Akane's POV
*BLAAAAAG*
"MISS LEE, WAKE UP!" Bigla akong napabalikwas ng bangon at napatayo ng wala sa oras ng marinig ko yung sigaw ng teacher namin sa history. Nakatulugan ko kasi.
"HOW DARE YOU TO SLEEP IN MY CLASS MISS LEE. YOU'RE JUST A NEW STUDENT HERE, BUT YOU DARE TO ACT LIKE THIS?" Nanggagalaiti na turan ni sir.
"I'm sorry, sir." Nahihiyang hinging paumanhin ko.
"I WILL NOT TOLERATE THIS KIND OF ATTITUDE, MISS LEE. BECAUSE OF SLEEPING IN MY CLASS, ANSWER MY QUESTION!" Galit parin nitong saad. Tumango nalang ako.
"WHO IS IEYASU TOKUGAWA?" Sigaw nito. Bakla kasi kaya ganyan.
"Yan tuloy napala nya. Kabago-bago kasi natutulog sa klase!"
"Oo nga, eh! Pusta ako, 'di niya masasagutan yan."
Narinig ko lang naman yan sa mga bulung-bulungan ng mga classmate ko. Biglang napantig yung tenga ko. Parang gusto kong manabunot at putulin ang mga dila nila.
Nilingon ko yung mga classmmate ko na nakangisi sakin. Nilingon ko rin sila Sam na naaawang nakatingin sakin. Nginitian ko lang sila. Nagpakawala lang ako ng malalim na buntong hininga bago tingnan yung teacher naming bakla.
"Tokugawa Ieyasu was the founder and first shogunate of the tokugawa shogunate of Japan, who virtually ruled Japan of Sekigahara in 1600 until the Meiji Restoration in 1868."
"Ieyasu seized power in 1600, recieved appointment as shogun in 1603, abdicated from office in 1605, but remained in power until his death in 1616. His given name is sometimes spelled iyeyasu, according to historical pronunciation ieyasu was prosthumously enshrined at Nikko Tosho-gu with the name Tosho Daigongen." Sagot ko. Nang tingnan ko sila ay lahat sila nakanganga. Tss!Kala nila di ko alam yun? Baka nakakalimutan nila na japanese citizen ako at ang Tokugawa Clan ay sikat dati kaya alam ko yun. Nginitian ko lang si sir na nakanganga. Spell B-A-S-I-C!
"Ehem! Y-your answer is correct, but what is tokugawa shogunate?" Muling tanong nito. Hakatang namangha, eh. Haist... No choice but to answer.
"The Tokugawa Shogunate, also known as the Tokugawa bakufu and the Edo Bakufu was the last feudal japanese military government which existed between 1605 and 1868. The heads of government were the shoguns, and each was a member of the Tokugawa Clan."
"The Tokugawa Shogunate ruled from Edo castle and the years of shogunate became known as the Edo Period. This time is also called the Tokugawa period or pre-modern." I said while smilling at them. Lahat sila nakanganga.
Hahaha! They looked priceless.
Natigil lang ang lahat nang biglang tumunog yung bell. Only means na break time na. Yosh! Gutom narin ako. Hehehe. Talino ko talaga. Napangisi tuloy ako.
•••
Xavier's POV
Amazing! Yun lang ang masasabi ko sa kanya. Ang akala ko hindi niya masasagutan 'yun. Tulog kasi ng tulog. Tiningnan ko yung mga kaklase at teacher namin na nakanganga. Lahat sila tulala at hindi makapaniwala. Hanggang sa tumunog na yung bell. Tumayo na ako at lumabas na ng room.
"LEADER, SAN PUNTA?!" Narinig kong sigaw ni Grayson sakin. Hindi ko nalang 'yun pinansin at nagtuloy-tuloy nang lumabas ng room. Dumiretso nalang ako sa H.Q namin sa school. Gusto ko muna magpahinga dun at mamaya ay may kailangan akong i-announce sa lahat ng estudyante. Hindi ko muna sasabihin kung ano yun. Pagkapasok ko nang H.Q ay dumiretso na agad ako sa Broadcasting room ng H.Q na nakaconnect sa lahat ng speakers ng school. Okay, let's begin.
•••
Grayson's POV
Nung tinawag ko si leader kanina ay hindi niya ako pinansin. Ano kayang problema nun? Hayss.. dibale nalang, ayokong ma-stress ang gwapo kong face noh!
They said that i'm a Casanova. Well, that's true anyway. I love girls but i don't take them seriously, because they don't take me seriously too.
Uhm. Whats else... yeah! Im also a Gangster. Our gang leader is Xavier. Hindi lang halata pero siya nga. Mas masahol pa siya sa halimaw kung magalit lalo na kung lalaban 'yan. Walang sinasanto. Siguro meron nung buhay pa siya, pero nung namatay siya nagbago si leader. Lagi nalang cold at hindi namamansin. Himala nga nung nagsalita siya at kinausap si Akane, eh. Speaking of Akane.
Nilingon ko siya. "Yo! Akane, kain tayo!" tawag ko kay Akane. Napalingon naman sya samin at ngumiti.
"Ahh, Sige." tugon nito habang nakangiti. Palangiti talaga siya at ang cute niya rin. Napangiti ako. Inakbayan ko sila Gabriel at Dylan.
"Tara kain tayo mga bro!" Sabi ko sa kanila. Nagulat nalang ako ng bigla akong batukan ni Alexis.
"Aray ko! Bakit kaba nambabatok dyan?! Gusto mo bang mabobo ako? O, nagpapansin ka naman sakin?" Mapangasar na sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang nagalit.
"Ulol! Never akong nagpapansin sayo! Kapal din ng mukha mo. Tsaka matagal ka ng bobo, noh! Tara na nga, Akane at baka mahawaan ka pa ng kabobohan dito!" masakit na tugon nito sakin at hinila sila Sam at Akane. Napatawa nalang ako. Asar talo talaga kahit kailan kaya gustong-gusto ko siyang asarin, eh.
•••
Alexis POV
Arrrgh! Nakakainis talaga ang lalaking yun! Lagi nalang akong iniinis. Letse, siya!
"Sis? Hoy, nakikinig kaba?" Narinig kong sabi ni Sam. Bigla akong natigilan.
"Ahhh... hehehe! A-ano ba sabi mo?" Kumakamot sa ulong tanong ko. Napahampas naman siya sa ulo niya. Nakita kong natawa si Akane.
"Tss. Sabi na nga ba't wala ka sa sarili mo. Sino ba iniisip mo? ahh! Alam ko na." Putol na sabi niya at ngumisi pa sakin. Napalunok naman ako bigla.
"Hoy! h-hindi ah!" Pagalit na turan ko dito. Namula ako bigla.
"Bakit may sinabi ba akong pangalan?" Nakangising sabi niya sakin. Sinimangutan naman niya ako. Nginitian ko lang sya. Bigla kong nilingon si Akane.
"Oo nga pala, Akane. Saan ka nagpunta kahapon nung umalis ka?" Tanong ko kay Akane. Nakita kong natigilan siya.
"Ahh, yun ba? N-nagpunta lang ako sa m-mercury!" Utal na sagot niya. Napataas naman kami ng kilay ni Sam.
"Ganon ba? Pero, Akane alam mo ba kung anong pwedeng mangyari sayo dahil sa ginawa mo kay Rei?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Napansin kong nag-iwas siya ng tingin.
"Tungkol naman dun. Sa tingin ko okay lang sakin kung anong gagawin niya. Tsaka 'di naman ako natatakot sa kanya, eh." Nakangiting sabi niya. Seriously?! Hindi ba siya natatakot na mamatay? Yakuza ang nakabangga niya pwera nalang siguro kung--Pero imposible naman yun.
"ATTENTION TO ALL STUDENTS IN FORD UNIVERSITY. THE BATTLE OF TITLE WILL START NEXT WEEK, SO BE READY!" Malamig na sabi nang nasa speaker. Natigilan kaming lahat. Teka, uumpisahan na agad ang battle of tittle? Napalingon ako kay Akane. Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako pero nakita ko siyang nakangisi. Bigla akong kinalabutan. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin at ngumiti.
"Hmm... Why?" Nakangiting tanong niya sakin. Napailing ako ng ilang beses. Nakaramdam ako ng takot. Natatakot ako sa kanya. Ang weird niya. Parang may kakaiba talaga sa kanya na hindi ko mawari.
Dont judge the book by its own cover. Naisaisip ko habang tinitingnan si Akane. Parang ayon ang nakikita ko. Alam kong hindi siya ordinaryong tao. Nararamdaman ko yun.
•••
Akane's POV
Napansin kong nakatingin sakin Alexis. Bigla akong kinabahan. Nilingon ko siya at halatang nagulat siya.
"Hmm...Why?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti. Umiling lang siya. Bigla kong naalala na nakangisi pala ako kanina habang sinabi ni hottie ko yun. Alam ko ang Battle of Title na tinutukoy niya. Kung hindi ako nagkakamali 'yun ang battle para makahanap sila ng new member sa gang nila.
Nang marealize ko na nakangisi pala ako napansin ko siyang nakatingin sakin. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko. Sa tingin ko hindi pa nawawala yung epekto ng dugo sakin. Sabagay kahapon lang kasi yun eh. Tumayo nako sa kinauupuan ko. Tapos narin naman akong kumain eh. Nasa canteen pala kami.
"Where are you going, Akane?" Tanong ni Sam sakin. Nilingon ko siya at nginitian.
"Cr." Tipid na sagot ko habang nakangiti. Tumango nalang siya kaya naglakad na ako palabas.
"Grabe bakit niya kasama ang Night Raid?"
"Nung una si Lady Rei ngayon ang Night Raid naman!"
Tss, Puro satsat. Kung saksakan ko kaya ang mga ito ng tinapay sa bunganga?. Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan ng mga tao sa loob ng cafeteria at dumiretso na ng cr. Pagkapasok ko sa cr ay biglang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko 'yun at tiningnan ang caller. Bahagya akong natigilan. Tiningnan ko muna kung may mga tao. Nang masigurado kong wala ay sinarado ko yung pintuan at sinagot ang tawag.
"Sorehanandesuka?" (What is it?)
(Karera wa modotte kimashita, Ōjo.) (They're back, princess) Napabuntong hininga ako.
"Shibaraku megahanasenai." (Keep an eye on them for a while.) Seryosong saad ko.
(Shimasu. Ōjo.) (i will. Princess)
Napabuntong hininga ako tsaka pinutol na yung tawag. Nagbalik na sila. Malalagot na ako nito. Siguradong pag nagkita kami ay gugulo lalo ang buhay ko. Tss! Mga pasaway talaga.
Sabi ko nang wag na silang sumunod, eh. Nagulat nalang ako ng bigla may pumasok sa loob ng cr na apat na lalaki. Papaanong?
Nakatingin sila sakin habang nakanguso. Tsk! Siya na naman ang may pakana nito. Wala talagang kadala-dala. Hay naku..