Chapter 7

1951 Words
Tahimik lang ako at hindi umiimik. Hinihintay kong magsalita si Mr. Vasquez. Itinuro niya lang ang upuan sa kanyang harapan at naupo nga ako pero hindi ako makapagsalita dahil may ginagawa siya at kausap sa cellphone na mukhang tungkol sa business. Pasimple kong inikot ang paningin ko. Hindi pa ‘ko nakakita ng ganitong office na mukhang bahay na. Malaki ang silid, mayroong sala set, bedroom place malapit sa sala na mayroong five stairs. Mayroong harang na kurtina ang kama kaya hindi rin makikita sakaling matulog siya roon. Ang nagbibigay pa sa ‘kin ng kuryosidad ay ang pagiging gray and black ng mga disenyo at mga kagamitan. Para bang hindi puwedeng pumasok sa loob ng silid na ‘to ang may ibang kulay kahit ballpen. Napatingin ako sa kanya para tingnan ang kasuotan niya. Napangiti ako dahil kulay white ang suot niyang long sleeve, siya lang iyong naiiba at ako rin pala na white polo shirt ang suot na mayroong mga petals design na maliliit na parang sakura. “You’re smiling,” puna niya. Napahiya naman ako at umayos ng upo. “Sorry, sir.” Ibinaba niya ang cellphone at pinagsalikop ang palad sa lamesa. Ipinatong niya ang kanyang baba sa kanyang magkasalikop na kamay. Hindi ko alam pero nahihirapan akong makipagtitigan sa kanya. “So, what brings you here?” Humugot muna ako nang lakas ng loob. “Iyong inaalok mo sa ‘kin, sir, gusto mo pa rin ba?” Nag-iinit ang pisngi’t mukha ko dahil parang hindi maganda ang naging tanong ko. Napansin ko kaagad na napangiti siya. “I see, iyon ang ipinunta mo rito which is inaasahan ko rin naman kaya tinanggap kita.” Hindi ako makakibo dahil sa kahihiyan. “So, tell me, what’s your reason?” “Kailangan ko nang malaking pera para sa operasyon ng magulang ko na naaksidente. May tumulong sa ‘kin na ipagamot sila, pero in exchange na ibebenta ko rin ang sarili kong katawan.” Halatang dumilim ang kanyang anyo. “Naisip kong ang inaalok mo sa ‘kin ay mas mabilis, at mas kaya kong sikmurain kaysa magkaroon nang trabahong may papalit-palit na kapareha.” Nagpapasalamat ako na naitawid ko iyon. Hindi pa siya kaagad sumagot sa ‘kin at lalong nagbibigay ‘yon sa ‘kin ng pangamba. “I’m willing to sign the contract kung nagdududa ka na tutupad ako!” Sumandal siya sa kanyang swivel chair. “No need, hindi ko kailangan no’n. Kailan ka lilipat sa ‘kin?” “Lilipat?” Nanlaki ang mata ko. “Yes, I’m asking you to be my lover in exchange for millions, of course, magsasama tayong dalawa.” Hindi ko iyon inaasahan. “Pero may pamilya ka, paano kung malaman nila?” “Don’t worry, ititira lang kita sa lugar na madali kitang mapupuntahan hindi naman ako araw-araw pupunta sa ‘yo, marami rin akong gawain.” “Sir, puwede mo naman akong ipatawag at papuntahin sa lugar na gusto mo. Hindi na siguro kailangan na tumira pa ‘ko sa isang lugar dahil dagdag pa iyon sa mga gastusin mo.” “That’s my condition.” Napalunok ako nang ilang beses. “Sir, gaano katagal mo plano?” “A year, maybe?” “Will it be worth it ba sa halagang ibibigay mo?” Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. “I’m sure, you’ll be worth it.” “Gusto ko rin na ikaw na lang dahil pareho nating hindi ilalabas ang tungkol sa ‘tin. Hindi ko magawang magtiwala sa iba, lalo at gusto kong maging artista pa rin, natatakot ako sa scandal na puwede kong kasangkutan kung ikakalat iyon ng iba.” Muntik akong mapaatras nang hawakan niya ang mukha ko. Nahihiya ako pero hindi ko na siya pinigilan pa. “You made the right decision, I’m glad that you chose to be smart. So, when did you need the money?” “As soon as possible, sir, sana kahit bukas kahit kalahati muna kailangan ko lang makapagbayad.” “Sure, kahit ngayon pa.” Lalo akong nabigla nang lumapit ang mukha niya sa ‘kin. Bakit handa ang lalaking ito na gumastos nang malaki para sa ‘kin? Hindi naman siya ang unang nagkaroon sa ‘kin nang interes, pero kung ganito talaga siguro kayaman ang milyon sa kanilang isangdaang libo lang ang katumbas o mas mababa pa. “One of my condition ay ako ang mamimili ng project mo sakaling makapasok ka after the training. You are my lover, so I’m afraid we’ll be in a fight kung malalaman kong mayroong ibang lumalapit sa 'yo in a romantic way lalo kung i-entertain mo sila. Hindi ko gusto ang may kahati, lalong-lalo na kung sa ‘kin ka pa sa oras na ‘yon.” Babala ang tono niyon kahit may ngiti siya sa labi. “Hindi iyon mangyayari, bawal sa contract iyon,” sagot ko. Ngumiti naman siya. Gusto kong itanong kung anong nagustuhan niya sa ‘kin pero hindi siguro ngayon kaagad. “Ibibigay ko ngayon ang five million, bukas ay ayusin mo na ang ilang personal mong gamit ang titira ka na sa magiging place natin.” Kumakabog ang dibdib ko nang malakas. Wala akong ibang naging sagot kung hindi pagtango. Iniabot ko sa kanya ang cellphone ko. “Kailangan ko ng contact sa ‘yo, sir.” “Sa office mo lang ako tatawagin ng sir, mahirap kung sa kama’y sir pa rin ang itatawag mo sa ‘kin.” Hindi ko magawang magre-act sa kanya kahit nakakailang ngiti na siya ngayon. Tumayo na ako nang iabot niya sa ‘kin ang cellphone. “Salamat, sir, tatawagan na lang kita tumatagal na rin ako dito baka kung ano pa ang masabi ng iba.” Hindi ko alam bakit ngiti nang ngiti ang lalaking ito. Paglabas ko’y iwas na iwas ako sa kanyang secretary niya dahil sa palagay ko pulang-pula ang mukha ko. Nasa elevator ako no’ng may tumawag sa ‘kin at nagulat pa ‘ko nang siya iyon. Hindi ko naman ibinigay ang number ko sa kanya? “Pababa ka na ba?” “Opo, sir.” Tama ba talaga ito? Pero mas kaya ko talaga siyang tiisin kaysa sa maraming bilang na Mr. Lopez. “Magkita tayo sa dating lugar dahil may pag-uusapan tayo.” “Hindi mo naman babawiin?” Natawa siya nang mahina. “Hindi, may kailangan lang akong itanong sa ‘yo.” Sa pagkakaalam ko ay malaki ang pagitan ng edad namin, nasa walo o siyam. Twenty-three lamang ako at nasa thirty-two na yata siya sa pagkakatanda ko. Pero hindi naman halatang malaki ang pagitan ng edad namin. Napasandal ako nang matapos ko siyang kausapin. Hindi ako nagkaroon ng karelasyon, hindi kailanman nakaramdam ng romantic feelings kahit crush kaya iniisip ko talagang asexual ako o aromantic. May nagtanong na rin akong kaibigan kung hindi raw ba ako gay? Hindi ko rin alam ang isasagot, dahil hindi rin ako nakararamdam sa lalaki nang kahit na anong romantic feelings o crush. Kaya siguro hindi rin mahirap sa ‘king pumayag sa lalaki, dahil wala akong maipaglaban na straight din ako. Nang bumukas ang elevator ay nagkatinginan kami ng lalaking papasok. Tumungo ako dahil sa hitsura niya’y mukhang mataas din siyang tao. Nginitian niya ako at sumabay sa ‘kin sa elevator. “Artista ka ba?” tanong niya. “Hindi po, trainee pa lamang po ako.” Tumango-tango siya. “Trainee as an idol?” “Opo, sir.” Nginitian ko siya dahil magiliw naman siya magsalita. Napansin ko naman na tinitingnan niya ‘ko mula ulo hanggang paa at hindi ko na lang pinapansin. Normal siguro iyon kapag kinikilatis ang pisikal na anyo. “Are you okay sa isang gay role?” Nilingon ko siya dahil nabigla ako. Nasa hitsura ko at kilos ba talaga? Baka ako lang ang hindi nakakapansin. “Sorry, it doesn’t mean anything. Sa tingin ko lang ay bagay ka sa mga Boy’s love role na nauuso ngayon.” Bumukas na ang pintuan ng elevator. May iniabot siya sa ‘kin na card. “See you around. Call me, kapag gusto mong mag-audition para maging BL artist.” Naipasok ko ‘yon sa ‘king bulsa dahil maraming sumakay sa floor na ‘yon. Nagbiyahe na ‘ko papunta sa hospital saglit pagkalabas ko ng office at hinintay ko na lamang ang time ni Mr. Vasquez nang pagkikita namin. Kapag naririnig ko ang sinasabi ng doctor ay nanghihina ako. Kailangan kong pagbutihan ano man ang kailangan kong gawin dahil malaki ang ibabayad sa ‘kin ni Mr. Vasquez. After an hour nagsabi na siyang papunta na kaya umalis na rin ako matapos ko silang silayan muli saglit. Kilala na ‘ko sa restaurant nang dumating ako at alam na kaagad kung saan ako ihahatid. Wala pa siya nang dumating ako. Katulad noong una, iyon pa rin ang babaeng nag-asikaso sa ‘kin. Nagsimula akong mahiya na naman nang dumating si Mr. Vasquez, hindi naman ako dating ganito sa iba, malakas nga ang loob ko. Dumating na ang dinner namin. Iniabot niya sa ‘kin ang isang sobre. “Thank you, sir.” Nakuha ko naman ang senyas niya na naroon na ang kailangan ko. “Bukas na ba?” Lakas loob na tanong ko. “Hindi, asikasuhin mo muna ang magulang mo at sabihan mo ako kung may kailangan ka pa.” Hindi ko inaasahan iyon, kahit paano’y may mainit na pakiramdam akong naramdaman sa kanyang sinabi. Akala ko iyon ang pag-uusapan namin. “Gusto kitang papiliin kung saan mo gustong tumira sa mga lugar na ‘to.” Iniabot niya sa ‘kin ang A4 sizes na board kung saan may picture iyon ng mga bahay, lugar, at maging disenyo. “Kahit saan mo gusto, sir,” sabi ko, lahat ay magaganda at hindi ko naisip na titira ako sa ganoong lugar. “Mas madalas ka roon, kaya pumili ka nang komportable ka. Kanina mukhang hindi mo gusto ang loob ng office ko at kung ako ang pipili ay ganoon lang ang hitsurang pipiliin ko.” Hindi ko alam bakit kailangan niya pang problemahin iyon para sa ‘kin. “Hindi naman sa hindi nagustuhan, pero kung ako ang pipili ayos lamang ba sa ‘yo ang light color? Kung may hindi ka gustong kulay rin dahil sa ‘tin naman dalawa ‘yon.” Napahiya ako bigla dahil sa sinabi ko mismo. “I mean, baka hindi ka makatulog kung hindi mo pala gusto ang lavender color.” “Lavender?” “Sample lang, hindi iyon mismo.” Nag-usap na kami tungkol doon at ako ang pinapipili niya kahit ibang mga gamit. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming bagong magiging mag-asawa. Para saan at masyado siyang considerate? Pero aaminin ko na mas natuwa ako sa gesture niya kaysa sa hawak ni Mr. Lopez na walang pakialam kung naiilang ako sa kanyang ginagawa. Iniisip ko na lamang na dahil iyon ang trabahong kukunin ko’y normal na lamang iyon sa mga parokyanong katulad niya. “Are you sure na hihintayin mo pang maging maayos muna ang magulang ko? Nakuha ko na ang pera kaya hindi mo naman kailangan na maghintay.” Napangiti siya sa ‘kin. “May camp training ka rin, hindi ba? Tapusin mo na ang mga ‘yon habang inaayos ko itong titirahan mo. Dahil may mga ipapabago rin ako kaya hindi kita maililipat kaagad.” “Salamat, sir, mag-aaral din akong maigi.” “Mag-aaral?” Nangunot ang noo niya. “Kung paano ka mapapaligaya.” Nahihiyang sagot ko. Halatang nagulat siya, hindi ba’t normal na pag-aralan ko naman talaga iyon? Wala akong karanasan, hindi ko rin alam ang tamang preparasyon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD