Akane's POV Nagising nalang ako dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Pagkadilat ko ng mga mata ko ay bigla akong napangiwi ng biglang kumirot ang mga sugat ko. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang idinilat ang mata ko. Nilibot ko ang kwartong kinalalagyan ko. Bigla akong napaisip kung anong nangyari sa akin. Tsaka ko lang narealize na nakita ko si Shiro-nii-san pero mukang nanaginip lang ako. Pero imposible dahil sinong nagdala sakin dito? Hindi naman ako pamilyar sa lugar. Sa amoy oo. Napatigil lang ako sa pagiisip ng biglang bumukas yung pinto at niluwa ang napaka gwapong nilalang na walang iba kundi si Shiro-nii-san. Bigla akong napabalikwas ng bangon para yakapin siya ng bigla ulit kumirot ang sugat ko. "Aray koo.." daing ko. Narinig ko siyang tumawa. "Easy ka lang kasi. Hahaha."