Pupuntahan ko sana muna siya pero naisip kong magbuhos muna para mawala ang antok na nararamdaman ko. Mayroon akong private room din naman na ibinigay niya at mayroon ding mga kasuotan at kagamitan na kaya hindi ko naman talaga kailangan nang bitbitin pa lahat ng gamit ko. Nang matapos ako’y nagroba lamang ako at naupo sa gilid ng kama. Nagulat pa ‘ko nang bumukas ang pintuan. “Narito ka pala, sinabi ni Manang na dumating ka kaya dito kita tiningnan dahil hindi ka naman pumunta sa kuwarto.” Tumayo ako para salubungin siya. “Nagbuhos lang ako, gising ka ba kanina? Akala ko tulog ka kaya hindi na muna ako pumunta.” Iniangat niya ang palad niya’t pinunasan ang butil ng tubig sa ‘king pisngi. May kakaibang init akong naramdaman, hindi naman sensuwal, more on warmth. “Pagod ka ba?” tanon