Akane's POV
Hay! Nakakaboring talaga kapag walang pasok. Kaasar! Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Sa lunes na yung Battle of Tittle. Nakapagdesisyon na akong sasali for fun lang. Hindi naman sure na makakapasok ako eh.
Nandito lang ako sa bahay nila Sam. Ako lang mag-isa dito kasi umalis siya. Kung hindi ako nagkakamali kasama niya yung Night Raid. Stress na ako masyado. Bigla akong tumayo sa pagkakahiga sa kama ko. Dumiretso ako sa closet ko at kumuha ng damit na susuotin ko. Hmm. Simple nalang siguro? Skinny jeans, white sando,blue blazer at boots. Magpunta nalang ako ng mall. Boring kasi dito. Ice cream! wait for me ^3^
Nagsuot ako ng shades bago sumakay ng baby ko. Papunta ako ngayon sa mall na walang kasama. Okay lang yun para walang mang-istorbo sakin.
FAST FORWARD>>>
Pagkababa ko sa baby ko ay naglakad na ako papasok ng mall. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Eh, ganda ko kasi. Taas noong naglalakad lang papasok ng ice cream parlor ng may nabunggo akong bata. Napaupo iyon at umiyak. Nang lingunin ko yun ay nakatakip ang kamay niya sa mukha niya habang umiiyak. Lumuhod ako para maging magkapantay kami.
"UWAAAAAAH! UWAAAAAH!" Iyak nung batang babae. Napahawak naman ako sa batok. Hinimas ko yung ulo ng bata.
"Huhuhu. I'm sorry kiddo. Hindi ka napansin ni ate! Huhu. 'Wag ka na umiyak!" Sabi ko habang papaiyak na. Hindi ko kasi alam yung gagawin ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Biglang lumingon sakin yung.bata habang sumisinghot.
"W-why are you crying?" Takang tanong nung bata habang nakatingin sakin.
"You're crying, so i cried." Mukhang tangang sabi ko. Isip bata ka talaga, Akane! Bigla lumapit sakin yung bata at kumuha ng panyo at binigay sakin.
"Ehh?" Sambit ko habang nakatingin sa panyo.
"Here. Wipe your tears, onee-chan." Sabi nung bata habang nakangiti. Aww, cute! Inabot ko yung panyo at siningahan. Nang matapos ang pag-iyak ko ay tumayo na ako.
"Sino kasama mo?" Tanong ko sa bata.
"Watashi wa michinimayotta." (I got lost) sabi niya.
"Anata wa nihongo o hanasu?" (You speak japanese) manghang tanong ko sa bata. Kaya pala onee-chan tawag niya sakin kanina.
"Hai! Anata mo?" (Yes. You too) masayang tanong niya habang nakangiti. Tumango ako at pinisil yung pisngi niya. Cute kasi eh.
"Come with me." sabi ko sa bata. Tumango lang ito at humawak sa kamay ko.
"Onee-chan, could you go with me to the bar?" Sabi sakin nung bata. Bigla akong napalingon sa kanya.
"Huh? Why are you going there?" Takang tanong ko sa kanya. Bakit gusto niya pumunta dun?
"Onee-chan! I'm not going there because i want to drink. My brother was there when i got lost." Paliwanag nito. Napakamot naman ako sa ulo. Yan Akane, napagsabihan ka tuloy ng bata.
"Ahh. Sorry. Saan bang bar?" Tanong ko sa kanya. Bigla niyang kinuha yung bag niya at may kinuha doon. Inabot niya sakin yung kapirasong papel. Pagkatingin ko dun ay nakita ko yung pangalan ng bar. I know this place. Tiningnan ko yung bata.
"Your name is Xandy?" Tanong ko sa bata. Nakita ko kasi yung pangalan sa may papel. Tumango lang siya.
"Tara na. Punta na tayo dun sa bar." Sabi ko sa kanya.
"Okie!" Masayang tugon nito. Naglakad na kami papunta sa baby ko. Nang makarating kami dun ay nakita kong natigilan si Xandy.
*O*
Nang lingunin ko sya ganyan itsura niya.
"Sugoi!" Bulalas niya habang lumapit sa baby ko at hinimas.
"You like it?" Tanong ko sa kanya. Tunango tango naman siya.
"Come. I'll give you a ride." Nakangiti kong sabi kay Xandy. Mukha naman siyang excited. Binuhat ko siya at inupo sa harap ng baby ko at sumunod na rin. Pinasuot ko sa kanya yung helmet ko. Ilang sandali lang ay pinaandar ko na yung baby ko.
•••
Xavier's POV
"s**t! Where the hell did she go?!" Asar na sabi ko habang hinahanap yung bugwit na kapatid ko.
"Hey, Leader! Easy ka lang!" Sabi sakin ni Gabriel. Easy? Nawawala kapatid ko easy!?
"Tsk!" napaupo. Napansin kong nag-aalala sila Sam at iba pa. Nandito kami ngayon sa bar. Sinama ko si Xandy kasi wala siyang kasama sa bahay at nagpupumilit na sumama sakin. Hindi ko alam na nakawala pala yun. Nalingat lang ako saglit. Pasaway na bata!
"Here." Sabi ni Dylan habang inabot sakin yung alak. Kinuha ko yun at ininom.
"Don't worry. I'll help you out." Sabi ni Dylan. Nang nod nalang ako.
"NIGHT RAID!" Napalingon kami ng may nagsabi ng pangalan ng gang namin. Tss. Sila na naman? Sila yung Rank 2 na gang na laging naghahamon samin.
"What now?" Bagot na tanong ko sa kanila. Bigla silang ngumisi.
