♚ITCYP7♚: TRANSFEREE STUDENT

1267 Words
Akane's POV *KRIIIIIIIIIIIIIIIIING* *KRIIIIIIIIIIIIIIIIING* *BLAAAAAAG* "KYAAAAH! ITAI!" Napahawak ako sa balakang ko ng mahulog ako sa kama. -_- -_0 0_- -_- 0_0 O________O Napabalikwas ako ng bangon. Malelate na ako! Nagmadali akong bumangon at dumiretso agad sa banyo para maligo. Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako. Binihis ko agad yung uniform ng Ford University. Kagabi ko lang din 'to nakuha dahil pinautos ko na lang sa butler namin yung pag-aasikaso ng pagtransfer ko sa school na yun. Actually tapos na akong mag-aral. Sa bahay lang ako nag-aaral dati dahil delikado sa akin na pumasok ng school kaya nga bago lang sakin ang pagpasok ng eskwelahan. Pagkabihis ko ng uniform ay nagmadali akong pumunta sa kusina. Pumuslit nalang ako ng sandwich at zesto sa ref. Malelate na ako kung kakain pa ako. Tumakbo na ako palabas ng bahay nila Sam. Nakaalis na sya. Hindi nya alam na mag-aaral ako sa school nila. Nae-excite na ako. Pagkalabas ko ng gate ay nagulat nalang ako ng makita ang baby ko na nasa gilid ng bahay nila Sam. Mabilis ko yung nilapitan at hinimas. Namiss na kita baby ko! Teka, siguro dito na nila nilagay to? Mabuti nalang dala ko yung susi kaya mabilis na akong sumakay sa baby ko ay pinaandar. Halos lumipad nako sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. Iniiwasan ko lang yung mga sasakyan na dumadaan. Malelate na ako kaya kailangan kong magmadali. FAST FORWARD>>> Nakarating agad ako sa school. Pinark ko agad yung baby ko at bumaba na. Hinanap ko muna yung Dean's Office. Muntik pa nga akong maligaw sa sobrang laki ba naman ng school na to. Pagkabukas ko ng pintuan ng Dean's office ay may sumalubong saming tatlong shuriken. Mabilis ko iyong sinalo gamit ang mga daliri ko. "Hmm.. I'm impressed, you haven't changed a bit since the last time i saw you." Sabi nang medyo may katandaan na pero gwapo parin kung titingnan. Tsaka ko lang narealize na siya pala si Mr. Takahashi. Bigla ko siyang nilapitan at nagmano. "NINONG, KAYO PALA!" Masayang bungad ko sa kanya. "Akane, mabuti naisipan mo dito mag-aral." Nakangiti nitong sabi. Nginitian ko lang din sya. "I like the students here. They're seemed to be interesting." Walang gatol na sabi ko. Napatawa naman siya. "I see. I thought you're here because you want a normal life?" tanong nito. Tumango nalang. "Yep, but trouble likes to chase me, even here, ninong" Naiiling na sabi ko. Ngumiti lang sya. "Have you already met my son?" Tanong niya. Kumunot naman yung noo ko. "Who?" Tanong ko. "Xavier Clyde Ford Takahashi." Nakangisi nitong sabi. ⊙____⊙ "WHAT!? H-HE'S YOUR SON? SERIOUSLY?" Gulat na turan ko sa kanya. Tumango ito. Oemgheee!? "So, he's part of Takahashi Clan?" Paninigurado ko. Ngumiti sya tsaka umiling. "Nah! Of course not. My son doesn't even know about our connections in your family." Nakahinga naman ako ng maluwag."Ninong, can you keep my identity as a secret while im here." Sabi ko sa kanya. "Sure. You can use your mother's surname." "Wait, is it safe to use my mom's surname here?" Nag-aalinlangan kong tanong. "Of course. Its safe, don't worry." pag-aassure naman nito. Tumango nalang ako. "What about the impostor?" "So, you're aware of her?" napasimangot ako bigla. "I bump into her yesterday." natawa ito. "Actually, it's been 2 years since she came up here and starts using your identity." kwento ni ninong. "I see. I'll just take care of her. Just keep an eye on your son and their gang." Sabi ko. "Ow? You know the gang, how?" "Last night, nakaingkwentro ko yung impostor. She told me about the gang. Gusto ako ambushin, eh." Tumango lang sya habang natatawa. "By the way, got to go, Ninong. I'll be late if i keep chatting with you." Nakangiting paalam ko