Chapter 10

1612 Words
Nilingon ko si Kevin na kasama ko sa pag-stretching. Narito na kami ulit sa malamig na gym na kung saan marami ring iba’t ibang parte na mayroong malaking salamin. Mukhang dito magaganap madalas an gaming training. Nakasuot din kami ng pajama na light blue, white shirt, at light blue rin na jacket. “Anong itinatanong mo ulit?” “Sabi ko, sino iyong kausap mo kanina?” “Ah, kaibigan ko?” Parang hindi pa ‘ko sigurado. “Matagal kayong magkausap.” “Mayroon kasi kaming pinagkukuwentuhan. Nasaan si Paulo?” Pag-iiba ko. “May nakita siyang kakilala kaya pinuntahan muna niya.” Wala pa lahat dito sa gym dahil may thirty minutes pa naman bago ang call time. After thirty minutes nakaupo na kaming lahat at naghihintay para sa ‘ming first activity. “Kumusta kayong lahat? Nagustuhan ninyo ba ng kuwarto ninyo? Ready na ba kayo sa ‘ting mga indoor and outdoor training?” Malakas na tanong ng lalaking sikat na host na wala pang thirty ang edad. Lahat ay sumagot ng excited na, habang ako naman ay kabado pa rin. “Okay! Ang ating activity ay one or twice a day depende sa kailangan ninyong preparation. Pero bago tayo mag start tingnan muna natin ang mga kailangan nating tandaan.” Sa malaking screen sa kanyang likuran ay nagsimula siyang magpaliwanag at ang pinakamahalagang sinabi niya ay una, ang voting ay magaganap sa loob ng training at iyon ay mula sa mga judges na may fifty percent na halaga, ang sumunod naman ay ang choice naming magkakasama na may twenty-five percent, at may ganoon ding porsiyento ang hawak ng mga nasa labas o mga tagasubaybay. Maykakaroon nang malakihang elimination after a week of training, iyon ay binubuo rin ng ten task. Hindi ko sinayang ang panahon ko, lahat ng mga task ay nag-effort ako kahit pagod na pagod ako at may mga dance step na hirap ako. In-door or out-door ay inilalaban ko. Pinakamaganda lang dito sa first week ay wala pang sinasabi ang mga judges, iyong loob namin ay matibay pa sa paggawa. Sa palagay ko rin ang layunin ng week na ito ay matuto kami, para sakaling maalis man kami ay marami na kaming natutunan. Madalas pagod na pagod ako at inaantok kaagad. Nalalaman kong maayos si nanay at tatay at sa wakas nga’y nagising na rin si nanay. Masaya siyang narito ako sa training, nalulungkot na may malaki raw siyang problemang ibinigay sa ‘kin at hindi ko maipaliwanag sa kanya ng maayos kung paano ako nakakuha ng pambayad. Pero puwede na ‘kong lumabas muna saglit kapag tapos na ang first elimination na kalahati na sa ‘min ang mawawala. Ginawa ko naman ang best ko kahit paano confident ako na may chance ako makapasok sa twenty-five na maiiwanan. Inaantok na ‘ko nang mag-ring ang cellphone ko. Si President! Parang ilang araw rin siyang hindi tumawag. Nagising ang diwa ko na antok na antok. Tumayo ako at pumunta sa balkonahe. “Kumusta?” “Maayos lang, sir, kumusta ka rin?” Nahihiya ko pang tanong. “I’m good, bukas na ang result? How’s your training?” “Okay naman, sir, ginawa ko naman ‘yong best ko.” Napangiti ako dahil totoo at sigurado ako na nagawa ko naman lahat. “Yes, napapanood ko naman minsan.” “Napapanood?” Nagulat pa ‘ko, samantalang normal naman siguro ‘yon. “Yes, nakita ko na ibinibigay mo ang best mo. Marami ka na ring mga supporters. Nakikita mo naman, hindi ba?” “Oo, hindi rin ako makapaniwala the more na may mga positive feedback akong natatanggap parang mas lumalakas din ang loob ko.” Nangingiti ako dahil hindi ko naman nakukuha ito dahil sa favor niya. Hinahayaan niya lang ako sa carreer ko, magkaiba ang ugnayan naming dalawa. “Siya nga pala, gising na si nanay at si tatay ay stable na, salamat, nalaman ko kay Nurse Rana na ipinapaasikaso mo rin sila sa mga doctors. Masaya naman ako sa naitutulong mo pero masyado na ring malaki ang ibinigay mo sa ‘kin kaya hayaan mo na lamang na ako na.” “Kulang pa ang ibinigay ko sa ‘yo,” aniya. “Huh?” “Pinapatapos ko lang ang camp training mo at maiuwi mo ang magulang mo, sakto na magsasama na rin tayo.” Nag-init ang mukha’t tainga ko. “Nalaman ko na iyong private nurse nila ay kasama nila pag-uwi sa inyong bahay.” “Iyon ang usapan namin, pumayag naman siya.” “Dalawa silang inaalagaan kaya magpapadala ako ng dalawa pa para mas matututukan sila.” “Ha? Bakit? Naku, ‘wag na iyong gano’n!” “It’s for their health and safety.” “Hindi ko alam kung paano pa kita mapapasalamatan, parang hindi dapat iyong ganoon kalaking gastos sa ‘kin, pasensiya ka na, after camp training ay ihahanda ko na sarili ko para mapakinabangan mo na ‘ko.” Hindi kaagad ito nakasagot iyon pala’y tumatawa ito. “Don’t worry, abala rin naman ako see you after the training.” “See you too, lalabas pala ako after the elimination puwede rin ako no’n.” Hiyang-hiya pa ako. Sa totoo lang, pakiramdam ko talaga sobra-sobra na rin iyong ibinibigay niya kaya gusto kong gumanti. “Hmm,” mukhang nag-iisip siya. “Okay, ipasusundo kita sa nearest coffee shop sa hospital.” “Sige, basta ay kailangan ko lang bumalik dito kinabukasan ng maaga.” Iyon lang naman pinag-uusapan namin kaya nang matapos iyon parang nakahinga na ko nang maluwag. Pagbalik ko ay nahiga ako sa kama. “Bakit masyado siyang mabait?” “Dahil kaya bago lang kami?” “Magbabago pa rin kaya ang kanyang ugali?” Sa palagay ko hindi naman siya katatakuhan kung ganoon lang siya ka-chill. Isa pa, talagang natataranta silang lahat. Kaya kailangan kong i-expect ang worse bago ako magtiwala nang husto. Kinabukasan ang last training namin bago kami bawasan ng kalahati. Sumayaw at kumanta kami bawat grupo. Masasabi kong nahirapan ako sa groupings dahil may attitude ang dalawang nakasama ko. Sa unang elimination ay nakapasok kaming tatlo nila Kevin at Paulo, actually expected na raw at malaking disappointment kung kasama kami sa matatanggal. Sobrang tutok ang atensiyon sa ‘min at expected nilang nasa Top-Ten dapat kami, which is sobrang pressure pero malaking katuwaan din na may mga tao ng nag-follow sa ‘kin at nagpapalakas na rin ng loob. “Mag-iingat ka,” sabi ni Kevin nang maihatid niya ‘ko sa taxi. “Ikaw din, magkita na lang tayo bukas.” Pumasok na ‘ko sa taxi. Nagpahatid ako sa hospital at may ilang nakakilala sa ‘kin kaya nagpa-picture sila na pinauunlakan ko naman. Bawat isang supporter ay kailangan ko. Si Rana ay nagdala ng lugaw para kay nanay, kaya pinayagan ko siya na umalis muna dahil ako na ang magpapakain. “Saan galing ang pera mo?” Mahina ang boses na tanong ni nanay. “Wala tayong kamag-anak na magpapahiram sa ‘yo nang ganoon kalaking pera.” Nagkatitigan kami, mahirap sa ‘kin na maglihim pa sa kanya dahil wala talaga akong paghahanapan ng kasinungalingan dahil sanay akong totoo sa kanila. “Sponsor,” sagot ko. Napansin kong nagtaka siya pero nagulat na ang dating. “Sponsor? Paanong sponsor?” “Nay, iisa lang naman siya.” “Anong sagot iyan? Tinatanong ko kung ano ‘yong sponsor?” Wala akong nagawa kung hindi ipaliwanag sa kanya. “Ano? Akala ko ayaw mo no’n, anak? Bakit ka pumayag?” Halatang nag-aalala siya. “Nay, hindi naman ako iiba siya lang naman, please, magpagaling kayo kaysa isipin ako.” Naiiyak siya at nagpupunas ng mga luhang hindi matigil. Sinisisi niya ang kanyang sarili. Ibinaba ko ang lugaw at hinawakan ang kamay niya. “Nay, mabait siya at nagkakasundo naman kami.” “Pero hindi mo iyan gusto noon pa! Palagi mo nga kaming pinagbibilinang magulang mo na huwag na iyong ulitin, kaya kami nahihiya dahil ganito kami ng magulang mo. Tapos, dahil lang din sa ‘min kaya magagawa mong saktan ang sarili mo.” Hinimas ko ang likuran niya. “Nay, okay lang ako, kami, ipakikilala ko siya sa inyo sa susunod.” “Ipakilala?” tanong ni tatay. Tiningnan ko ang wristwatch ko at si Alejandro ang nakita ko sa ‘kin na call registered. “Nay, bukas na lang kita kakausapin.” “Bakit aalis ka na?” Halatang nalungkot siya. “Opo, pero mag-video call ako sa ‘yo mamaya.” “Okay, mag-iingat ka, Aryan.” Ang hitsura ni nanay ay alam kong problemado. Ibinilin ko na lamang siya kay nurse Rana, kung sana mas marami pa ‘kong oras sa kanila kaso’y gusto ko rin magampanan ko ang usapan namin ni Alejandro. Sa tapat ng hospital ay mayroong coffee shop at napansin ko na kaagad ang sasakyan. Sumakay na ‘ko dahil iyon ang bilin sa ‘kin ni Alejandro. “Kayo po ba si mang Juan?” tanong ko. “Opo, ako ang magiging personal driver ninyo.” Ngumiti naman ako. “Ikinagagalak ko po kayong makilala.” Natawa naman siya. Nakatulog ako sa sasakyan dahil sa pagod na rin at puyat. Nang makarating na kami muli sa magiging bahay namin ay sinalubong na agad ako ni Manang. “Nariyan na siya sa kuwarto niya, sabi niya’y doon na lang daw muna ikaw pumunta.” Bigla naman akong kinabahan. Kuwarto kaagad? “Kanina pa po ba siya?” "Opo, kanina pa siya narito kayo na lang ang hinihintay." "Sige po, salamat." Hindi naman niya sinabing narito na siya. Nakailang inhale-exhale muna ako bago ko siya puntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD