KABANATA VIII

1069 Words
“Aingeal naofa, éist lenár bpléadáil le do thoil. Aingeal naofa, cuidigh linn le do thoil ár dtalamh a aisghabháil.” Sa nakalipas na dalawang linggo ay patuloy ang pagdarasal nila sa anghel na si Angelus, kasunod ng utos ng panginoong Sol sa kanila. Halos nanghihina na ang iba pero hindi sila puwedeng tumigil. Kapag tumigil sila ay masisira ang mahiwagang bilog at uulit sila sa umpisa. Mas lalong tatagal ang magiging pagtawag sa anghel. “Aingeal naofa, éist lenár bpléadáil le do thoil. Aingeal naofa, cuidigh linn le do thoil ár dtalamh a aisghabháil,” banggit ni Father Monico. Sa huling salitang binanggit niya ay bigla na lamang nag-iba ang kulay ng mahiwagang bilog nila. Ang bilog na nasa paanan ng mga pari ay naging kulay pula at ang bilog sa paligid nina Lt. Fabian ay naging berde. Umakyat ang dalawang bilog sa itaas at halos magsanib na ang dalawang ito. Pinanuod nila kung papaano mag-iba iba ng kulay ang mga bilog at laking pagtataka nila na bigla na lamang itong nawala. Para bang hinigop ito ng kung ano. “A-anong nangyari?” tanong ni Lt. Fabian. “Hindi dininig ng anghel ang panalangin natin?” tanong ni Haring Julian. Napatingin sila kay Father Monico na nagtataka din. “Sigurado ka bang si panginoong Sol ang nakausap mo? Bakit ganito ang nangyari?” tanong ni Lt. Fabian kay Father Monico. “Maaaring hindi tayo pinagbigyan ng anghel,” sagot ng matandang pari sa kanila. “Ano? Niloloko mo ba kami, father? Dalawang linggo! Dalawang linggo tayong nagdasal—” hindi na natapos ni Haring Julian ang kanyang sinasabi nang biglang lumitaw ang mahiwagang bilog. Sobrang liwanag nito at hindi na nila mapigilang mapapikit dahil sa sobrang liwanag. Tanaw sa labas ng simabahang pinagtataguan nila ang liwanag. Mabuti na lamang at walang mga sundalo ng Channel ang nasa paligid kung hindi ay mahuhuli sila. Nakarinig sila ng tila pagbagsak ng isang mabigat na bagay. “Aray!” Napadilat sila at nakita ang isang lalaki. Kakaiba ang suot nito kumpara sa kanila. Nakakulay puting damit ito na may kakaibang tatak sa kanang dibdib nito, itim na pantalon,m at kakaibang itim na sapatos. “Sino ka!” sigaw ni Lt. Fabian at tinutukan ng espada ang lalaki. Dahil dito ay bumunot na ng mga sandata ang ilang sundalo na nasa paligid. Agad namang itinaas ng lalaki ang mga kamay nito. “T-teka lang! Hindi ako masamang tao!” sigaw nito. “Sino ka?! Magpakilala ka!” sigaw ulit ni Lt. Fabian. “Gagi! Para akong nasa pelikula katulad ng King Arthur,” sabi nito. Tumayo ang lalaki kaya mas lalo silang naging maalerto, iniisip nila na baka may gawing masama ang taong ito. “My name is Angelo Cesar. Ay teka, hindi ako maintindihan.” Inayos nito ang damit at tumikhim. “Ang pangalan ko ay Angelo Cesar. Labing walong taong gulang at isang senior high school student,” pakilala nito. “Paaano ka nakarating dito? paano mo kami nahanap?” tanong ulit ng sundalo. “Hindi ko alam eh. Basta kanina kausap ko lang ang anghel na si Angelus—” hindi na natapos ang sinasabi nito nang biglang lumapit si Father Monico sa lalaki. “Father Monico!” sigaw ni Lt. Fabian pero hindi siya pinansin ng matandang pari. Hinawakan ni Father Monico ang kamay ng lalaking iyon at tinitigan ng mabuti si Angelo. “Ikaw ba ang pinadala ng anghel na si Angelus?” tanong niya at dahan-dahang tumango si Angelo. “O-opo,” sagot ko sa kanya. “Kung ganoon ay tutulungan mo kaming mabawi ang Augustus sa kamay ng Channel?” tanong ulit niya pero ngumiti ng alanganin si Angelo. “Ah kasi ganito ‘yun. Wala akong alam sa pakikidigma. Nagulat na lang ako ng kausapin ako gn anghel na iyon at pinadala dito. Hindi ko alam kung papaano gumamit ng espada. Hindi ko alam kung papaano gumamit ng magic o kapangyarihan. Wala akong alam sa mundong ito pero pinangako ko sa anghel na iyon na tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya,” sagot sa kanya. Ngumiti si Father Monico. Para sa kanya ay sapat na ang sagot ng binatang ito. “Huwag kang mag-alala, ang lahat ng bagay ay puwedeng matutunan,” sabi niya at dito na niya nakita ang tunay na ngiti ni Angelo. “Maligayang pagdating sa kaharian ng Augustus.” Humarap siya sa kanyang mga kasama at tinitigan ng maiigi si Lt. Fabian. “Mga kasama, ang binatang ito ay ang sagot sa panalangin natin. Siya ang pinadala ng anghel na si Angelus upang tulungan tayong mabawi ang ating kaharian mula sa kamay ng Channel,” sabi niya. Dahil dito ay ibinaba na ng mga sundalo ang kanilang mga espada. Wala na rin namang nagawa si Lt. Fabian kung hindi ang ibaba ang sandata nito. Para kay lt. fabian ay mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon. “Nakita ko, mula sa salamin ni Angelus na ang lahat ng mga buntis ay hinahanap at pinapaslang ng mga sundalo ng Channel. Kaya ako pumayag sa kagustuhan ng anghel na iyon,” sabi ni Angelo na mukhang ikinabigla ng lahat. “Mukhang nakakuha ng propesiya ang mga taga-Channel. Kailangan na nating kumilos,” sabi ni Father Monico. Lumapit si Haring Julian kay Angelo at hinawakan ang mga kamay nito. “Ako ang hari ng Augustus. Ako si Haring Julian. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa kaharian namin.” “Gusto ko sana kayong tulungan pero wala akong alam sa digmaan o giyera. Hindi ko alam humawak ng armas. Ang alam ko lang ay makipag-basag ulo,” sabi ni Angelo. “Huwag kang mag-alala. Bibigyan ka namin ng panahon upang makapagsanay. Fabian, tulungan mo siyang magsanay. Turuan mo siya kung papaano makipaglaban. Tuturuan ka din nila Father Monico kung papaano gumamit ng mahika,” sabi ni Haring Julian. Tumango si Father Monico ngunit si Lt. Fabian ay hindi kumbinsido sa mga nangyayari. “Bakit padadalhan tayo ng isang lalaking walang alam sa pakikipaglaban?” tanong ni Lt. Fabian. “Hindi na dapat atyo nagrereklamo. Dalawang linggo. Fabian. Dalawang linggo tayo nagdasal at siya ang pinadala ng anghel. Wala tayong karapatang magreklamo,” sabi ni Haring Julian. Muling tumingin si Haring Julian kay Angelo. “Nawalan ako ng pag-asa na makakalaya ang kaharian ko sa kamay ng Channel. Umaasa kami ngayon sa’yo, binata.” Tanging ngiti na lang ang ibinigay sa kanila ni Angelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD