin ako kay Valkyrie ng bigla siyang napatayo at napatakip ng bibig sa gulat. "What?!" Nanlalaking mga mata niyang sabi. Tiningnan niya si Noah. "Miyembro ka ng isa sa tatlong legendary figure sa Lib international?!" Gulat niyang sabi habang tinuturo ang direksyon ni Noah. Kita kong nacoconfuse yung A4. "I can't follow." Pagsingit ni Dash sa usapan.
Nauutal na nagsalita si Valkyrie. "Y-Yung the trio. Yung sikat na banda dito sa p-pilipinas. Yung... Yung mysterious group ng LIB na never nagpapakita sa public figure. Yung peperform lagi ng nakamask on stage." Napapalunok niyang sabi. Duda na tiningnan ni Dash si Liam. "Pano mo nalaman na si Noah yung isa sa kanila?" Itinaas lang ni Liam ang kaniyang kilay bago siya nilingon. "Secret. Alamin mo." Mukhang lalo tuloy na nacurious yung A4. "From what I know," Lahat kami ay napatingin kay Caspian ng siya ay magsalita. "It has been two years or three since they last performed," Tiningnan niya si Noah.
"Disband na kayo?" Kaniyang tanong habang nakatingin sa mga mata ni Noah ng seryoso. Natahimik ang paligid. Hindi umimik si Noah miski pati si Liam. Yumuko lang ako. Nabasag ang katahimikan ng magsimula ulit na tumugtog yung TV. Napatingin ako kay Vladimir, siya kasi yung may hawak ng remote. "Just enjoy, guys. 15 minutes later magbobonfire pa tayo," Vladimir. Tumango yung iba. Kinuha ni Noah yung songbook bago naginsert ng numbers sa TV gamit ang remote. Bahagyang napakunot ang noo ko sa song na pinili niya. Back to December by Taylor Swift. Kita kong napatingin si Liam sakin.
Pinanood ko siya. Hinawakan niya ang mic bago itinuon ang tingin sa tv. Ramdam ko ang pagkamangha sa reaksyon nila Valkyrie ng magsimulang kumanta si Noah. Natulala ako habang pinapanood siyang kumanta. Nakakamiss... Nakakamiss yung grupo namin. Yung grupo namin na nasira dahil sa pustahan. Oo word lang, pero ang laki ng impact nito samin, as in wasak ehh. "So this is me swallowin' my pride. Standin' in front of you, sayin' I'm sorry for that night... And I go back to December all the time. It turns out freedom ain't nothin' but missin' you. Wishin' I'd realized what I had when you were mine. I'd go back to December, turn around, and make it alright.... I go back to December all the time..."
Tiningnan ko si Noah. Nahuli ko siyang nakatingin sakin. Ramdam kong nag-init ang mga mata ko. Ikinuyom ko ang aking kamao. Bakit sakin siya nakatingin?? Ako ba ang pinariringgan niya? Agad akong napatayo wala sa oras. "Brielle?" Rinig kong tawag ni Valkyrie sakin pero nagdaredaretso ako papunta sa pinto. Nakakalimutan niya ata na may jowa na siya. How dare he do this to me?
Third Person's POV
Agad na sinundan ni Xyvill si Brielle... *Twackk!* Isang mabigat na kamao ang dumako sa pisnge ni Noah na ikinagulat ng marami. "F*ck/Ouch/Hey!" Reaksyon ni Caspian, Dash at Valkyrie. Samantalang si Vladimir pumagitna sa kanilang dalawa dahil mukhang susugudin ulit ni Liam si Noah, kahit walang kalaban laban ang binata. "Hey, calm down." Mahinahon niyang sabi pero nanatiling nanliliyab ang mga mata ni Liam kay Noah.
"Are you aware of what you did?" Tanong ni Liam habang salubong ang kilay kay Noah. Hindi sumagot si Noah. Nanatiling tahimik ang apat at pinakinggan ang kanilang usapan na pinangungunahan ni Liam. "*Scoffs* Of course you weren't aware. You're just a selfish b*stard!" Inis at nanggagaliti niyang bulyaw. Sinubukan niya ulit lapitan si Noah pero humarang si Vladimir sa kaniya. Pilit niyang inilayo si Liam kay Noah. Hinawakan ni Noah ang kaniyang labi bago tiningnan ng seryoso si Liam.
"I just reminded her some of our memories." Seryoso niyang sagot habang nagpupunas ng labi. Hindi pakaniwalang tiningnan ni Liam si Noah. Sarkastiko siyang tumawa bago tinanggal ang kamay ni Vladimir sa balikat niya. "Putangina." Malutong niyang mura. Nilapitan niya si Noah bago hinigit ang kaniyang kwelyo. Hinila ni Caspian si Valkyrie papalayo dahil astang makikisali pa ito sa gulo. "What are you trying to remind her? Her birthday?" Igting panga niyang tanong. Tinitigan lang siya ni Noah at para bang nacoconfuse dahil sa pagooverreacted ng kaniyang kaibigan.
Humigpit ang kapit ng mga kamao ni Liam sa kwelyo ni Noah. "Tangina mo, Noah. Sayong sayo na si Serena. Wag mo ng guluhin pa si Azalea." Napakunot na naman ang mga kilay ni Dash ng binanggit na naman ni Liam si Brielle biglang sa pangalan na Azalea. Kunot noong tiningnan ni Noah si Liam. Bago sinubukang tanggalin ang pagkakahawak ni Liam sa kwelyo niya. "Just like what I said. Pinaalala ko lang sa kaniya ang mga nangyari sa atin noon. Umaasa akong magkakaayos pa tayong---" Napatigil si Noah ng sinigawan siya ni Liam. "Matagal na tayong sira simula ng naging interesado ka sa kapatid niya!" Halos mapaos na ang boses ni Liam sa sobrang lakas ng kaniyang bulyaw.
Noah was tense. "I explained it before, Liam. It's not my fault I fell in love with them at the same time---" *Twackk!* Muling siyang sinuntok ni Liam. "F*ck youu!" Galit at tiim bagang niyang bulyaw. Nagulat sila Valkyrie sa kanilang narinig at unti unting nakakaidea kung ano ang nangyayari. "Si Noah ba ang ex ni Brielle?" Bulong ni Valkyrie kay Dash pero nanatili siyang tulala at may ibang iniisip. "Just admit that you never loved her! Because if you did, you would never have fallen in love with Serena!" Kaniyang hiyaw at mukhang nangigigil sa galit.
Tinawanan ni Noah si Liam at tiningnan siya ng may ngisi sa labi. "Don't blame it all on me." Tiningnan niya ito ng blanko. "It's you who started the bet." Maikli niyang sabi. "Kamalayan ko ba kung sinandya mo ang lahat ng 'to para maghiwalay kami at magkachance ka sa kanya? So, let's not pretend that I'm the sole guilty party here." Kaniyang dagdag. Napakuyom ng kamao si Liam, napangisi si Noah bago lumabas ng kwarto. Malalim na nagbuntong hininga si Liam. Bumulong siya sa hangin.
"You... You're so selfish, Noah. You hurt Azalea on her birthday... She caught you making out with Serena" Kaniyang bulong sa hangin, itiningala niya ang kaniyang ulo sa kisame bago nagpakawala ulit ng isang malalim na buntong hininga. "That day.... She was seeking your comfort but you... You worsened her bad day." kuyom kamao niyang isip isip habang pinapanood si Noah na magsara ng pinto. "Liam..." Bahagyang napatingin si Liam sa mga taong naiwan sa kwarto. Si Dash, Vladimir, Caspian, at Valkyrie. "Is there something we need to know?" Seryosong sabi ni Valkyrie sa kaniya.
Tinitigan ni Liam ang magkakabarkada "None." Pinanood nila Valkyrie na lumabas si Liam ng kwarto. "What the hell?" Bulong ni Valkyrie. Tiningnan niya yung tatlo. "May alam ba kayo? Tungkol doon?" Nagsiilingan ng ulo ang mga lalaki. Bumagsak ang balikat ni Valkyrie. "May tinatago sila satin," Napatingin silang lahat kay Vladimir ng magsalita ito. "Brielle's very existence in SIS is suspicious. I checked her background. From school, previous residence, even her real parents. It's all unknown. It's eye opening that the school accepted her here. " Paliwanag ni Vladimir habang tinatanggal kaniyang salamin at pinupunasan gamit ang damit.
Bahagyang napakunot ang noo ni Valkyrie. "You stalked her?" Tiningnan siya ni Vladimir. "I'm the Student Council President. Of course I memorize all the information about every student in SIS." Kaniyang maikling paliwanag. "Aren't you guys wondering?" Napatingin ang tatlo kay Dash ng masalita ito. Nakahawak siya sa kaniyang baba habang nakatingin sa sahig, itinunghay niya ang ulo niya at tiningnan ng isa isa ang kaniyang mga kasama. "Si Liam and Noah. Lagi nilang tinatawag si Brielle na Azalea." Natahimik sila. Saglit na napaisip si Valkyrie.
"I also notice that pero hindi ko na ganon tinuunan ng pansin. Malay mo, nickname lang." Sumabat si Vladimir sa sinabi niya. "Ang layo naman ng nickname sa actual name niya." Seryoso niyang sabi. "You have a point," Bulong ni Valkyrie. "Don't forget," Napatingin silang lahat kay Caspian ng magsalita ito. Seryoso siyang nakaupo habang nakadekwatrong nanonood sa kanila. "... They mention Serena." Nanlalaking mga matang tiningnan ni Valkyrie si Caspian bago tinuturo habang nilalapitan.
"Yeah. Yeahh, base sa conversation nila. Nagcheat si Noah kay Brielle, ang malala, kapatid pa niya ang pinatulan diba? So yung Serena na yun? Kapatid ni Brielle? May kapatid si Brielle??" Kaniyang tanong pero walang sumagot dahil wala silang kasiguraduhan. "Wow Caspian," Napatingin silang lahat kay Dash ng magsalita ito. "Serena... Kapangalan ng Ex mo." Mangha nitong sabi. Nagtitigan sila.