♚ITCYP1♚: HER DECISION
Akane's POV
Yo! Dont know me ayt? Hihihi. By the way, I'm Akane Rei Lee Yamazaki. I'm just a 17 years old.
but why im so gorgeous err--just joking.
But that's actually the truth. As you can see, I'm a certified childish so masasanay na ang makakakilala sakin. Wahahaha. But i have a secret...
We are a yakuza.. you heard it right--este, you read it pala.
My family is a yakuza and I'm also the Yakuza Princess. Oh! Before I forgot, we're also trained to fight. I admit that i'm strong--err hindi pala! it's better to say na hindi lang strong but stronger that anyone else. Kahit na childish pa ako hindi ako yung tipong papatalo noh.
Kasalukuyang inaayos ko yung mga gamit ko. Naisipan ko lang na parang gusto kong masubukan yung ibang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Tulad ng mamuhay ng normal yung tipo bang walang gulo, yung walang aatake sayo bigla kasi kilala ka nila dahil sa pamilya mo. Haaaays!
Habang naglalakad ako papunta sa office nila mom at dad ay hindi ko mapigilang kabahan. I know they will support my decision. Knowing them.. They will do anything for me. I mean lahat sila ibibigay ang bagay na gusto ko. Mahal kasi nila ako. Bukod pa roon, sila yung tipo ng mga magulang na gagawin ang lahat maibigay lang ang kasiyahan sa mga anak nila. Kaya proud ako sa magulang ko dahil kahit ganito ang estado ng pamilya namin ay aware parin sila sa responsibilidad nila bilang mga magulang sa amin.
Well, I also have a twin. He's a boy. Parehas nila kaming mahal dahil kami ang magiging successor ng Clan.
"Good Morning, young lady." magalang na bati ng isa sa mga tauhan ng pamilya namin. Nag bow pa ito sakin.
"Morning din po." nakangiti ko ring tugon dito. Tumango lang siya sakin. Ganito talaga ako sa lahat ng tao. Hindi ako snob. Nagtuloy na akong pumasok sa office nila mom at dad. Pagkapasok ko ay nakita ko silang nakaupo sa may swivel chair nila. Nang mapansin nila ako ay nginitian nila ako at lumapit sakin. Yinakap ko sila at hinalikan sa pisngi.
"Good morning mom,dad!" Masayang bati ko sa kanila.
"Morning din baby." Nakangiti nilang saad at umupo na ulit sa swivel chair. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan ng desk nila. Kinakabahan ako eh!
"Hmmm.. I have a guess. Do you want something, baby?" Nakangiting tanong ni dad sakin. Alam niya agad!? Edi wow!
Napangiti ako ng pilit tsaka lumunok."A-ahm.. Dad,Mom... C-can i-i go to the... the Philippines?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kanila. Imbis na gulat ang reaction nila ay nakangiti pa. H-huh? Why?
"Of course baby, you can. It's your decision after all, right hon?" nakangiting baling ni Mom kay Dad na nakangiti rin. Napanganga ako bigla. Literal!
"WAAAAAAH! THANK YOU MOM!DAD!I LOVE YOU!" hindi ko mapigilang tumili habang lumapit sa kanila para yumakap ng mahigpit. Tapos bigla ko silang binitawan sa pagkakayakap ko.
"But, bakit kayo agad pumayag?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Ngumiti lang sila.
"It's better for you to go in the Philippines rather than staying here, baby. Masyadong delikado but of course, there's still one condition" putol ni Dad sa sasabihin niya. Napakunot bigla noo ko.
"Nani?" (What?) Takang tanong ko sa kanya.
"You have to live there as a normal person. Don't get involved yourself to any trouble, are we clear baby?" sabi ni Dad. Tumango lang ako at ngumiti. Nakita kong may kinuha si Dad sa drawer niya. Nilabas niya doon yung isang plane ticket. Nice!
Inabot ko iyon at niyakap ulit sila ng mahigpit tsaka nagpaalam na ako sa kanila. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Handa na lahat ng gamit ko. Nagsulpot rin ako ng ibang weapons. Syempre hindi ako makakapasok ng airport kung may mga ganito akong dala diba? but there's no problem when it comes to me and my family. Easy lang yun.
Tiningnan ko yung plaine ticket. Hala ka! Why Dad didn't told me na 9:00 am pala yung flight ko?! Eh, isang oras nalang baka malate ako sa flight. Mabuti nalang at nakaligo at nakapaghanda na ako ng mga dadalhin ko. Hinila ko na yung maliit na maleta at sinuot yung backpack ko sa unahan. Naka skinny jeans, white hanging blouse then naka cap ako. Sinuot ko rin yung shades ko at converse na shoes. Mabilis akong bumaba ng kwarto ko at dumiretso sa motor kong Ducati Corse na kulay red. Oh yeah, I love red!
Isinukbit ko muna yung maleta ko sa likuran ko tsaka umangkas sa motor. Alam kong mukha akong katawa-tawa tignan sa itsura ko dahil ang angas ng motor ko pero may maleta sa likuran ko at backpack naman sa harapan ko. Napapailing nalang ako at isinawalang bahala iyon. Pinaharurot ko agad ang motor ko patungo sa airport.
Pagkalipas ng ilang mga minutong byahe patungo sa public airport ay pinarada ko na ito sa designated na parking space para lamang sa motor ko. Well, ordinaryong eroplano lang ang sasakyan ko. Hindi naman kasi ako maarte eh. Napatingin ako sa motor ko. Ipapa-export ko nalang siguro motor ko pasabay ng pilipinas.
Huhuhuhu!
"Waaaaah! Babye baby ko! Ingat ka ah! Hintayin kita sa pilipinas!" mukang tangang sabi ko sa motor ko habang hinihimas. Marami namang napalingon sa ginawa kong eksena. Pagkatapos kong kumalma ay naisipan ko ng pumasok sa loob habang sumisinghot. Ngunit habang papasok ako sa loob ay nililingon ko yung motor ko. Bakit kasi walang eroplanong naimbento para isabay mga sasakyan o motor nila eh!
Baby ko.. Huhu!
Pagkapasok ko sa loob ay sakto namang flight ko na. Ibinigay ko nalang yung plane ticket ko. Nakangiti ako habang papasok ng eroplano. Napansin kong may mga taong nakatingin sakin. Nginitian ko lang sila. Nilagay ko na yung maleta at backpack ko sa taas ng upuan tsaka umupo na sa upuan na nakareserved sakin. Ang tabi naman nun ay yung bintana kaya okay lang sakin. Yosh! I'm so excited na talaga.
Wait for me philippines, I'm coming there soon! Sa isip-isip ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.