Akane's POV
"What are we going to do now?" tanong ni Hayato sakin. Kasalukuyang nasa likod kami ng school building para mag-usap.
"Let's play a game." Nakangiting sabi ko sa kanila. Nakita kong kumunot yung noo nilang dalawang magkapatid.
"Catching!" masayang suhestyon ko sa kanila.
"Catching!?" sabay nilang bulalas habang nakakunot ang noo. Tumawa lang ako.
"Are you serious?" tanong sakin ni Hikari. Tumango lang ako ng ngumiti. May pagtritripan lang ako.
"Yep! So, are you guys in?" sabi ko sa kanila sabay taas ng kamay. Nakita kong nagkatinginan lang silang magkapatid at bumuntong hininga.
"Fine!" mapipilitang sagot nila.
"Yosh! Let the game begin!" nakangising sabi ko.
•••
Nandito ako ngayon sa madilim na parte ng park na malapit lang sa school. Nag-uumpisa na ang laro. Well, simple lang ang laro. Magpapahuli ako kila Hayato at Hikari kasama si Miss Yakuza Princess. Kanina sinabi ko sa kanila na lapitan si Miss Yakuza Princess at mag-volunteer na i-kidnapped ako. Sigurado akong papayag yun. Siya pa ba? Alam kong kating kati na yung kamay nun na saktan ako.
Kailangan ko lang matanggal ang sungay ng fake na yun... sa pamamagitan ng laro ko. Yeah! I love to play. Kapag asar ako sa isang tao maglalaro kami. Ganon ako. Kaya nga childish eh. Napansin kong nakarating na sila. Pasimple lang akong kunyareng may ginagawa at hindi sila pinansin maya-maya ay may humawak sa bibig ko. Hindi na ako naglaban at ipinasok nila ako sa itim na van. Nag-uumpisa na.
Tinalian nila ng lubid yung kamay ko at nilagyan ako ng blind fold. May sinalpak rin silang panyo sa bibig ko kaya hindi ako makapagsalita. Nararamdaman kong umaandar yung van na sinasakyan namin at bigla nalang itong huminto sa kung saan. Maya-maya ay may biglang tumulak sakin at muntik pa akong madapa ng makababa kami. Aba't! malilintikan sakin yun mamaya!
Habang naglalakad ay hawak-hawak ng kung sino yung braso ay bigla nalang niya akong tinulak kaya nadapa ako. Aray ko po! Umupo ako habang nakaindian seat. Naramdaman kong may kung sino ang palapit sakin at tinanggal yung blind fold at yung nakalagay sa bibig ko. Malinaw ko ng nakikita yung paligid. Nakita ko sila Hayato at Hikari na kasama si Miss Yakuza Princess na nakangisi. Nakabusangot lang yung mukha ko.
"Ngayon wala ka ng ligtas." Nakangising sabi ni fake. Kumunot lang yung noo ko kunyare.
"What the hell are you talking about! Let me go!" galit-galitang sabi ko sa kanya. Napansin kong nagpipigil ng tawa yung pinsan ko. Tiningnan ko lang sila ng masama at tumahimik naman.
"Sad to say, hindi kana makakaalis ng buhay dito." Sabi niya at lumingon kila hayato na nakangiti. Ngumisi lang ang mga to.
"What are you planing to do with me?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin habang nakangisi.
"Simple.... I'll make you suffer." Sabi niya sakin.
"I see." bulong ko at yumuko. Hayys!
Mabilis kong tinanggal yung lubid na nakatali sa kamay. Tss! Basic! Tumayo ako at ngumisi sa kanya. Halatang gulat na gulat siya.
"Hey! Why dont we play a game?" Nakangising sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nga.
"P-papaan--" pinutol ko yung dapat na sasabihin niya.
"Tss. Come on! If you want me to suffer, then make it happen." Paghahamon ko sa kanya. Bigla siyang naasar sa sinabi ko. Tiningnan niya yung mga lalaking tauhan niya. Sinugod nila ako gamit ang mga bakal at baseball bat na hawak nila. Napangisi nalang ako.
"Catch me if you can." Natatawang sabi ko sa mga tauhan niya habang tumatakbo. Nakikipaghabulan lang sila sakin hanggang sa lumipas ang halos ilang mga minuto at hindi parin nila ako mahabol. Hingal na hingal na agad mga tauhan niya. Huminto ako saglit at tumingin sa kanila. Umupo ako sa may box na nakita ko at nangalumbaba.
"Ehh? Pagod na kayo agad?" Nababagot na sabi ko sa kanila. Lumingon ako kay Miss Yakuza Princess na halos nanggagalaiti na sa galit. Nginitian ko lang siya ng pagkatamis.
"MGA TANGA! MAGSIBANGON NGA KAYO DYAN! MGA WALANG SILBI!" Galit na sigaw ni Miss Yakuza Princess habang pinagsisipa yung mga tauhan niyang bagsak sa sahig dahil sa pagod sa kakatakbo.
Bumuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko. Sa isang iglap ay nasa harapan na ako ni Miss Yakuza Princess. Sa gulat nito ay napaupo ito bigka sa sahig. Tinitingnan ko lang siya na walang mababakas na emosyon.
"I warned you before, right? Na itigil mo na yung pagpapanggap mo bago ka pa mahuli?"
"But, you never listen." Malamig pa sa yelong sabi ko sa kanya. Nakatulala lang siya habang nakatingin sakin. Lumuhod ako at hinawakan yung baba niya at tinitigan siya.
"S-sino ka ba talaga?!" Nanginginig na tanong niya sakin. Ngumisi lang ako.
"Me?"
"I'm the one you are imitating." sabi ko sa malamig na boses. Nakita ko siyang nanigas sa takot.
"Cous, natakot mo oh! Hala ka." Natatawang sabi ni Hikari sakin. Tiningnan ko lang sila.
"P-pi-pinsan? I-ikaw?" Nangingig na sabi niya habang takot na takot. Nilingon ko siya.
"Yeah. Ganun na nga" Walang ganang sagot ko sa kaniya. Tumayo ako at pinitik yung mga daliri ko. Biglang nagsilabasan yung mga men in black na tauhan namin.
"Young lady, what can we do for you?" Magalang na tanong ng isang tauhan ko at yumukod pa. Tumango lang ako.
"Get them all." utos ko. Yumuko lang ito sakin. Dali-daling kinuha nila yung mga tauhan ni Miss Yakuza Princess. Nilingon ko siya at nakita kong nakatulala.
"Hey, you!" Tawag ko sa kanya. Bigla siyang lumingon sakin at halatang takot na takot.
"What's your name?"
"A-amanda Skyler." Kinakabahang sagot niya.
"Yosh! Palitan mo na pangalan mo. Ayokong magpanggap kapa na bilang ako, nagkakaintindihan ba tayo?" Malamig na sabi ko sa kanya. Sunod-sunod siyang tumango.
"And one more thing. Don't you dare tell anyone that i'm the real yakuza princess, got that?" Sabi ko sa kanya. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Huhuhu! O-opo! P-patawarin niyo po ako sa pagpapanggap! I-idol ko kasi k-kayo! Huhuhu!" paliwanag niya habang umiiyak. Narinig kong tumawa sila Hayato at Hikari. Tsk!Ang babaw naman nito. Bigla akong lumuhod at hinarap siya.
"Ehh? Yun lang naman pala, eh? Tsk! Kala ko naman kung ano na dahilan mo."
I didn't know na sikat pala ako.
"By the way, everything's fine now. Next time 'wag mo ng uulitin yun dahil yung pagpapanggap mo nakakaapekto sa taong ginagaya mo, Naiintindihan mo ba?" Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. Nginitian ko siya. Nagulat ako ng bigka niya akong niyakap. Niyakap ko nalang siya pabalik.
Game Over!