Chapter 6

1702 Words
Maraming tinatanong sa ‘kin si Mr. Lopez na magalang kong sinasagot. Ilang beses na rin akong umusog pero parang hindi siya makaramdam na hindi ko gustong hinahawakan niya. Tiniis ko ang mga pasimple niyang hawak at malapitang pakikipag-usap. Ngayon pa lamang ay nahihirapan na ‘kong sikmurain siya, ano pa ang ibang susunod na gusto niyang gawin sa ‘kin? Isama pa ang ibang mga parokyanong tinutukoy ni Ninang Julie. Binalikan ako ni Ninang Julie pagkalipas nang tatlumpung minuto na pinakamatagal yatang thirty minutes ng buhay ko. Inilabas niya rin ako habang tuwang-tuwang iniabot sa ‘kin ang ilang libong nakuha niya kay Mr. Lopez kahit pa kinausap lamang naman niya ako. “Itago na po ninyo, malaki po ang utang ko na dapat bayaran.” Ayokong humawak ng pera mula sa kalakarang ito. Malamig ang pasilyong dinaraanan namin at maingay rin ang tugtog sa ibaba kung saan naroon ang mga nag-show na hindi ko rin gustong makita. “Sa susunod na kita ipakikilala sa iba, iyong iba’y gusto ka na kaagad kahit picture pa lamang ang nakikita sa ‘yo. Nakatutuwa nga at mukhang nagpapalakihan sila ng presyo para lang makuha ang un among experience!” Iyong katuwaan niya’y hindi maganda ang dating sa ‘kin. “Gaano kaya katagal bago ko makuha ang perang kailangan ko, ninang?” Napaisip siya. “Isang taon? Mabilis na iyon! Pero depende, hah! Baka wala pang isang taon dahil itong ibang parokyano kapag nagustuhan ka’y talagang daang libo ang kikitain mo sa kanila sa ilang linggo lang. Baka kapag nakahawak ka nang malaking pera’y hindi mo na nga alisan itong trabaho!” Hindi alisan? Ngayon pa lamang ay nagtitindihan na ang balahibo ko sa kaalaman na matagal kong pagdaraanan ang pikit-matang pagbebenta sa ‘king sarili. Kahit ang magulang ko na parehong nagbebenta ng sarili’y hindi ako gustong matulad sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko haharapin isang araw ang kaalaman na nalaman nilang para ipagamot sila’y ibinenta ko ang sarili ko. Nabigla ako nang hawakan ni ninang Julie ang balikat ko. “Sa una ka lang matatakot at mahihirapan pero kapag tumagal ay wala na iyan. Ganyan na ganyan talaga ang mga baguhan, pero isipin mo na lamang na madudugtungan ang buhay ng magulang mo, katawan lang iyan, ililigo mo lang at tapos na.” Hindi na ‘ko sumagot dahil pinipilit ko naman talagang hindi gumawa nang hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin. “Kapag natapos ang examination mo at iyong sinasabi mo na pinaghahandaan mo ay ituloy na kaagad natin ito para naman nakakausad ka na sa bayarin.” Tumango ako. “Sige, ninang, hindi naman ako magpapakatagal dahil gusto ko ring maoperahan kaagad sila nanay.” Malinaw na iyong gamot, at ibang pangangailangan lamang nila nanay ang ibinibigay niya at wala siyang milyong halaga para ipagamot sila kaya naman nakasalalay pa rin sa ‘kin kung kailan maooperahan ang magulang ko. Sumakay na lang ako sa jeep pauwi at tumanggi sa inaalok niyang inumin at pagkain. Hindi ko magagawang i-relax ang sarili ko sa ganoong lugar. Sumiksik ako sa dulong bahagi ng jeep, pakiramdam ko ay naroon pa rin ang mga hawak ni Mr. Lopez sa ‘king likuran, hita, at maging sa pasimple niyang pagpisil sa ‘king balikat. Isama pa ang mga tanong niyang personal sa ‘king katawan at maging ang mga biro niyang nagbibigay kilabot sa ‘kin. Ilang katulad niya ang kailangan kong tabihan? Ano-ano ang ipagagawa nila sa ‘kin? Noon pa man ay hindi na ako emosyonal na tao kaya hindi ako bagsakan ng mga luha. Para bang nakasanayan ko talagang maging matatag simula nang tumungtong ako no’ng highschool. Madalas ay itinatago ko ang nararamdaman ko hanggang maging madali na ‘yon sa ‘kin. Nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung kanino ang message na iyon. Mula iyon sa ‘ming Manager. “Bukas ay mayroon kayong photoshoot at lunch meeting na magiging first T.V. appearance ninyo rin para sabihing kayo ang tatlong napiling scholar ng ACE Entertainment. Maging presentable, huwag ma-late, at malaki ang tiyansang naroon ang President.” Ang President? Maging siya’y iba rin ang tingin sa ‘kin. Hindi ba’t inalok niya rin ako nang malaking halaga para maging lover niya? Ibig sabihin, hindi iyon isang araw o isang linggo lamang. Nang makauwi ako, makapagbihis at hindi man lang dalawin ng antok ay nag-search na lamang ako. Kung sana’y isa na ‘kong artista at hindi lang isang trainee, siguro’y mas madali sa ‘king humanap ng pera. Iniisip ko rin na maaaring may makaalam ng ginagawa kong pagbebenta sa ‘king katawan kapag sikat na ‘ko, at magiging malaking eskandalo iyon sa ‘kin. Hindi ko alam bakit nai-type ko ang pangalan ni Alejandro Vasquez na President at Chairman ng company. Naglabasan ang mga article sa kanya, mga photos niya na madalas ay puro mga special gathering. “Kung siya siguro ang papatulan ko’y mas matatanggap ko pa.” Bukod sa guwapo siya’y mukhang hindi naman niya ikakalat ang tungkol sa ‘min lalo at siya’y may mataas na katungkulan at pamilyado. “Iisipin ko pa ba ang pamilya niya kung kanina lamang si Mr. Lopez ay may wedding ring? Maging si Ninang Julie sinabi na marami itong parokyanong pamilyado?” “Totoo kaya ang inaalok niya sa ‘king three million? Five million? Hindi ko matandaan.” Napabangon ako sa ‘king kinahihigaan. Kung long time service iyon at hindi ko kinakailangan na magpalipat-lipat nang lalaki, parang sa lahat ay iyon na ang maayos na offer na matatanggap ko? Nanlalamig ang pakiramdam ko, bigla parang umasa ako na baka gusto niya pa ako at gusto pa niya ang katawan ko? Hindi naman kami magmamahalan at pampalipas oras lamang, kahit paano’y hindi naman ako dapat makonsensiya? Iisipin ko pa ba ‘yon kung nasa bingit na ng kamatayan ang magulang ko? Bumalik ako sa pagkakahiga. “Totoo kaya ang offer niya?” Nakailang ikot ako sa ‘king higaan para lamang mag-isip. Pero wala talaga ‘kong maisip kung hindi mas kaya kong sikmurain ang isang lalaki nang paulit-ulit kaysa maging pasa-pasahan ng iba’t ibang lalaki na ang iba’y doble ang edad na tanda sa ‘kin. Kinabukasan ay pumili ako nang magandang kasuotan, isa sa binili ko para sa pakikipagkita sa mga prokyano ni ninang Julie pero kailangan ko ito ngayon. Kinakabahan ako, nahihiya, at nagdadalawang-isip pero nakailang lunok na ‘ko para palakasin ang loob ko. Nagkaroon kaming tatlo ng photoshoot, interview at lunch meeting. Marami silang itinatanong sa ‘min, isa na roon ay kung ano ang nararamdaman namin sa magiging camp training na puwedeng mag-alis sa ‘min sa ‘ming puwesto. Nakita ko si Mr. Alejandro Vasquez na may mga kausap na mukhang matataas din ang katungkulan. “Pinakamahalaga ang experience at matututunan