Xavier's POV Napakunot noo akong nakatingin sa papaalis na babae. She looks really familiar. Binaling ko ang tingin ko sa isa pang babae na nerd. Nakaupo siya sa upuan ni Akane. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakatingin din siya sakin ng blanko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung napagtripan ni Kelly sa canteen. Nilapitan ko siya at tinitigan ng seryoso. "What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Ngunit nanatili lang siyang nakatitig sakin na animo'y sinusuri ang buo kong pagkatao. Nakaramdam ako ng pagkairita sa paraan ng pagtitig niya sakin. "Bakit ka dyan nakaupo. Occupied na ang seat na yan." Inis na sabi ko. Napansin kong ngumisi siya at maya maya lang ay biglang tumawa. Napakunot yung noo ko. Baliw na ba ang isang 'to? "Why are you laughing?" Inis na tanong ko. Bigl