"Hinahamon ka namin ng laban. Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo dahil hawak namin ang kapatid mo." Nakangising sabi nung lalaki at nagulat ako ng bigla nilang nilabas si Xandy habang umiiyak. Napatayo ako bigla.
"DAMN YOU ASSHOLES! DON'T YOU DARE HURT HER!" Galit na sigaw ko habang mahigpit na naikuyom ang palad ko. Humalakhak lang siya ng tawa.
"Sure, but first, fight with us. Walang mangingialam ng laban." Sabi nito. Nilingon ko yung mga ka-gang ko. Nag nod lang sila.
"Fine!" Sabi ko. Ngumisi ito.
"Okay! Follow us. Walang susunod maliban sayo,Maliwanag ba?" Sabi nito. Tumango lang ako at sumunod sa kanila. Alam kong madumi lumaban ang mga ito pero wala na akong magagawa kung hindi ang lumaban dahil kapatid ko ang nakasalalay.
Nakarating kami sa likuran ng bar. Lahat sila ay pumalibot sakin. May mga hawak silang tubo at kahoy. Tss. Sinasabi ko nga ba eh! Mga mandaraya talaga. Inumpisahan akong sugurin nung isa. Sinikmuraan ko lang siya at sinipa. Napahiyaw siya sa sakit. May dalawang lalaki ang papasugod sakin habang ihahampas ang dala nilang tubo. Aktong ihahampas sakin nung isa yung tubo ng mabilis kong pinilipit yung kamay nito at nabitawan niya yung tubo. Mabilis ko iyong nasalo at naihampas ko yung isa pang papasugod sakin. Tumba iyon. Hinampas ko lang sa batok yung nakuhaan ko ng tubo. Nawalan ito ng malay.
"Arrrhg!" Daing ko ng maramdaman ang pagpukpok ng kahoy sa ulo ko. Nang hawakan ko iyon ay may pulang likido ang nakita ko. Biglang umikot yung paningin ko pero lumaban parin ako. Sinuntok ko yung lalaking humampas sa ulo ko. Tumba iyon at nawalan mg malay. Ngayon lahat sila papasugod na sakin. s**t!
•••
Third Person's POV
Hindi nila alam na may isang tao na palang nanonood sa labanan nila. Nakita niya kung papaano pinagtutulungan si Xavier ng mga lalaki.
Mga mandadaraya! Sa isip isip niya.
Tumayo na siya sa pagkakaupo sa bubong ng isang bahay katapat ng bar na pinapanooran niya. Masyado ng dehado si Xavier kaya hindi na niya magawang lumaban pa. May anim pang natitira sa kalaban at hindi na niya magawang lumaban pa dahil nanghihina na rin siya gawa ng sugat niya sa ulo dagdagan pa ng pinagbubogbog siya ng mga ito.
Hanggang sa may biglang tumalon na tao mula sa itaas at lumanding ito sa tapat niya. Halos mag i-slow motion pa iyon. Mabilis niyang inatake ang mga lalaki. Sinipa niya yung isang magtatangka sanang suntukin siya mula sa likuran. Tumalisik iyon. Sa sobrang gulat ng iba ay nawala ang atensyon nito sa kanya kaya mabilis niyang hinampas sa batok ang mga ito at nawalan ng malay. Hindi magawang makita ni Xander kung sino ang tumulong sa kanya dahil nanlalabo ang mga mata niya.
Pero sa pagkakaalam niya ay babae ang tumulong sa kanya base na rin sa hubog ng katawan nito. Nakita niyang nilapitan siya nung tumulong sa kanya ng biglang napahinto ito.
"LEADER/XANDER!?" Narinig ni Xander na tawag sa kanya ng mga ka-gang kasabay nun ang paglaho ng parang bula nung babaeng tumulong sa kanya. Matapos nun ay bigla nalang siyang nawalan ng malay.
•••
Akane's POV
Sumakay na ako sa baby ko at pinaharurot na iyon. Pauwi na ako ng bahay. Muntik na ako dun ah! Mabuti nalang at hindi ako nakita ng mga kagang ni hottie ko. Iniwan ko lang si Xandy nung nandon na kami sa bar dahil sabi niya ay siya na raw ang bahala sa sarili niya. Aalis na sana ako nun nung bigla akong nag-alala kaya bumalik ako sa bar pero nasaksihan ko nalang yung mga kagang ni hottie ko at yung mga lalaki na may hawak kay Xamdy. Umakyat ako sa bubong nung bahay sa tapat ng bar. Nakita ko kung paano makipaglaban si hottie ko.
Malakas siya. Kung hindi lang madadaya yung mga kalaban niya alam kong matatalo niya yun. Pero kung ako siguro ang nasa lagay niya parang piece of cake lang. Hahaha! Yabang ko talaga.
Nang makarating ako sa bahay ni Sam ay mabilis akong umakyat sa kwarto ko at naligo. Matapos kong maligo ay nagpalit nalang ako ng pantulog ng biglang nagring yung phone ko. Sinagot ko na agad yung tawag.
"What?" Inaantok na tanong ko sa tumawag.
(Hahaha! What agad? Wala bang hello o h--)
"Tss. Direct to the point! I'm sleepy." Putol ko sa sasabihin sana niya. Inaantok na kasi ako eh. Hindi pa ako nakakain ng ice cream kanina.
(Sungit mo naman cous. Well, natutuwa lang akong makita kang lumaban ulit. I'm so proud of you!) Masayang sabi nito. Ano to! Tumawag lang para mangbati!
"Tss. Kala ko kung ano na! Diyan ka nga at antok na ako! GOOD NIGHT!" Sabi ko at pinutol ang tawag. Magsasalita sana siya ulit kaya pinatay ko na. Bahala siya diyan. Basta ako matutulog na. Mabilis akong humiga sa kama ko at natulog.