KABANATA V

1170 Words
SA KABILANG DIMENSYON “Ano na naman ba ito, Angelo? Bakit zero ang exam mo?” Napangiwi siya nang marinig ang sigaw ng kanyang ina. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nagsisimula na naman ang bibig ng kanyang nanay. Hindi niya pinansin ang ina at bumaling sa kanyang kama sabay takip ng unan sa kanyang ulo. Umaasa siyang hindi niya maririnig ang maagang sermon ng kanyang ina. “Angelo!” tawag sa kanya ng nanay niya. naramdaman din niyang kinuha nito ang kanyang malambot na una. “Ano ba iyon, ma?” tanong niya. bumangon siya pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. “Ipaliwanag mo ito!” sabi ng kanyang ina. Dumilat na siya at nakita ang kanyang test paper. Malaking kulay pulang zero ang bumubungad sa kanyang papel. Sh*t! nakita pa iyan ni Mama? Dapat talaga tinapon ko na iyan kagabi. “Ma, hindi pa ba kayo nasanay? Palagi ka na lang nanghihingi ng explanation kung bakit ako zero. Eh ‘di malamang hindi ako nag-aaral,” sagot niya at dahil dito ay nakatanggap siya ng pinggot sa kanyang ina. “A-aray! Tama na, Mama! Aray!” sigaw niya. Napahawak na lang siya sa kanyang namumulang tainga nang bitawan ito ng kanyang ina. “Hindi ko na alam ang gagawin sa’yong bata ka. Nagpapakahirap kami ng tatay mo sa pagtatrabaho, mapag-aral ka lang tapos ganito ang makukuha namin resulta? Pang-ilang beses mo na ito sa strand mo? Ang mga ka-batch mo college na! Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mong si Aries? Sinusuklian ang paghihirap namin ng papa mo. Matataas ang grades! Bakit hindi mo magawa iyon, Angelo?” Pinigilan niyang sumagot sa kanyang ina. Ganito na lang palagi ang eksena nila ng kanyang ina. Palagi siyang ikinukumpara sa bunso niyang kapatid. Hindi naman lingid sa sarili niya na paboritong anak ng magulang niya si Aries. Siya naman kasi ang tinaguriang black sheep ng pamilya nila. Madalas din niyang marinig sa kanilang mga kamag-anak na kung gaano kabanal ang pangalan niya, ganoon kasama naman ang ugali niya. Hindi naman talaga masama ang ugali niya. Hindi naman siya nananapak ng ibang tao, rumerespeto pa din siya sa mga taong dapat bigyan nito. Iba lang talaga ang tingin sa kanya ng kanyang pamilya. *** “Yow! Long time no see!” Naramdman niya na may humampas sa kanyang likod ay lumingon siya. Nakita niya ang nag-iisang kaibigan niya dito sa eskwelahan—si Jacob. Itinuturing niyang matalik na kaibigan itong si Jacob. “Ikaw pala,” sabi niya at nagpatuloy siya sa paglalakad. “Hindi ka na naman pumasok kahapon sa last period. Hinahanap ka na naman ni Ma’am Busig,” sabi nito sa kanya at naiiling na lang siya. “Bakit naman niya ako hahanapin? Saka ano bang tinuturo niya? wala akong narinig na lesson sa tuwing pumapasok siya. Palagi na lang kuwento ng buhay niya ang lesson pero kapag exam wala naman sa test paper ang buhay niya,” sagot niya na ikinahalakhak ng kaibigan niya. “Halos fifteen days lang ang pinasok mo ngayong buwan. Malamang ipapatawag na ang parents mo.” Napaismid naman siya sa sinabi ng kaibigan. “Sila? Pupunta? Kung si Aries ako, malamang pupunta sila kaso ako si Angelo eh. Black sheep sa paningin nila kaya hindi nila ako mag-aaksayahan ng oras,” sagot niya. Ngumiti na lang ng tipid si Jacob sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. naka-focus lang ang mga magulang niya sa kapati niyang si Aries. Kahit kailan ay hindi siya naging priority ng magulang niya. “Bakit hindi mo na