KABANATA IV

1070 Words
“Haring Julian?” tawag ni Lt. Fabian sa kanilang hari. Malaki ang pinagbago ng kanilanghari sa nakalipas na limangtaon. Bumagsak ang pangangatawan nito at hindi na nakakakain ng sapat. Alam din niyang nag-aalala ang hari sa naiwang anak na si prinsesa Minerva. Hanggang ngayon ay wala silang balita tungkol sa prinsesa. Ang huling pagkikita nila ay angpagtakas nito palabas ng kabisera. “Ano pa kayang mukha ang maihaharap ko sa mga tao ng Augustus? Ano pa ang karapatan kong humarap sa kanila?” tanong ng hari. Hanggang ngayon ay sinisisi ng hari ang sarili. hindi nito nakontrol ang Dragon Beast. “Nangyari na po ang lahat. Ang kailangan natin ay iligtas sila. Hindi pwedeng habang buhay na maghihirap ang bansa natin. Kailangan nila ng mamumuno. Hindi pwedeng habang buhay na lang tayong hawak ng mga taga-Channel. Kailangan nating ipagpatuloy ang laban,” sabi niya at isang buntong-hininga lang ang kanyang natanggap. “Fabian! Haring Julian!” Lumingon sila nang makita si Bernard—isa sa mga miyembro ng inner circle ng hari at kapitan ng isang hukbo. “Ano iyon, Bernard?” tanong niya. “Pinapatawag kayo ni father Monico! May natanggap siyang mensahe mula sa panginoong Sol!” Nagkatinginan sila ni Haring Julian bago dali-daling pumunta sa silid kung nasaan ang pari. Naabutan nila si Father Monico na nakalutang sa hangin. Ang mga mata nito ay kulay puti at nagliliwanag. Nagkaroon ng mahiwagang bilog sa poaligid ng pari—sensyales na nasa demensyon ito kung nasaan ang kanilang panginoon na si Sol. “Gaano na siyang katagal na ganyan?” tanong ni Haring Julian. “Sa tingin ko po ay limang minuto na. nagulat na lang kami ng bigla na lamang siyang umangat sa hangin at ganyan,” sagot ng isa sa mga sundalo. “Mukhang may mensahe para sa iyo ang panginoong Sol, Haring Julian,” sabi ni Lt. Fabian. Nagkaroon ng bulung-bulungan sa paligid at hindi nila maiwasang umasa sa kanilang panginoon. “Mahal na hari, hindi kaya may tulong na ipapadala sa atin ang mahal na panginoong Sol?” tanong ni Bernard. “Siguro nga. Ito ang unang beses na nagparamdama angating panginoon,” sabi ni Haring Julian. Lumipas ang labing-limang minuto at nakita nila ang pagkawala ng mahiwagang bilog at bumagsak sa semento si Father Monico. Pawis na pawis ang matanda at hingal na hingal. Tila ba napakalayo ng nilakbay nito. “Father Monico?” tawag nil t. Fabian. Inalalayan ng ibang sundalo ang pari para makatayo. Agad naman nilang binigyan ng tubig ang pari at uhaw na uhaw itong inubos ang isang basong tubig. “Mga kasama, may ibinigay na mensahe si Panginoong Sol,” sabi ni Father Monico. “Isang mensahe na magliligtas sa buong Augustus.” Dahil sa narinig ila ay nabuhayaan sila ng loob. “Sinasabi ko na nga ba, hinditayo pababayaan ni Panginoong Sol!” “Ginagabayan pa din niya tayo!” “Maraming salamat, Panginoong Sol!” “Ano ang mensahe ng mahal na panginoon?” tanong ni Haring Julian. Huminga ng malalim si Father Monico saka sinagot ang hari. “Sinasabi ni Panginoong Sol na kailangan nating manawagan sa kanyang anghel na si Angelus. Si Angelus ang magbibigay sa atin ng tulong upang mabawi ang ating kaharian mula sa Emperyo ng Channel,” sabi ni Father Monico. “Kung ganoon ay ano ang dapat nating gawin? Tatlong pari lamang kayo ang nandito sa ating pinagkukublihan,” sabi ni Lt.Fabian. “Pwedeng tayo-tayo na lang ang tumawag sa anghel na si Angelus. Sa tingin ko ay sapat na kaming tatlong pari upang magsimula ng ritual at pagdarasal,” sagot ni father Monico. “Kung ganoon ay simulant na natin,” sabi ni Haring Julian. Tinitigan siyang mabuti ni Father Monico. “Mabuti naman ay lumabas ka sa iyong lungga. Pero sasabihin ko lang na hindi magiging madali ang pagtawag natin sa anghel. Kinakailangan natin ang mahabang pasensya, lakas, at kapangyarihan. Hindi magiging madali ang lahat,” paalala sa kanila ni Father Monico. “Gagawin naman ang lahat, Father Monico. Gagawin namin ang lahat marinig langtayo gn anghel na si Angelus,” sabi nil t. Fabian. Nagkasundo silang lahat na sisimulan na kaagad nila ang pagdadasal para sa anghel na si Angelus. Ang dalawang pari na kasama ni father Monico na sina father Ignacio at Father Lazaro ay nagsimulang maghawak kamay para bumuo ng mahiwagang bilog. “Ciorcal naofa na beatha, tar linn!” sa pagbanggit ng tatlong pari ng mga katagang iyon ay lumiwanag ang paligid at nagkaroon ng kulay putting mahiwagang bilog sa paanan ng tatlong pari. Mga sinaunang kasulatan ang nakapalobb sa bilog at nag-bigay ito ng kapangyarihan sa tatlong pari. “Maghawak-hawak tayo ng mga kamay,” utos ni Father Monico. Dito na sila sumunod. Pinaikutan nila angtatlong pari at naghawak-hawak ng kamay. “A aingeal naofa Angelus, tagaimid chuig do ghrásta agus iarraimid do chabhair,” (O holy angel Angelus, we come to your grace and ask for your help.) bigkas ni Fther Lazaro. Tatlong beses na binanggit ito ng pari at sa pangatlong beses ay may nabuo ulit na mahiwagang bilog. Kakaiba ito sa mahiwagang bilog na nasa paanan ng mga pari. Anbilog na ito ay lumaki at pumasok sila saloob nito. Kulay ginto ang bilog na ito, hindi katulad sa mga pari na kulay puti. Naramdaman nila ang kapangyarihan ng dasal na ito. para bang kinukuha ang lakas nila. “Aingeal naofa Angelus, dúirt an Dia mór Sol linn chun cabhair a lorg uait. Cuidigh linn chun ár gcath. Táimid ag iarraidh ár dtalamh a aisghabháil, Augustus. Aingeal naofa, le do thoil anseo ár bpléadáil.” (Holy angel of Angelus, the great God Sol told us to seek help from you. Help us to our battle.We want to retrieve our land, Augustus. Holy angel, please here our plea.) “Ulitin niyo ang sasabihin ko,” sabi ni father Monico at tumango silang lahat. “Aingeal naofa, éist lenár bpléadáil le do thoil.” (Holy angel, please hear our plea.) “Aingeal naofa, éist lenár bpléadáil le do thoil.” “Aingeal naofa, cuidigh linn le do thoil ár dtalamh a aisghabháil.” (Holy angel, please help us to retrieve our land.) “Aingeal naofa, cuidigh linn le do thoil ár dtalamh a aisghabháil.” Hindi nila alam kung gaano sila katagal na mananawagan sa anghel na si Angelus. Pero bawat isa sa kanila ay umaasa na maririnig ng anghel ang kanilang panawagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD