Nawala ang tingin ko sa kanilang dalawa ng may tumawag sakin. "Brielle, look." Napatingin ako sa direksyon ni Caspian ng tinawag niya ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may hawak siyang baby turtle. Nakalagay ito sa palad niya habang gumagalaw. Binitawan ko ang grabber tool na hawak ko at nilapitan siya. Hinawakan ko yung ulo nung turtle. Napangiti ako ng hindi ito natakot at nagtago sa kaniyang shell. "Ang cute." Saad ko habang nakatingin dito.
Third Person's POV
"How about you, Xyvill? Do you want to come with me?" Pagtatanong ni Daisy kay Xyvill na nagbubuhat ng sako. Ngunit hindi siya nito pinansin. "Come on, I don't understand why we are being forced to do this difficult and strenuous work!!" Napaantras ng ilang hakbang si Daisy ng sinamaan siya ng tingin ni Xyvill kaya hindi na ulit siya umimik. "Anong karapatan mong magreklamo ehh hindi ka naman gumagawa ehh!" Pagsingit ni Valkyrie. Magkakalapit silang apat, si Xyvill, Daisy, Valkyrie at Liam. Inihagis ni Liam ang grabber tool niya kay Daisy, kaya wala na siyang nagawa kung di saluhin ito.
"The hell?!" Reklamo niya habang masamang tinitingnan si Liam. "Come with me, tulungan mo ko." Utos niya kay Daisy. "Tskk." Sinunod na lang ito ni Daisy para makalayo sa direksyon ni Xyvill. "Ang sweet ahhh." Napatingin si Xyvill sa direksyon ni Valkyrie ng magsalita ito. Nakatingin sa direksyon nila Brielle at Caspian na nagtatawanan habang may hawak hawak na maliit na pagong at pinakakawalan sa dalampasigan. Sumama ang timpla ng kaniyang mukha at napahigpit ang hawak sa grabber tool na may nakaipit na plastik ng bote.
"Xyvill. Ayos ka lang?" Nanlalaking mga mata na sabi ni Valkyrie kay Xyvill ng makita niyang nasira ang handle ng grabber tool na kaniyang hawak hawak. Malamig niyang tiningnan si Valkyrie. Kahit medyo natakot ang dalaga, napakamot lang ito ng ulo at pinagmasdang umalis si Xyvill. Tiningnan niya ulit ang direksyon ng kaniyang kaibigan. "Gusto niya si Brielle?" Wala sa sarili niyang bulong habang nililimot ang kalat na iniwan ni Xyvill. Sa kabilang banda, habang nanlilimot si Liam ng basura. Nanatiling nakasunod sa kaniya si Daisy.
"You know what? You're so annoying." Panimula ni Daisy habang nakatingin sa likuran ni Liam. Hindi siya pinansin ng lalaki at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa, nakaramdam si Daisy ng naiyamot sa kaniyang sistema. "At first, when I saw you, alam ko na sa sarili kong hindi talaga magugustuhan. Now I know the reason---" Napatigil siya sa pagsasalita at paglalakad ng biglang humarap si Liam sa direksyon niya. Napasandal siya sa isang malaking baton ng lumapit ang binata. Kinorner ni Liam si Daisy sa malaking bato bago tinitigan ng seryoso, at unti unting nilapitan.
"I feel the same way." Hinawakan ni Liam ang dulo ng kaniyang buhok bago ibinalik ulit ang tingin sa kaniyang mata. "From what I heard... You're a bully. And I don't like bullies. They're not cute at all." Seryoso niyang sabi boses nilayuan si Daisy na nakatingin ng gulat sa kaniya. Iniwan ni Liam si Daisy na tulala. Sinigawan niya si Liam na ilang metro na ang layo. "I don't give a damn, f*ckboy! Urggghhh!!" Sinipa ang sakong kaniyang pinagtambunan ng basura. Saglit na napalingon si Liam sa direksyon niya, iniling lang niya ang kaniyang ulo.
***
Brielle's POV
Nasa loob kami ng Pearl Sands Retreat House, nakatambay sa loob. Kaliligo ko lang. Kung ano anong activities ang pinaggagawa namin kanina. Kakapagod. Time check 11:48 AM na. "Hayy!" Pinanood ko si Valkyrie, pabagsak siyang umupo sa tabi ko. Kami lang ang tao sa loob, naliligo sa beach yung mga kaklase namin. "Sure kayo ayaw niyo maligo sa dagat? White sand pa naman." Pag banggit ni Vladimir. Kita ng peripheral vision ko na tumingin sakin si Valkyrie at hinintay. "Ayoko. Kayo na lang." Maikli kong sabi. Ayaw ko talaga sa tubig. Lalo na kapag tubig alat.
"Ayoko rin. Mas masarap tumambay." Sabi ni Valkyrie. Kasama ko si Liam, Valkyrie, unfortunately si Noah din, at yung A4. Tigi-tigisa kami ng sofa. May apat kasing sofa na nakakabilog, ehh mahahaba rin. Bali ang tigdadalawang tao ang nakaupo sa sofa. Kami ni Valkyrie ang magkatabi. Tapos si Liam at si Xyvill. Si Vladimir at Dash. Tas ang pinakahuli si Caspian at si Noah. Tumigil ang mga mata ko sa direksyon ni Caspian at Noah. Hindi sila nagpapansinan. Si Noah nagcecellphone habang si Caspian nakasandal lang habang nakatingin samin.
"Tara karaoke nalang." Napatingin kaming lahat sa direksyon ni Dash ng bigla niyang binasag ang katahimikan sa paligid. Napatingin ako sa paligid. Napabangon yung iba at para bang nagustuhan yung kaniyang idea. Pero sa kanilang lahat si Valkyrie ang pinakaexcited. "Tara. Tara! Namiss ko kumanta!" Tumatayo niyang sabi sa gilid ko. "Eh nasaan?" Takang tanong ni Liam. Oo nga, nasaan? Tumayo si Dash bago sumenyas ng "Tara sa third floor. Follow me." Sabi niya bago tumaas sa hagdanan. Hanggang fifth floor kasi yung floor ng retreat house. Oo, malaki.
Astang susunod na ako kay Dash na naglalakad na pero bigla akong hinawakan ni Valkyrie. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningan ng may question mark sa mukha. "Gisingin mo muna si Caspian." Sabi niya bago ako iniwan. Napakamot ako ng ulo at tiningnan si Caspian na tulog habang nasa tabi niya si Noah na mukhang walang pakialam samin. Oh bakit nagpaiwan pati si Xyvill? Taka kong isip isip. Malalim akong nagbuntong hininga. "Caspian.. gising. Psst, huy!" Pagtawag ko, lumapit na ako. Ilang beses ko siyang niyugyog pero ayaw pa rin niya gumising. Pikit parin ang kaniyang mga mata.
Gumalaw siya saglit bago umungot bago ako tinalikuran at hindi pinansin. Medyo kumulo na ang dugo ko kaya nilaksan ko yung yugyog sa balikat niya. "Pag hindi ka gumising sasampalin kita." Pananakot ko. Effective naman, nagmulat ang mga mata niya pero agad ding ipinikit. Kinagat ko ang labi ko sa inis, astang magsasalita ako ng bigla niya akong hinila papalapit. Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong itinuon ang aking mga kamay sa couch para hindi mapasubsob ang mukha ko sa kaniya. Pero kahit napigilan ko ang pagsubsob sa mukha niya, magkalapit parin ang mga mukha namin.
"Ayoko ng sampal. Gusto ko ng kiss." Nakapikit niyang sabi bago umaktong hahalikan ako. Agad akong nandiri. Sinapian ba ang mokong na 'to? "Oww" Dinagukan ko ang tiyan niya kaya agad siyang napabangon sa pagkakahiga. "Nakakadiri. Umayos ka nga." Tiningnan ko ang direksyon ni Xyvill. Yayakagin ko sana siya pero medyo napatalon ako dahil sa sama ng tingin niya sakin. As in, kunot na kunot ang noo. Salubong na salubong ang kilay. Agad akong nag-iwas ng tingin. At hindi namalayang napatingin ako sa direksyon ni Noah na pinapanood na dumaing sa sakit si Caspian.
Medyo nagitla ako ng napatingin din siya sakin. "G-Gusto mong sumama?" Di ko namalayang bigla kong tinanong. Ayy, tangina brielle. Baliw ka na! Hindi, pupusta ako na tatanggihan yan ni Noah! Yes, tatanggi siya. Tinitigan niya ako saglit, at para bang hindi mapakaniwala na kinausap ko siya. Ilang beses akong napalunok. Tangina, kasalanan 'to ni Xyvill. Bakit kasi ang sama ng kaniyang tingin? Nadistract tuloy ako. "Sure." Napaawang ang labi ko. No, you should be rejecting my offer! Lihim akong napaface palm ng sinabayan niya sa pagtayo si Caspian.
Hindi na yung naging relasyon namin dati ni Noah ang iniisip ko ehh. Yung sa kanila na ni Caspian. Eh pano ba kasi, si Noah ang pinalit ni Serena (Caspian's Ex) kay Caspian. Cold war magaganap pag parehong nalaman nila. Pinanood ko yung dalawa na tumaas. Napatingin ang direksyon ko kay Xyvill, nagcecellphone na siya. "Xy" Tawag ko. Pero hindi siya tumingin. Anong probema nito? Lumapit ako sa direksyon niya. "Xy," Tawag ko ulit. Umupo ako sa tabi niya. "Tara, karaoke." Yakag ko pero hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatingin sa cellphone.
"I don't want to." Malamig niyang sagot. "Ohh." Reacted ko. "Okay." Sagot ko bago inilagay ang dalawang kamay sa pocket ng jogging pants na suot suot ko. Pagkarating ko sa hagdanan, agad akong tumaas. Nakakapang apat na hakbang pa lang ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinigit ako pabalik. Nanlaki ang aking mga mata kasi kala ko mahuhulog na ako pero may matigas na bagay akong nadagganan. Astang lilingunin ko siya pero bumulong siya sa tainga ko. "If I said I don't want to means I really don't want to." Ramdam ko ang pag-init ng tainga ko sa bulong ni Xyvill sakin. "You should learn how to coax others."
Pinanood ko siyang tumaas. "Ano daw." Bulong ko. Iniling ko na lang ang aking ulo at sinundan sa pagtaas si Xyvill. Naabutan namin sila Dash sa third floor. Sama sama na sila, nandun na din pati si Noah at Caspian at kami nalang ni Xyvill ang hinihintay. "Ba't ang tagal niyo?" Reklamo ni Liam. Hindi kami sumagot, namula ng kaunti ang pisnge ko ng maalala ang nangyari sa hagdanan. "Tara na ngaaa. Excited na akong kumanta!" Sabi ni Valkyrie sa amin. Tiningnan ko siya, mukhang excited na excited talaga siya kasi nagliliwanag ang kaniyang mga mata.
Maganda siguro ang boses ng babaitang 'to.
***
"Just take it on back, take it on back! Mmm, do what you gotta do, keep me up all night!" Nakanta si Valkyrie ngayon. Kiss it better by Rihanna. At... "Hurting bad man, and it hurts inside when I look you in your eye!... What are you willing to do?!" Nakatakip ngayon ang tainga ko habang kumakanta si Valkyrie. Ang tinis kasi ng boses niya, tapos ang sintonado. Kita kong kagaya ko, ganon din ang reaction ng boys. Pero ibahin niyo si Xyvill at Noah. Bakit? Nakaearpads ang mga gago. Nandito kami ngayon sa isang karaoke room. Malaki yung room at may isang malaking TV screen. Tas may apat na mic rin.
Black and purple yung theme ng room tas may umiikot na LED lights kaya feeling mo nasa actual singing booth ka. "Oh What are you willing to doooo?!" Kanina pang kumakanta si Valkyrie tapos ang lakas pa ng volume. Pakiramdam ko mababasag na eardrums ko ehh. > ~ "Brielle!" Napatingin ako kay Valkyrie ng tawagin niya ako. Lumapit siya sakin at tinulak si Liam na nasa tabi ko. Pinigilan kong tumawa kasi nahulog si Liam sa sahig, umupo siya sa carpet bago angel seat na nagglare sa diresyon ni Valkyrie. "Ikaw namann. Anong gusto mong kanta?"
Tanong niya. Lihim akong nakahinga ng maluwag. Buti naman nagsawa na siya. Kita kong same ng reaction ko yung boys. Iniling ko ang aking ulo. "Hindi ako maalam." Napatingin ako kay Liam ng tumikim siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mukhang sinasabi niya sakin na kumanta ako. Pa-U ang itsura ng sofa namin ngayon. Sa dulo ako nakaupo, sa may kanan. Nakatabi sakin si Valkyrie tapos si Liam, tas katabi niya si Vladimir at Caspian. Nasa harapan ko naman si Xyvill tapos katabi niya yung dalawa. Si Noah at Dash.
"Si Liam na lang. Magaling yan." Napatingin silang lahat kay Liam dahil sa sinabi ko. Kinuha ko ang songbook sa table. Pinili ko ang song na favorite ni Liam. Like I'm Gonna Lose You (feat. John Legend) by Meghan Trainor. Pinindot ko ang numbers sa remote bago umupo ng nakadekwatro at kumuha ng mic bago inihagis sa direksyon ni Liam. Napakamot na lang siya ng kaniyang ulo ng nagstart yung song. "Maalam ba yan?" Natawa ako sa tanong ni Valkyrie. Mukhang dudang duda. Tiningnan siya ni Liam bago nakipageye contact at mukhang sinasabing watch and learn.
"Hahahaha Oo, magaling yan." Sagot ko sa tanong niya. Inirapan lang ni Valkyrie si Liam. "Maiinlove ka sa boses niyan." Sabi ko pa. Nagtaka ako ng biglang napatingin sakin yung apat. Si Liam, Caspian, Xyvill at Noah. Ohh? May sinabi ba akong mali?
"Yahhh. Namumulaa!" Napatingin ako sa direksyon ni Liam ng asarin siya ni Valkyrie. Nagtaka ako ng makitang namumula nga si Liam. Kahit kasi hindi siya nakaharap sakin, kitang kita ko parin ang kapulan ng kaniyang magkabilang tainga.