lang kasi sila sundin? You know, maging isang mabuting mag-aaral?” sabi ni Jacob pagkapasok nila sang school nila. Kinuha nila ang mga libro niya sa locker. Kalahati na ng taon pero bagong-bagong pa ang kanyang mga libro. Hindi man lang nabubuklat. “Ayokong makipagkompetensya kay Aries. Hindi ako kasing talino niya. Hindi ako varsity player. Ang alam ko lang bugbugan, hindi paghawak ng bola.” “Buti na lang only child ako. Wala akong kaagaw sa atensyon ng parents ko.” “Good thing. Suwerte mo,” sabi niya at sabay na silang pumasok sa kanilang classroom. *** “Angelo, ano bang nangyayari sa’yong bata ka? Fifteen days lang ang pinasok mo ngayong buwan. Bagsak palagi ang scores mo sa exam. Hindi nga pumapalo ng seventy-five ang mgagrades mo,” sabi sa kanya ng kanilang adviser na si Ma’am Busig. May edad na ang kanyang teacher. Ang halos puti nitong buhok ay nakatali ng bun at ang salamin nito sa mata ay may tali na nakasabit sa leeg nito. Angat na angat din ang pulang lipstick nito. “Eh mahirap mga binibigay mong exam, ma’am. Hindi ko maintindihan ang mga itinuturo mo,” sagot niyaat kita niya ang pagtaas ng kilay ng kanyang guro. “Papaano mo maiintindihan eh hindi ka naman pumapasok!” sigaw sa kanya. Napatingin ang ilang mga guro dahil sa pagsigaw ni ma’am Busig. Nasa faculty room sila ngayon at pinatawag siya ng kanyang advisor. Ayaw na niyang makarinig pa ng kung anong sasabihin ng kanyang guro kaya tumalikod na siya kahit kinakausap pa siya ng kanyang guro. “Angelo! ‘Wag kang bastos! Bumalik ka dito!” sigaw ni Ma’am Busig pero hindi na niya ito pinansin. Tinamad na din siyang bumalik sa klase kaya lumabas na siya ng kanilang eskwelahan. Dumaan siya sa likurang bahagi ng school nila dahil hindi madalas magpatrol doon ang guwardiya. Ganito naman palagi angtakbo ng buhay niya. palagi siyang tampulan ng sermon ng kanyang pamilya at maging mga guro. Wala naman siyang magagawa kung hindi niya maabot ang mga expectations ng mga tao sa kanila. “Nakakasawa na,” sabi niya habang naglalakad. Dahil masyado pang maaga ay nagtungo siya sa isang arcade. Pagpasok niya ay may iilang estudyante ding piniling magbulakbol gaya niya. Inubos niya ang pera at oras niya sa paglalaro. Halos gabundok na ang mga nakuha niyang tickets na agad niyang pinapalitan. Isang simpleng teddy bear ang nakuha niya. “Ano namang gagawin ko dito?” tanong niya habang pinagmamasdan ang teddy bear. Papalubog na ang araw nang lumabas siya sa arcade. Sa kanyang paglalakad ay may napansin siyang gumulong na bola sa gitna ng kalsada. “Saang galing ang bolang iyon? Delikado iyan sa mga nagmomotor,” sabi niya. laking gulat niya nang may biglang sumulpot na batang lalaki at pinulot ang bola. Kasabay nito ang rumaragasang kotse at alam niyang masasagasaan ang bata kaya walang pagdadalawang isip na tumakbo siya sa direksyon ng bata at itinulak ito. naramdaman niya ang pagbungo sa katawan niya ng kotse. Sa lakas ng pagkakabangga ay gumulong siya paakyat ng kotse at nahulog sa hulihan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman at ang driver ay tila masyadong malupit. Umatras ito dahilan upang magulungan siya. Hindi na niya alam ang nangyayari, maingay at kalaunan ay tila naging tahimik ang paligid. Unti-unting dumidilim ang kanyang paningin. Tila inuugoy siya ng antok. Nang araw na iyon, si Angelo Cesar ay pumanaw sa edad na labing-walong taong gulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD