MAKALIPAS ANG LIMANG TAON
Mula nang matalo ng Emperyo ng Channel ang kaharian ng Augustus ay naging mahirap ang pamumuhay ng bawat mamamayan ng Augustus. Nakaroon ng tag-tuyot at kakulangan sa pagkain. Nagkaroon din ng epidemya dahilan upang maubos ng husto ang mga mamayan ng Augustus. Patuloy din ang mga pagpapahirap ng mga sundalo ng Channel sa mga taga-Augustus.
Marami ang nagtangkang maghimaksikan laban sa Emperyo ng Channel pero kahit isa ay walang nagtagumpay. Pinarusahan, pinahirapan, at kalaunan ay pinatay. Nakilala nila ang Channel bilang isang malakas at malupit na emperyo.
“Mahal na hari, hanggang ngayon ba ay magmumukmo ka na lamang diyan?” tanong ni Father Monico—ang pinuno ng mga pari ng Augustus. Siya at ilang miyembro ng simbahan nila ang nakaligtas sa nakalipas na digmaan. Nang tuluyang bumagsak ang Augustus ay tumakas sila, kasama ng ilang kawani ng gobyerno kasama na ang hari at nagtago sila sa isang simbahan sa labas ng kapitolyo. Nakapagtago sila sa ilalim ng simabahan. Dito sila nanatili sa nakalipas na limang taon.
“Iwanan mo muna ako, Monico,” sabi ni Haring Julian.
“Pero mahal na hari, hindi pupwedeng ganito ka na lamang—tayo. Hindi ka puwedeng magtago habambuhay dito sa ilalim ng simabahan habang ang mga mamamayan ng Augustus ay naghihirap sa kamay ng mga taga-Channel.
“Father, hayaan na lang muna natin siya.” Napalingon siya at nakita ang sundalong si Lt. Fabian Leofric. Napabuntong hininga na lamang siya at naglakad palayo sa silid ng hari. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si lt. fabian. Naglakad sila papunta sa nagsisilbing kusina nila. Dito ay nakita nila ang ilang kasamahan nilang pari at sundalo.
“Lt. Fabian, wala na tayong pagkain,” sabi ng isa sa mga sundalo.
“Kailangan niyong maghanap. Suyurin niyo ang gubat at maghanap ng kahit anong pwedeng kainin. Kumuha din kayo ng maiinom nating tubig,” utos ni Lt. Fabian na kaagad na sumunod ang mga sundalo.
Naupo si Father Monico sa kahoy na upuan at inabutan naman siya ni Lt. Fabian ng isang basong tubig na kaagad naman niyang tinanggap.
“Hanggang ngayon ay hindi matanggap ni Haring Julian ang nangyari. Limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang digmaan,” sabi sa kanya nil t. Fabian.
“Limang taon na ang nakalilipas pero nagmumukmuk pa rin siya. Ang mga mamamayan natin ay nandoon sa labas at nakikipagpatintero sa mga sundalo ng Channel at kay kamatayan. Kailangan na nating kumilos! Kailangan natin ng hari!” sigaw na niya. hindi na kasi niya mapigilang magtaas ng boses dahil sa inis na nararamdaman niya. halos maubos na ang mamamayan ng Augustus pero nandito sila sa ilalim ng lupa at nagtatago sa Channel.
“Alam ko. Ako na mismo ang mangungumbinsi kay Haring Julian. Alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili. Hindi niya nakontrol ang Dragon Beast at imbes na mga kalaban ang patayin ay mismong tayo ang sinugod nito.”
“Masyadong nagtiwala anghari sa isang mahikerong hindi naman niya kilala ng lubusan. Kahit kailan ay wala akong nabalitaang may taong nakakontrol ng halimaw na iyon.”
“Huwag na tayong magsisihan pa. Nangyari na ang nangyari. Ang isipin natin ngayon ay kung papaano mababawi ang kaharian natin sa kamay ng Channel.
Sa kanilang pag-uusap ay bigla na lamang pumasok ang isang humahangos na sundalo. Kapansin-pansin ang dungis nito at may ilang dahoon pang nakasabit sa ulo nito at hingal na hingal.
