Chapter 49 - Deal

1316 Words
Kita kong astang hahalikan na naman ako ni Xyvill. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at hinawakan ang baba ko pataas, inilayo ko ang mukha niya sakin at itinabingi pakaliwa. Damn. He almost gives me a heart attack. He's way too sexy. "Tama na. May klase pa tayo." Palusot ko lang yun kasi kaya naman namin maghabol pero nakakatakot kasi ehh. Pano kung bumigay ako sa lalaking 'to? Pano kung maibigay ko ang sarili ko sa kaniya? No, hindi ko hahayaang mangyari yun. Huwag sa ngayon. Tinanggal ko ang mga kamay niya sakin at bumalik sa elevator. Pinindot ko ang floor ng pababa. Astang magsasara na ang elevator pero pinigilan ito ni Xyvill. Tinaasan ko siya ng kilay ano na naman ang problema ng lalaking 'to? "You're heartless. Aren't you guilty that I will take the stairs alone?" Nakanguso niyang sabi sabi habang salubong din ang kilay. Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko, this is the first time I saw him acted cute. Xyvill has an aversion to small spaces, so it's no surprise that he will refuse to join me in the elevator. Lumapit ako sa kaniya, nakaharang ang kaniyang kanang kamay sa entrance kaya hindi ko ito maisara. Hinaplos ko ang pisnge niya papataas sa likod ng tainga niya. Tiningnan ko ang mga mata niyang nakatingin sakin. "Take the stairs." Bulong ko. "If they saw us together. They will be suspicious." Marahan kong tinanggal ang kamay ko sa likod ng tainga niya, astang aantras na ako pero hinuli niya ang braso ko bago at tiningnan. Hindi ganon mahigpit ang kaniyang pagkakahawak. Sakto lang. Tiningnan ko ang kaniyang mga mata. "Then let them." Kunot noo niyang sabi. I chuckled softly, I looked at his eyes, it's so serious while looking at me. He's being childish right now. Does he want to kiss me that badly? "But I care. This matter concerns your friend." Dagdag ko, agad na nagsalubong ang kilay niya. "You're talking about Dash?" Kunot noo niyang sabi. Tumango ako. Ang talino din nitong si Xyvill. Hindi si Caspian sinabi niya kasi alam na niyang wala naman talagang feelings si Caspian sakin. "More importantly, we just make out. Nothing is official here." Diretso kong sabi. Lalong nagsalubong ang makakapal niyang kilay sakin. "What?" Ramdam kong nagalit siya sa sinabi ko dahil sa tono ng boses niya. Totoo naman ehh. Siya 'tong biglang manghahalik, ehh tumutugon lang naman ako. Di naman siya nag ask ng Will you be my girlfriend? Tsaka wala naman din akong sinasabing Yes. Hindi na ako nagulat ng pumasok siya sa elevator at kinorner ako. Habang nakatitig siya sakin, lihim kong itinigil ang elevator sa pagsara. Nagtitigan kami, mata sa mata. Ako lang yung unang nag-iwas kasi parang hinihigop na ako ng kaniyang mga mata. "Listen Azalea Gabrielle," Bulong niya gamit ang malalim niyang boses, ang manly... Iniyuko ko ang ulo ko para hindi ganon mahalata na namumula ang magkabilang pisnge ko. "From the moment I kissed you... and you responded." Lumapit siya sakin kaya napasandal ang ulo ko sa sulok ng elevator. Inamoy niya ang leeg ko, bago nagpatuloy. "You're already mine." Talaga? Anong possessive. Napalunok ako at hindi nakaimik. "If Dash is your problem. I will resolve it." Napatingin ako sa kaniya. Ano daw? Seryoso? Seryoso siya?! "Se-seryoso ka?" Hindi ko na mapigilan pang magtanong. Baka dinodog show niya lang ako. Hindi kasi siya yung tipo na tao na nireresolve ang problema. Mas prefer niyang palalain tapos lihim na aayusin. Ganun siya eh, kahit maging masama ang tingin sa kaniya ng iba, wala siyang pake. Ewan ko dito sa mindset ni Xyvill. Pero ang cool niya dun. "When did I joke around, Aza?" Kaniyang sabi habang nakatingin ng diretso saking mga mata. Ibang beses akong napalunok. H-He said my first name, it means serious talaga siya. "See you around." Kaniyang bulong saking tainga habang may killer smile sa labi bago umantras patalikod. Pinanood ko siya habang tuluyang magsara ang elevator na sinasakyan ko. Agad akong napahawak saking dibdib. He always makes me nervous and gives me a heart attack. *** I ended up riding the elevator and Xyvill took the stairs. God, our talk earlier was so intense.Tumigil ako saglit bago nagbuntong hininga, agad kong iniling ang aking ulo at nagpatuloy sa paglalakad. Pagbalik ko sa classroom agad akong sinalubong ni Valkyrie. "Ohh Brielle." Bungad niya sakin sa pinto. "Saan ka nanggaling? Anong nangyari sayo? Bakit ganan ang itsura mo?" Napalunok ako sa tanong niya. "Ano bang itsura ko?" Balik kong tanong. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Tiningnan niya ako mula ulo habang paa. "Yung buhok mo, buhaghag. Tas yung necktie mo, gusot. Atsaka tekaa..." Lumapit siya sakin habang nakatingin sa mukha ko. Agad kong isinarado ako labi ko at nag iwas ng tingin dahil nakatitig sila rito. "Bakit swollen yan? Anong nangyari. Hala, putok ohh!" Nataranta ako ng isinigaw niya ito. Sh*t, kinagat nga pala ni Xyvill ang labi ko. Putok? Talagang pinanggigigilan ako kanina ehh! Unti unting nagtinginan samin yung nga kaklase namin. Lalo a yung A4. Kita kong unti unti silang lumalapit. Nag-iwas ako ng tingin. "Putok? Ang alin?" Pagsingit ni Caspian sa usapan namin. Ilang beses akong napalunok. "Binubully ka na naman ba?" Napatingin ako sa direksyon ni Liam ng bigla siyang sumulpot sa gilid namin. No, dude. There's a big misunderstanding here... Gusto kong sabihin yun pero hindi ko naman pwede sabihin na nagchupchupan lang naman kami ni Xyvill sa rooftop. Namula ako sa iniisip ko. "She was stung by a bee..." Napatingin kami sa likuran ko. Napataas ang tingin ko kay Xyvill. Ang bilis niya ha. Pero hanga ako, di man lang pinagpawisan, ehh parang limang floor ang binabaan niya, fresh na fresh parin ehh. Nakasandal siya ngayon sa pinto habang ilang inches lang ang layo sakin. Agad akong napalunok, amoy ko parin yung cologne niya... ang bango. Iniling ko ang ulo ko, agad akong lumayo. Tinakasan ko lang siya kanina ehhh. Agad niya akong tiningnan, kita ko kung paano tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin sakin. Parang sinasabi ng mga mata niya na remember our deal. Ilang beses akong napalunok. "Ehhh?" React ni Valkyrie bago siya tiningnan at nilapitan. "Swollen din yang labi mo! Wag mo sabihin na-stung ka rin?" Napakagat ako sa aking labi ng napunta yung mga mata nila sa labi ni Xyvill. "Ang kaibahan lang ay yung kay brielle... swollen na nga, putok pa." Hindi nagsalita si Xyvill. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mga matang nakatingin sakin. Tiningnan ko yung mga lalaki. Si Liam nanlalaki ang mga mata na para bang may narealize. Si Vladimir nakatingin ng suspicious samin, salubong ang kaniyang kilay habang naniningkit ang kaniyang mga mata. Si Caspian naman, seryoso lang ang mukha habang nakatingin samin. As in ang plain, walang mabasa basa. Huli kong tiningnan ang reaksyon ni Dash, nakatingin din sakin---no, hindi sa mukha ko ehh. Sa leeg ko na para bang may sinisilip. Nanlaki ang mga mata ko ng may marealize ako. Agad akong napatakip sa parteng hinalikan ni Xyvill kanina. Napatingin si dash sa akin, nagkunwari akong masakit ang leeg, inikot ikot ko ito bago nag-iwas ng tingin. "Brielle, ayos ka lang?" Tanong ni Valkyrie sakin ng concern. Agad kong iniling ang aking ulo. Nagmumukha siguro akong tanga sa harap nila. I face palm mentally. "Oo. W-wala 'to. Nananakit kasi leeg ko ehh." Pagpapalusot ko sa kaniya. Mukha siyang naniwala pero hindi parin mukhang kumbinsido ang mga mukha ng mga lalaki. Kasalanan 'to ni Xyvill. Kunot noo ko siyang tiningnan. Nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng may nakita akong pigura ng tao na umalis. Napatingin kami sa direksyon ni Dash ng nagwalk out siya, tapos sumunod sa kaniya si Caspian. Agad kong tiningnan si Xyvill. Mukhang good mood. At wala pang pakialam ang mokong sa nangyayari at sumisipol sipol pa sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD