Xavier's POV Kanina pa ako nakatulala sa upuan ni Akane. Hanggang ngayon kasi wala pa siya. Kanina kinuwento sa amin nila Alexis at Grayson yung nangyari sa kanila kahapon. Lahat kami hindi makapaniwala. Minsan napapaisip ako kung ano ba talagang klaseng tao si Akane. Mahal ko siya kaya minsan parang ayokong maniwala sa dinidikta ng isip ko tungkol sa kanya. Isinasantabi ko lang yung mga hinala ko sa kanya. Ngayon marami pa akong kailangang intindihin. Ngayon na kasi yung araw ng laban namin sa Death Trios. "Hey dude! Anyare sayo?" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko kaya bigla kong binatukan sa Grayson. "Aray naman." nakapout na maktol niya. "Shut up." "Anong problema mo dude?" Nagtatakang tanong ni Dylan. Umiling nalang ako. "Namimiss niya lang yung love of life niya!" Sabat