“Mga sundalo!” sigaw nito at nang marinig nila ito ay dali-dali silang nagtago. Mabilis na isinara ng maiigi ni Lt. Fabian ang pinto ng kanilang pinagtataguan. Si Father Monico naman ay maingat na hindi gumagawa ng ingay. Ganoon din angiba nilang kasama na nandito sa ilalim ng simabahan.
Dinig ni Lt. Fabian ang pagbukas ng pinto ng simbahan. Ang mga yapak ng mga sundalo ay kanilang naririnig.
“May simabahan pala dito?”
“Sa gitna ng gubat? May pari kaya dito?”
“Irereport ba natin ito kay Kapitan?”
“Mukhang wala namang nagtatago dito. Sira-sira at wala din namang pagtataguan dito. Mabuti pa at umalis na tayo.”
Nang wala na silang marinig na kahit anong ingay mula sa labas ay dito lang sila nakahinga ng maluwag.
“Natakot kami Lt.Fabian. Nang makita namin ang mga sundalong iyon ay dali-dali kaming bumalik dito,” kuwento ng isang sundalo.
“Mabuti at nakabalik kaagad kayo. Kailangan nating mag-ingat ng husto. Natunton na nila ang simabahang ito.”
“Sinasabi ko sa’yo Fabian, kailangan na nating kumilos. Hindi habang buhay ay magtatago tayo ngganito,” sabi ni Father Monico.
“Alam ko. Hayaan niyo akong kausapin si Haring Julian.”
“Kung magmumukmok pa din anghari, mas magandang maghanap tayo ng bagong hari na mamumuno ng maayos sa buong Augustus,” matapang na sinabi ni Father Monico. Hindi ito nagustuhan ni Fabian kaya nagbigay siya ng babala sa pari.
“Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo ngayon Father Monico. Huwag ka sanang mainip. Mababawi natin ang Augustus. Maililigtas natin ang lahat ng mga natitirang mamamayan ng Augustus,” sabi nil t.fabian at tuluyan ng tumalikod kay Father Monico.
***
“May balita na ba kung nasaan nagkukuta ang hukbo ni Haring Julian?” tanong ni Reyna Cateline sa heneral ng kanyang hukbo na si Heneral Walter. Umiling ang heneral sa kanya.
“Paumanhin mahal na reyna pero bigo ang hukbo kong hanapin kung nasaan sila nagkukubli,” sagot sa kanya ni Heneral Walter.
“Hindi naman ako nagmamadali. Magtago lang sila nang magtago hanggang sa gusto nila. Sisiguraduhin kong mapupulbos si haring julian kapag nakita ko siya.”
“Mahal na reyna?” Pumasok ang isang matandang lalaki. Ang alam ng lahat ay mahigit isang daan na ang edad nito. Mahaba ang buhok nito at maging ang balbas sa mukha. Halos pikit na ang mataat makukuba na dahil sa katandaan.
“Ano iyon, Carlos?”
“May masama akong pangitaing nakikita,” sagot nito at napatayo sa trono ang reyna.
“Anong klaseng pangitain?!” tanong niya kaagad.
“Isang masamang pangitain. Isang pangitain mula sa mahal na panginoong Sol.”
“Sabihin mo na kaagad sa akin!”
“Ang anghel ng digmaan ay magsisilang ng isang lalaki. Ang lalaking ito ay magtataglay ng labis na kapangyarihan at siya ang tutubos sa kaharian ng Augustus. Mahal na reyna, mukhang ipapanganak ang taong tatapos sa pamumuno mo.” Hindi ito nagustuhan ng reyna. Walang sinuman ang maaaring mafpatalsik sa kanya.
“Sino ang lalaking ito? Kaninong sangol siya napabibilang?”
“Ikinalulungkot k, mahal na reyna pero walang sinabi kung sino at saan siya nanggaling.”
“Sinabi mong isisilang? Kung ganoon ay hindi pa lumalabas sa mundong ito? Puwes, Heneral Walter, patayin ang bawat buntis na taga-Augustus. Lahat ng buntis ay paslangin!”
“Masusunod po, mahal na reyna!”