Akane's POV Bakit hindi ako makagalaw? Anong nangyayari sakin? kaasar! "Xavier magiging ayos lang siya. 'Wag ka ng mag-alala diyan." Narinig kong sabi ni Dylan kay Hottie ko. Pinipilit kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa. Kahit na maigalaw ko lang ang mga daliri ko ay hindi ko na magawa. Parang naging paralisado ang buo kong katawan. "How am i not supposed to worry! She's been lying here for almost 1 week!" Balisang sabi ni Hottie ko. SERIOUSLY?! 1 week?! Nakinig nalang ulit ako sa pinaguusapan nila. Wala na akong magawa kundi ang makinig sa kanila. Gising ang diwa ko pero ang katawan ko patay! T-teka! Hindi kaya dahil ito sa lason na iyon? Napaisip ako bigla. Maaari nga ang lason na iyon ang dahilan. Pero bakit hindi ako nagigising? Narinig ko ang tunog nang pagbukas ng pin