rito. Hinagis nya sakin yung schedule ko. Sinalo ko lang yung gamit ang daliri ko. "See yah!" Pagkalabas ko ng Dean's office ay dumiretso agad ako sa room ko. Late na ako sa first subject ko. Kasalan 'to ni ninong eh. Kumatok muna ako sa pintuan bago ito buksan. Lahat sila nakatingin lang sakin. Nakita ko sila Sam na nakakunot yung noo. Nginitian ko lang sila. Classmate ko rin pala sila. Tiningnan ko yung mga classmate ko. Ang sama ng tingin nila sakin. Ako naman nakangiti lang. "You're the new transferee student, right?" Tanong sakin nung teacher na mukhang mabait. Tumango ako. "Would you like to introduced yourself?" tanong ni ma'am. Ngumiti ako rito tsaka tumango. Humarap muna ako sa kanila tsaka nag bow. Yung mga classmate ko hindi nakikinig. May sari-sarili silang mundo. "CLASS LISTEN!" Sigaw ni maam pero parang walang naririnig yung mga estudyante at patuloy pa rin sa pag-iingay. Naawa tuloy ako kay ma'am. Seriously? Room ba to? Napabuntong hininga nalang ako. Paki ko kung walang nakikinig. Tumayo parin ako sa harap at nag bow kahit na mukha akong tanga. Yosh! "I'm Akane Lee. 17 years old. Please take care of me." Sabi ko habang nakayuko. Pagka-angat ko ng ulo ay may sumalubong saking tennis ball. Mablis iyon. Yumuko ako ulit at kunyaring may pinulot. Bumanda yung tennis ball sa black board at tumama sa ulo nung nagbato. Pagka angat ko ng ulo ay binigay ko kay ma'am yung chalk na nadampot ko. Natigilan si ma'am at walang imik. Lahat sila rin nakanganga. Painosente akong umupo sa may dulo. Dinaanan ko lang yung bumato sakin. Ang sama ng tingin niya sakin habang nakahawak sa ilong nyang namumula. They're really interesting, hihihi! Mukhang mag-eenjoy ako dito. "Swerte naman nun at hindi natamaan!" "Tss. Nakachamba lang 'yun, pre!" "Bat kasi nag-aral pa yan dito? Mukhang bubwit!"  "Gago! Ang cute kaya nya!" Rinig kong bulong ng mga classmate ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtungo sa dulo sa may bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Ipinatong ko yung bag ko sa desk at umupo na. Alam kong nakatingin sakin sila Sam. Nakatingin lang ako sa bintana habang nangalumbaba. Alam ko narin naman kasi yung topic ni ma'am eh. Duh! Advance kaya ako. ••• Alexis POV Nagulat kami ng makita si Akane. Tumingin lang sya samin at ngumiti. Akala ko ba hindi sya nag-aaral dito. Kaso ng marinig kong transferee student pala siya tsaka ko lang na gets. Nung nag i-introduced siya ay nakayuko ito. Napansin namin yung kaklse namin na lalaki na babatuhin si Akane sa mukha ng tennis ball. Saktong pag-angat ni Akane ng ulo ay binato nito ang bola. Ang akala ko ay tatamaan si Akane pero laking gulat ko nalang ng bigla siyang yumuko. Bumanda yung bola sa black board at bumalik iyon sa kaklase namin. Natamaan ito sa mukha at amg ending ay namula ng ilong nito. T-teka, alam niya bang tatama sa kanya yung bola o coincidence lang? Nung tumayo si Akane ay inabot nito kay ma'am yung chalk. Kaya ba siya yumuko para kunin lang yun? Wow? Nakangiting tinungo ni Akane yung dulo na may bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Napansin ko nung dumaan siya sa harap ng kaklase namin na bumato sa kanya nginitian niya lang iyon. Weird niya talaga. Nakaupo na sya ngayon sa upuan. "Guys, did you saw that!?" Manghang turan ni Grayson. Napansin kong nakanganga parin sila habang nakatingin kay Akane. Nang tingnan ko si Xavier ay seryoso lang itong nakatingin kay Akane. Hoho?Fishy?! Hindi kaya? Waaah! Nabago kaya ni Akane si Ice cold leader!? Sana nga oo. Namimiss na kasi namin yung masayahin at maloko na Xavier eh. Napasimangot ako bigla. Siguro kung hindi sya namatay hanggang ngayon masaya parin kaming lahat at pati si xavier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD