♚ITCYP9♚: TRANSFEREES AGAIN?!

1968 Words
Samantha's POV Nandito na kami sa room pero hindi parin bumabalik si Akane. Nandito na rin si Xavier pero siya wala pa. Mabuti nalang at wala pa yung next teacher namin. Nag-aalala na ako kay Akane. "Sis, si Akane." Sabi ni Alexis habang kinalabit ako. Nang lingunin ko siya ay nag-aalala rin ito. "Hanapin kaya natin yun? Sabi niya magc-cr lang siya kaya dapat nandito na yun." Hysterical na sabi ko. "Hey! Relax nga lang kayong dalawa dyan." Sita samin ni Dylan. Umiling nalang ako. Hindi ako makakapgrelax ngayon hindi pa bumabalik si Akane. Nasan na ba kasi yun? Nagulat kaming napatingin sa pintuan. Lahat kami nakatingin kay Rei na nakangising pumasok sa room. Umupo sya sa upuan niya habang nakangisi. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi kaya? Bigla akong tumayo at nilapitan siya. "HOY, IKAW! NASAN SI AKANE!?" Galit na sigaw ko kay Rei. Naramdam kong pinipigilan ako nila Alexis. Tumingin lang sya sakin at ngumisi. "I dunno." Nakangising sagot nito. Bigla akong napikon. "LIAR! I KNOW NA MAY GINAWA KA SA KANYA! NASAN SIYA!" gigil na turan ko. "Tss. Bakit ka mag-aalala? Hindi dapat kaawaan ang taong gaya niya. Hindi niya deserve ang awa ng Night Raid." mayabang na sabi nito. Pumintig yung tenga ko. Bigla ko siyang nasampal. Wala akong pakialam kung isa pa siyang yakuza. Hindi ko hahayaan na lait-laitin niya si Akane. "WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN SIYA NIYAN. DAHIL YUNG TAONG NILALAIT MO, KAIBIGAN NAMIN!" Sigaw ko sa kanya. Tumakbo na ako palabas ng room. Naiwan siyang tulala. Sumunod sakin sila Alexis. Habang tumatakbo kami sa corridor ay may nakita kaming nagkukumpulang estudyante sa tapat ng pintuan ng cr. Mabilis kaming lumapit dun. "Kawawa naman siya noh?" "Oo nga eh! Siguro binugbog na siya ng grupo na yun." Bigla akong natigilan sa narinig namin. Mabilis kong hinawi yung mga estudyante. Kinalabog ko yung pintuan. "AKANE!? NANDYAN KABA! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" Sigaw ko habang kinakalampag yung pintuan. Walang nagsalita sa loob. Shit! Nilingon ko sila Alexis. Tumango sila. Nagulat ako ng biglang lumapit si Xavier na may nakakatakot na aura. Napaatras ako bigla at binigyan siya ng daan. Seryoso siyang nakatingin sa pintuan. ••• Akane's POV Nakita kong papalapit sila sakin habang nakangisi. Nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko. "What do you want?" Seryosong tanong ko pero ngisi lang sinagot nila. Tss! "Kung ako sa inyo hindi ko na itutuloy ang balak niyo, dahil kung hindi baka hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko." banta ko gamit ang malamig na boses. Tumawa lang sila. "Oh really? We're scared, but sorry sweetie, order is an order." Nakangising sabi nung isa. Napaawang ang labi ko sa turan niya. Sweetie? like duh!? Well, kung hindi sila madadaan sa malamig na pakiusap.... dadaanin nalang natin sa malambing na usapan. Napasmirk ako. I have a plan. Binago ko ang ekspresyon ng mukha ko. Ngumiti ako sa kanila ng pagkatamis. "Fine... i want to have fun too." "So? Shall we start now, boys?" Malambing na sabi ko sabay ngiti wink sa kanila na mapang-akit. Napangisi naman sila. Dahan-dahan silang lumapit sakin. "Opps, wait a second. I forgot to tell you na dapat isa-isa lang." Sabi ko sa kanila. Nagtinginan naman sila isa-isa at parang nagkaintindihan sila at nilingon nila ako at tumango. Napangisi naman ako sa isip ko. Nice! "Okay. Can we start now, baby?" turan nung isa. Tumango lang ako at nilapitan siya at hinila siya sa collar niya papunta sa isang cubicle. Nang makapasok kami dun ay nakangisi siya sakin habang hinawakan ang bewang ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Nang aktong hahalikan niya ako ay mabilis ko siyang hinampas sa batok. Nawalan ito ng malay at sinalo ko siya. Inupo ko nalang siya sa may bowl. 1 down. 3 more left. Inalis ko sa pagkakabutones yung uniform ko para halatang may nangyari. Napangisi nalang ako. Lumabas ako sa may cubicle. Bahagya akong nagulat ng makitang nakahubad sila ng uniform nila. Parang gusto kong sumuka. Ewww! "Who's next?" Sabi ko gamit ang malambing na boses. Lumapit naman sakin yung dalawa. Woah! Bakit dalawa? Ibang klaseng roleplay 'tong trip nila. Gusto kong mapa-iling. Bahala na si batman! Tinuro ko sa kanila yung isang cubicle para pumasok sila dun. Sumunod naman sila at pumasok na. Hayyss.. Mga uto-uto talaga. Salamat sa acting powers ko. Mabuti nalang at nabiyayaan ako nito ^___^ Tinupi ko muna yung sleeve ng uniform ko hanggang siko. Nakat-shirt ako kaya okay lang na tanggalin yung butones. Inalis ko nalang sa pagkakatuck-in yung t-shirt ko sa palda. Nagmukha tuloy akong gangster nito. Pumasok na ako sa cubicle at nakita ko yung dalawang lalaki na naghahalikan. What the f**k!?Nakakadiri! Mga bakla pala 'tong mga 'to! Piling ko bumaliktad yung sikmura ko sa nakikita ko. My virgin eyes! Waaaaaah! Mabilis ko silang nilapitan at pinaguntog ng sobrang lakas. Parehas silang nawalan ng malay. Mabilis akong lumabas ng cubicle pero laking gulat ko nalang ng biglang may nagtakip ng bibig ko at hiniga ako sa sahig. Nakita ko yung lalaki na nakaboxer nalang. Waaaaahh! Hindi ako makawala dahil dinaganan niya yung paa ko gamit yung paa niya at pinipigilan yung kamay ko sa uluhan ko. Nakangisi ito sakin. "AKANE!? NANDYAN KABA! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" Narinig kong sigaw ni Sam sa may labas habang kinakalabog yung pinto. Hindi ako makapagsalita dahil naramdaman ko yung lalaking hinahalikan yung leeg ko. s**t lang! Nakikiliti ako! Kyaaaaa! "H-hoy! W-wag d-dyan! N-nakikiliti ako! Hahahaha!" Putek! Hindi ko mapigilang tumawa. Nakita kong kumunot yung noo nung lalaki. Baliw kana talaga Akane. Hinalikan ka na nga sa leeg tumatawa ka pa! Naramdaman kong nawala yung pwersa niya sa pagkakadagan sa paa ko. Bigla akong ngumiti sa kanya. "Joke lang!" Nakangiti kong sabi kasabay ng pagkatalsik niya sa pader. Sinipa ko kasi sya gamit nung dalawang paa ko. Mabilis akong tumayo pero nagulat nalang ako ng biglang may dumaplis na balisong sa pisngi ko. Nagkaroon ng hiwa yun kaya nagkaroon rin ng dugo. Dahan-dahn ko yung hinawakan at napatingin sa salamin. Napatulala ako. May kakaiba akong nararamdaman. Shit! Hindi pwede 'to! Y-yung mata ko! Mabilis akong pumasok sa isang cubicle ng maramdaman ang pagiging pula ng mata ko. Blood... This can't be! Nakapikit akong lumabas ng cubicle habang nilalapitan yung lalaki. "A-anong gagawin mo!?" Nautal nitong tanong. Hindi ko siya pinansin at nang makalapit ako sa kanya ay pinagsusuntok ko siya sa mukha. Nang makuntento ako ay itinigil ko na. Duguan yung mukha nito. "Tell this to your boss... Tapos na akong makipaglaro sa kanya!" Malamig pa sa yelong sabi ko at mabilis na tumayo kasabay nun ang pagkawasak ng pintuan. Idinilat ko yung mata ko at tumingin sa salamin. Mabuti nalang. Ayoko na talagang nakakakita ng dugo! Tsk.. "A-AKANE, ARE YOU ALRIGHT?!" Nag-aalalang tanong sakin ni Sam ng makalapit sakin. Tumango nalang ako at ngumiti. Nakita kong lumingon siya sa lalaking nasuntok ko. s**t! Oo nga pala. "Whoah!" Manghang bulalas ni Grayson habang nakatingin sa lalaki. Nagulat nalang ako ng bigla akong higitin ni Xavier sa balikat at hinila ako paalis sa cr. Nagtataka man ako pero hinayaan ko nalang siyang hilahin ako. Napansin kong papunta kami sa infirmary. Nang lingunin ko si hottie ko ay madilim ang mukha nito. Napakunot ang noo ko. Nang makapasok kami sa infirmary ay inupo niya ako sa may kama. Tahimik lang siyang umupo sa may sofa at may lumapit samin na resident nurse ng school. Nakangiti lang ako habang ginagamot. ••• Xavier's POV Dinala ko siya sa infirmary nang makita ko yung mukha niya. Kanina gusto kong pagsusuntukin yung lalaki nang makita ko yung ayos ni Akane. Naiirita ako sa mukha nang isip batang 'to. Nakangiti parin siya kahit ganyan ang kalagayan niya. Wala ba 'tong ginawa kung hindi ngumiti? Tss. Nang iwan kami ng nurse ay tahimik lang akong nakaupo sa sofa. Napansin ko siyang naktingin sakin gamit ang gilid kong mata. "Hottie-- i mean Xavier. Thank you nga pala." Nadinig kong sabi niya. Natigilan ako sa una niyang binanggit. Walang emosyong nilingon ko siya. Nakangiti parin ito. Tumayo na ako at hindi siya pinansin. Dumiretso na ako sa labas. Patungo ako sa room namin nang may nabangga ako. Nang lingunin ko ay lalaki at may kasama itong babae. Nagtitigan lang kami at maya-maya'y nagbawi na ako ng tingin. Napansin kong napangisi ito. Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso na ako sa room. ••• Someone's POV "Anata wa kare o shitte imasu ka?" (Do you know him) tanong sakin ng kapatid ko. Umiling lang ako. "Iya. Naze?" (Nope. Why) tanong ko. "Nani mo nai yo. Watashi wa kanojo ni aete totemo kōfun shite imasu." (Nothing. I'm just excited to see her.) Masayang sagot nito. "Ore mo." (Me too.) Tugon ko. "Kanojo wa ima doko ni imashita ka?" (Where could she been right now) tanong niya sakin. Umiling nalang ako dahil hindi ko alam. "Hey! Punta na tayo ng room. Wala naman ng tao para magusap pa tayo sa ganong lenggwahe." Sabi ko sa kapatid ko. Tumango nalang siya. We're here couz! ••• Akane's POV Bumalik na agad ako sa room ko ng umalis si hottie ko. Ano kayang problema nun at nang-iiwan nalang basta-basta? Tsk. Pasalamat siya at hottie ko sya kung hindi naku! >__What the hell are they doing here! Bigla akong napatayo sa upuan ko napatingin sakin yung mga classmate. Nakakunot lang yung noo ko. "Why, Miss Lee? is there any problem?" Takang tanong ng teacher namin. Umiling nalang ako at umupo sa upuan ko. Ngumiti lang sakin yung dalawa. "Are you both the new transferees?" Tanong ni ma'am. Tumango lang sila. "Introduced yourselves then." Sabi ni ma'am. Tumango lang ulit sila at pumunta sa harapan. "Waaaaah! Ang gwapo naman nung boy!" "Ang sexy naman ni ate, kainggit" "Mga artista ba sila?!" "Kyaaaaa!" Narinig kong mga komento ng classmate ko. Napasimangot ako bigla. Tss! "I'm Hayato Akashi Yamazaki. 18 years old." pakilala ni Hayato. Pinsan ko siya. "I'm Hikari Akashi Yamazaki. 17 years old and he's my brother." pakilala naman ni Hikari habang nakangiti. Nakatingin lang silang dalawa sakin. Sila yung tinutukoy ko na nagbalik. Tss! Mga pasaway na magkapatid. Narinig kong napa 'Woah' yung mga classmate namin. "Are you two related to Ms. Akane Rei Lee Yamazaki?" Tanong ni maam. "Yes, ma'am. She's our cousin." Sagot naman ni Hikari. Parang natakot naman si ma'am. "O-oh.. Miss Yamazaki is here too." tukoy naman ni ma'am sa impostor na halatang nanginginig yung boses. Pasimpleng ngumiti lang si Hikari at Hayato. "Really? I thought so." Sabi naman ni Hayato. Tinuro ni ma'am si Miss yakuza princess. Bigla akong napangising napatingin kay Hayato at Hikari na bahagyang nakakunot ang mga noo. Lumingon sila sakin na parang sinasabing 'What-The-Hell-Is-This'Look. Ngumiti lang ako at parang naintindihan naman nila. Nilapitan nila si Miss Yakuza Princess at nginitian. "Itoko!" (Cousin) bati ni Hikari na parang nangaasar kay Miss Yakuza Princess. Halatang pinagpapawisan siya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Yo!" Nagdadalawang isip na tugon nito. Tss! Hindi naman ganyan bati ko 'pag tinatawag nila ako eh. Tss, Fake kasi. "Uhm. Couz' upo muna kami dun oh!" Sabi ni Hikari habang nakaturo sa tabi ko. Tumango lang si Miss Yakuza Princess at lumapit na sakin sila Hayato. Nakangiti sila sakin at umupo na sila sa tabi ko. Pasimpleng may inabot sakin na papel si Hayato. Binasa ko iyon at napangisi. Let's talk later hime  Basa ko sa papel. Bahagya nalang akong tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD