Xavier's POV Malapit na ang uwian pero nauna na akong lumabas ng classroom namin. Napilitan namang sumunod sakin sila Gabriel dahil wala silang magagawa. Habang naglalakad kami ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. (Magpunta kayo ngayon sa hospital! Nawawala si Akane!) Bungad agad sakin ng kapatid ni Akane. Bigla naman akong natigilan kaya agad kong pinatay ang tawag at tumakbo ng mabilis. Napasunod rin sakin sila Gabriel at nagkanya-kanyang sakay ng mga sasakyan. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa hospital. Ilang minuto ang makalipas ay nakarating din kami sa wakas sa hospital at agad akong bumaba sa kotse ko at patakbong tinungo ang kwarto kung saan naka admit si Akane. Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko lang ang ay ang kapatid ni