bc

The Hero of Augustus

book_age16+
65
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
tragedy
twisted
straight
lucky dog
mage
male lead
soldier
magical world
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Angelo Cesar is a simple senior high school student. He was often a headache for his teachers and even to his parents. While walking, he saw a boy crossing the middle of the road to pick up his toy ball. He heard a loud horn, and Angelo knew that the boy was in danger. Without hesitation, he pushed the child away from the oncoming truck, and everything had a price. That day, Angelo Cesar died.

chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
“Tumakas na kayo! Parating na ang mga sundalo ng chanel!” sigaw ng isang magsasaka na humahangos na bumalik sa kanilang nayon. Nag-aani siya ng kaniyang tanim na mga mais nang makita niya ang paparating na mga hukbo ng Emperyo ng Chanel. Nang marinig ito ng mga tao ay mabilis silang nagsikilos at lumikas. Wala na silang pakialam pa kung ano ang maiwan nila. Mga gamit, gawain, o maging pagkain ay iniwan nila, huwag lang silang maabutan ng mga sundalo. Malulupit ang mga sundalo ng Chanel. Wala silang pinipiling paslangin lalo na’t alam nilang mamamayan ito ng Augustus. “Pinunong Walter, mukhang nakatakas na ang mga tao sa lugar na ito,” sabi ng isa sa mga tauhan niya. Hindi siya nagsalita bagkus ay pinagmasdan lang ang paligid. Pagdating nila sa munting nayon na ito ay kahit isang kaluluwa ay wala silang nakita. Mukhang nakatunog na ang mga mamayanan nito at mabilis na tumakas. “Kunin niyo ang mga bagay na mapapakinabangan natin. Salapi, kagamitan, o kahit mga pagkain. Pagkatapos ay muli tayong magpapatuloy sa ating paglalakbay,” sabi niya at agad namang sumunod ang kanyang mga sundalo. Siya ang pinuno ng hukbo ng Emperyo ng Chanel. Siya si Commander Walter o mas kilala bilang Pinunong Walter. Siya ang kapatid ng ni Reyna Cateline Amice—ang butihing reyna ng Emperyo ng Chanel. Sa nakalipas na mga taon ay halos masakop na nila ang buong kontinente ng Adamos. Pero may isang bans ana nakikipagpaligsahan sa kanila—ang Emperyo ng Augustus. Dahil sa lumalaking teritoryo ng Augustus ay nag-utos ang mahal na Reyna Cateline na sakupin na din ang mga terirtoryong hawak ng Augustus, at kalaunan ay nagdesisyon ang reyna na maging ang bansang Augustus ay sakupin na din nila. Isa-isa nilang sinasakop ang mga maliliit na teritoryo ng Augustus at alam niyang ilang kilometro na lang ang layo nila sa kabisera nito. “Pinuno, ayos na po ang lahat!” sigaw ng kanyang kanang-kamay na si John. Tumango siya at nag-handa na ang mga sundalo para sa muli nilang paglalakbay. Bago tuluyang makaalis ang hukbo nila ay nagtulos ng isang bandila ang isa sa mga sundalo. Isang kulay itim na bandila na may bungo ng toro. Kulay pula ang tint ana ginamit sa pagguhit sa bungo ng toro at sa ilalim ng bungo ay ang inisyal na C N L—ito ang bandila ng Emperyo ng Chanel. Mabilis at halos madapa na ang sundalong si Hugh papunta sa silid kung saan nagpupulong ang hari, ang kanyang commander, at ang ilang opisyal ng kanilang hukbo. Nakatanggap siya ng ulat na malapit nang marating ng hukbo ng Eperyo ng Chanel ang kabisera ng kanilang bansa. Lumiko siya sa isang pasilyo at dumeretso bago umakyat sa sumunod na palapag. Nakita niya ang dalawang sundalong nagbabantay sa labas