“Arrgghh!” sigaw ni Angelo at dahil sa inis na nararamdaman niya ay ginulo niya ang kanyang buhok. Nahihirapan siya sa kanyang problema. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin sa mundong ito. naiipit siya sa isang giyerang wala naman siyang kaalam-alam. Gusto niyang tumulong pero hindi niya alam kung papaano.
Napapitlag siya sa nang may biglang kumatok sa kuwartong ibinigay sa kanya ni father Monico. Hindi naman ganoon kaganda katulad ng kanyang inaasahan dahil nga sa nalaman niyang nagtatago mula sa Channel ang mga opisyales ng Augustus at kasama na dito ang hari.
“S-sino ‘yan?” tanong niya at dahan-dahan siyang lumapit sa may pinto.
“Ako ito, si Lt. Fabian,” sagot ng lalaki sa kabilang pinto. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng sundalo. Magkasalubong ang mga kilay nito at para bang naiirita sa presensya niya.
As if ginusto kong nandito ako sa mundong ito.
“Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo, sir?” tanong niya.
“Anong sir? Tawagan mo akong pinuno o Lt. Fabian,” sabi sa kanya.
“Pwede bang sir na lang? Ang haba kasi ng Lt. Fabian. Ilang syllables ‘yon. Sa mundo kasi namin, ang tawag sa mga katulad mo ay sir,” sabi niya pero binigyan lang siya ng matalim ng tingin.
Ano bang problema ng balbas saradong ito? tanong niya sa kanyang sarili.
“Isuot mo ito,” sabi nito sa kanya sabay bigay sa kanya ng isang damit. Nagulat siya dahil sa bigat at halos matumba siya.
“Ano ‘to? Hindi naman ito damit!” sabi niya.
“Iyan ang isusuot mo. Sisimulan na natin ang pagsasanay,” sabi sa kanya. “Magkita tayo sa likod ng simbahan,” dugtong pa nito at tumalikod na sa kanya.
“Teka lang! hindi ko alam kung papaano isuot ito!” sigaw niya pero hindi na siya pinansin pa ni Lt. Fabian. Kahit hindi niya alam ay pinilit niyang isuot ang baluting iyon.
“Para akong nasa isang pelikula o kaya naman ay anime!” sabi niya. Mabigat ang baluting iyon. Pakiramdam niya ay isa siyang kabalyero at kulang na lang ay kabayo. Nang maisuot na niya ito ay ramdam niya ang bigat nito habang naglalakad siya. Napapaisip tuloy siya kung papaano nakakagalaw ang mga sundalong suot ang baluting ito.
Katulad ng sinabi ni Lt. Fabian ay lumabas siya sa pinagtataguan simbahan at nagtungo sa likurang ito. Nakita niya si Lt. Fabian na naghihintay na sa kanya.
“Ano po bang gagawin natin, sir?” tanong niya. Nagsalubong ang kilay ng sundalo pero hindi na nito pinuna ang pagtawag niya.
“Nakikita mo ba ang daang iyan?” tanong ni Lt. Fabian. Lumingon siya sa tinuro nito at nakita niya ang daan paakyat ng bundok. Unang tingin palang ay alam niyang delikado na ito at matarik. “Kailangan mong maka-akyat sa itaas ng bundok na iyon bago lumubog ang araw,” sabi sa kanya.
“What?! Ano?! Aakyatin ko iyon?!” tanong niya.
Sh*t! ano ba itong pinasok ko? Hindi ako marunong ng trekking o hiking. Ang alam ko lang akyatin ang bakod ng school, hindi ng bundok!
“Mag-iingat ka lang. huwag mong hayaang makita ka ng sundalo ng Channel. Mag-iingat ka din sa mga nilalang na nasa paligid niya. hihintayin kita sa tuktok ng bundok na iyan,” sabi ni Lt. Fabian at biglang inihagis sa kanya ang isang espdada. Mabuti na lamang at nasalo niya ito. “Armas mo,” dadag pa nito at tumalikod na sa kanya.
“Teka lang! bakit diyan ka dadaan? Ibig sabihin may daan diyan? Bakit dito mo ako pinadadaan?!” sigaw niya pero hindi na siya pinansin pa ng sundalo. Napahugot na lang siya ng hininga.
“Lord! Tabangi mo ako!” sabi niya at nagsimula ng maglakad paakyat sa bundok na iyon.
“Angelus, kailangan ko ba itong pagdaanan?” tanong niya habang naglalakad. Hindi pa man gaano kalayo ang nalalakad niya pero nagsisimula na siyang mapagod. Tirik ang araw at mabigat ang baluting suot niya.
Sa kanyang paglalakad ay nakarinig siya ng tila mga kaluskos sa paligid. Lumingon-;ingon siya at tiningnan kung may tao.
“Sino ‘yan?” tanong niya pero walang sumagot. “Guni-guni ko lang siguro. Paranoid ka naman, Angelo,” sabi niya sa kanyang sarili. pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad. Nakakailang hakbang lang pa lamang siya nag muli siyang makarinig ng mga kaluskus.
“Okay Angelo, ‘wag kang titigil sa paglalakad,” sabi niya at pinagpatuloy ang paglalakad.
Nakarinig niya ng tila tumatalbog na bagay kaya sa paglingon niya ay nakakita siya ng mga kulay bughaw na mga nilalang. Mga nilalang na barang jelly na tumatalbog at may dalawang mata ang mga ito. Sa bilang niya ay limang nilalang ito.
“S-sino kayo? Slimes ba tawag sa inyo?” sabi niya at laking gulat niya nang tumalbog ang isa sa mga ito. mabilis niyang binunot ang espada niya at agad na hiniwa ang slime na ito. Sa pagkahiwa niya ay para itong water balloon na pumutok at nagkalat sa kanya ang katas nito.
“Ewww!” sigaw niya. Sunod-sunod na sumugod sa kanya ang mga slimes at agad niya itong nilabanan. Madali lamang niya itong natalo pero halos maligo na siya dahil sa katas ng mga ito. hindi na din maganda ang amoy niya dahil sa mga ito,.
“Sana may ilog dito or any bodies of water. Kadiri!” sabi niya. Mabilis siyang umakyat at tumalon sa isang malaking bato. Dito ay bumungad sa kanya ang isang maliit na batis. Malinaw at malinis ang tubig kaya hindi na siya nagdalawang isip na lumusong sa tubig.
“Grabeng creatures iyon. Parang mga creatures mula sa game na nilalaro ko sa arcade,” sabi niya habang hinuhugasan niya ng mabuti ang kanyang buhok. Saktong may nakita siyang puno ng mansanans at nakaramdam siya ng kalam ng sikmura kaya pumitas siya. Hinugasan niya muna ito sa batis at kinain.
“Ang tamis ah!” sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain niya. Nang sa tingin niya ay malinis na siya ay nagsimula na naman siyang maglakad.
Bandang tanghali na at nakakalahati na niya ang daan at mataas na din ang araw. Dama niya ang init ng panahon at pinagpapawisan siya ng todo dagdag pa na mabigat at mainit ang suot niya. Dito na niya naisipang maupo muna sa ilalim ng isang puno upoang makapagpahinga.