Akane's POV Matapos akong hinatid kahapon ni Shiro-nii-san sa school ay nagtungo nalang muna ako sa isang hotel at nag check-in. Sa ngayon ay naghahanda na ako para pumasok. Mabilis kong nilisan ang kwarto tsaka nag check-out. Mabuti nalang at may extra pa akong uniform na naiwan. Naglakad nalang ako papunta sa school namin tutal ay malapit lang naman dito ang school. Pagkarating ko sa classroom ay sinalubong agad ako nila Alexis at dinambahan agad ako ng yakap. "A-aray.. H-hindi ako makahinga... Bitaw!" Sabi ko habang hindi makahinga sa yakap nila. Medyo naramdaman ko rin yung pagkirot ng sugat ko. "Saan ka galing!? Bakit ngayon ka lang nagpakita!" Sunod-sunod na tanong nila. "Easy lang. Mahina kalaban." Awat ko habang pilit na ngumiti. Bigla naman nila akong binatukan. Napatawa nalan