ng pintuan at nang makita siya ay mabilis siyang hinarang. “Bawal pumasok. Patuloy ang pagpupulong ng mahal na hari,” sabi ng isang sundalo at mabilis siyang umiling. “May natanggap akong ulat. Kailangang malaman ito ng hari,” sagot niya. Nang marinig ito ng dalawang bantay ay hinayaan na siyang pumasok. Pagkabasok niya ay nakita niyang nakaupo sa bilog na mesa ang mga opsiyal kasama na ang hari. “Masamang balita!” sigaw niya at napatingin sa kanya ang lahat. “Hugh, anong nangyayari?” tanong ni Lt. Fabian Leofric—ang commander ng hukbo nila. “Nakubkob na ng Chanel ang maliit na nayon ng Archibald. Ilang kilometro na lang ang layo nila at mararating na nila ang kabisera natin!” sabi niya at dahil dito ay naalerto ang mga tao sa silid na iyon. “Hindi pwedeng makarating sila sa kabisera! Magiging huli na ang lahat para sa atin!” sigaw ni Lt. Fabian. Mabilis na sumang-ayon ang mga opisyal at nagsimula na silang mag-ingay. Kanya-kanya silang bato ng mga ideya kung papaano pipigilan ang paglusob ng Chanel. “Tahimik!” dumagundong ang boses ng hari. Si Hari Julian Lorence,a ng ika-pitong hari ng Emperyo ng Augustus. Bigla na lamang tumahimik ang mga tao sa silid na iyon. Tumayo si Haring Julian at tinitigan ang kanyang mga kasama. “Walang mangyayari kung magkakagulo tayo. Hindi natin masosolusyonan kung puro tayo sigawan. Kumalma muna tayo at isipin ang pinakamagandang paraan upang harapin ang Chanel,” sabi niya. Mabilis na kumalma ang mga tao at muling umupo sa kanilang mga upuan. “Gaano kalapit na ang hukbo ng Chanel?” tanong niya at mabilis na sumagot si Hugh. “Ang nayon ng Archibald ay sampong kilometro ang layo nito sa kabisera. Ang sabi sa ulat ay natanaw nila ang hukbo ng mga kalaban dalawang oras matapos nilang mapasakamay ang nayon,” paliwanag nito. “Kung ganoon ay nasa walong kilometro na lang ang layo nila sa atin,” sabi ng hari. Huminga ng malalim ang hari at agad na nagbigay ng utos. “Ilikas niyo na ang mga mamayan ng kabisera. Dalhin sila sa nayon ng Honora. Tawagin niyo ang ilang mahikero natin upang gumamit sila ng mahika ng teleport. Mas mapapabilis ang paglikas sa kanila. Hindi natin alam baka bubulagain na lang tayo ng mga sundalo ng Chanel. Walong kilometro ang layo nila pero hindi natin alam nab aka may kasama silang mahikero. Mahirap na.” “Masusunod po!” sigaw ni Hugh at mabilis na lumabas ng silid. “Anong gagawin natin? Papaano natin matatalo ang hukbo ng Chanel?” tanong ni Lt. Fabian sa hari. “Fabian, nawawalan ka na yata ng pag-asa. Sa totoo lang, mapipilitan akong gamitin ang huli nating alas,” sabi ni Haring Julian. Nagtaka ang lahat dahil sa sinabi ng hari. “Alas? Anong alas?” tanong ng isa sa mga opisyal. “Ang Dragon Beast,’ sagot ni Haring Julian. Nagulat ang lahat. Wala silang kaalam-alam na nasa kanila ang mapanganib na halimaw na iyon. “Papaano?” “Dalawang taon na ang nakalilipas nang makuha ko ang Dragon Beast sa kamay ng wizard ng Palmer. Ipinagkatiwala sa akin ang Dragon Beast at sinabi na magagamit ko ito balang araw. Sa tingin ko ito na ang araw na iyon,” paliwanag ni Haring Julian. “Mahal na hari, ang Dragon Beast ay isang mapanganib na halimaw. Walang sinuman ang maaaring kumontrol sa halimaw na iyon,” sabi pa ng isang opisyal. “Magtiwala na lang tayo. Makakaya kong kontrolin ang halimaw na iyon.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook