"Hoy! Tulalang-tulala ka diyan!" Nabigla ako sa pagtapik at malakas na boses ni Kevin. "Bakit naman nananakit ka?" Natawa pa siya at lumapit sa 'kin dito sa kinauupuan ko sa bahaging gitna ng gym. Waiting kami pare-pareho sa 'ming susunod na task. "Kumusta na 'yong magulang mo?" "Maayos na naman sila, ikaw ba? Saan ka pumunta kahapon? Sabi ni Paulo ay umalis ka rin." "Ah, may pinuntahan lang ako." Halata na hindi niya gustong ikuwento dahil kaagad siyang umiwas. Hindi naman ako mausisang tao kaya hindi na rin ako nagtanong pa tungkol doon. Dumarami na rin kami dito, sa ngayon ay twenty five na lamang kami ang susunod daw na maaalis ay lima kaya marami kaming kabado. Teka, kabado pa ba 'ko o iniisip ko lang naman ang nangyari sa 'min ni Alejandro? Ipinilig ko ang ulo ko, kailanga