namin sa camp training, it might be a competition, pero for me it’s a friendly competition ang papasukin namin at lahat kami ay maiuuwi sa ‘ming mga matututunan. Pero we will try to perform our best para hindi kami magkaroon ng mga pagsisisihan after that.” Nakangiti akong sumagot. Sakto naman na tumingin si Mr. Vasquez sa bahagi ko at matiim pa rin ang titig niya. Nginitian ko siya at napansin kong nagkunot ang kanyang noo. Nag-init ang mukha ko’t tainga dahil napahiya ako bigla. Marami pa silang itinanong, nakakapagod pero okay lang naman, mas maganda pa rin na kahit paano ay makilala kami dahil ang camp training ay recorded at ang voting ay tao ang magdedesisyon kasama ang mga points ng mga judges. Napansin kong umalis na si Mr. Vasquez, gusto ko siyang sundan para kausapin pero baka mapansin ng iba at mapagalitan pa ‘ko dahil sa gagawin ko. Pero paano ko siya kakausapin? Nag-aalisan na rin ang mga reporter, at naiiwanan na kaming tatlo at ang Manager namin. “Aryan, free time ninyo puwede na kayong magpahinga. Katulad nang sinabi ko’y magbukas kayo ng bagong account, at huwag i-entertain ang mga basher, dahil bago lamang kayo’y mas maganda ang magkaroon kayo ng communication sa mga maaaring maging fan.” Tumango naman ako dahil ako mismo ang kinakausap niya. “Ma’am, may mahalaga kayang pupuntahan ngayon si Mr. President?” Napansin kong nabigla siya sa tanong ko. “Sa ganyan ay wala akong alam, bakit?” “Ah, mayroon kaming pinag-usapan noong nakaraang ipatawag niya ako at gusto ko sanang bumalik para rin doon dahil hindi ko masyadong naunawaan.” Hindi ko alam kung kapanipaniwala ang sinabi ko. Tumango naman siya. “Sige, itatawag ko sa secretary niya para itanong kung puwede. Alam mo na, hindi tayo basta-basta puwedeng umakyat doon nang walang pahintulot.” Nauna na umuwi ang dalawa kong kasama habang ako’y nag stay sa office ng manager namin. Dalawang oras na yata ang lumipas simula nang tumawag siya sa secretary ni Mr. Vasquez at sinabi nitong mayroon itong meeting, pero nasabi nito ang tungkol sa ‘kin at sinabing maghintay ako. Kinakabahan ako at nanlalamig. Nang mag-ring ang cellphone ni Manager at sagutin nito iyon ay tumingin siya sa ‘kin ibig sabihin ay mula na iyon sa itaas. “Yes, narito pa siya, saan ko papupuntahin ulit?” Napalunok ako sa kaba. “Okay, papupuntahin ko na lang siya diyan at bibilisan niya.” Napatayo ako bigla nang senyasan ako ni Manager na okay na. Nagpapasalamat akong hindi siya nagtanong tungkol sa pinag-usapan namin ni Mr. Vasquez, hindi ko alam kung paano hahabi ng kasinungalingan na kapanipaniwala. Sa elevator pa lamang nagtitindigan na ang mga balahibo ko. Madalas kong naririnig na istrikto si Mr. Vasquez at sa pagtingin pa lamang niya’y sigurado na ‘kong ang mata niyang matapang ay magpapalambot ng tuhod ninoman. Nang bumukas ang elevator ay naglakad na ‘ko sa pasilyo. Nang makarating ako sa labas ng office ni Mr. Vasquez ay mayroong table roon ang kanyang secretary na babae na mukhang ang edad ay nasa fourty. “Hello, I’m Aryan, narito ako para kay Mr. Vasquez.” Nginitian niya naman ako. “Hinihintay ka na niya, itulak mo lang ‘yang pintuan at nariyan siya sa loob.” Nagpasalamat ako sa kanya. Huminga muna ako nang malalim at marahang bumuga bago ko itulak ang pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD