Xavier's POV
Habang nagmamaneho ako ay may napansin akong pamilyar na babae na nakaupo sa bench. Huminto ako sa tapat niya. Nang makita ko ang mukha niya ay narealize kong siya nga. Mukha syang batang nawala at nahiwalay sa mga magulang niya. Yung mukha niya kasi nakasimangot na parang bata tapos may mga band-aid pa yung mukha. Muntik na nga akong mapatawa pero pinigilan ko lang. Bumaba ako sa motor ko at nilapitan siya. Nakita kong nagtataka yung mukha niya. Tinanggal ko yung helmet ko. Nang makita niya ako ay bigla syang ngumiti.
"Ano ginagawa mo dyan?" Cold na tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang sumimangot.
"Uhm.. N-naligaw a-ako eh." Nahihiyang sagot niya. Tss. Laki-laki na naliligaw pa? Ano sya bata. Binato ko sa kanya yung helmet ko. Nasalo naman niya yun.
"Sakay." Utos ko rito. Nakatingin lang sya sakin.
"Tutunganga kana lang ba dyan?" Inis na sabi ko sa kanya. Natigilan naman siya kaya sunud-sunod syang napailing. Tss. Childish! Mabilis syang sumakay sa likuran ko at sinuot yung helmet ko.
"Kumapit ka nga!" Asar na utos ko sa kanya. Nakakainis naman to. Dapat pala hindi ko na pinasakay to eh! Kumapit naman sya sa bewang ko.
"Sungit naman nito." Narinig kong bulong niya.
"What did you say?" Tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya.
"Wala, sabi ko tara na po!" Sabi niya. Pinaandar ko nalang yung motor ko. Huminto kami sa isang fast food chain. Kanina ko pa kasi naririnig yung tiyan na kumukulo. Baka mamaya mamatay ito sa gutom eh. Kaya naisipan kong dito nalang kumain.
"Baba." Sabi ko sa kanya. Bumaba naman sya.
"Ano ginagawa natin dito?" Inosenteng tanong niya. Tss. Hindi iba obvious?
"Ipapaluto kita!" iritang sabi ko pero nakita kong napasimangot siya. "Malamang, syempre kakain." Tss! Sumimangot naman sya. Pumasok na kami sa naturan na fast food chain. Umupo na kami sa table na pang 2-seater lang. Konti nalang yung tao kaya maraming bakanteng upuan.
*GRUUUUUU*
Tss. Mamatay na nga siguro 'to sa gutom. Tumayo na ako at pumila sa counter. Wala na bang ibang pagkain dito? Malinis kaya yan?
Nakatitig lang ako sa menu."Can i take your order, sir?" Nagpapacute na tanong nung babaeng nasa counter. Tss. Ayoko sa lahat ng mga malalandi.
"Lahat." Cold na sabi ko. Nakita ko namang natigilan sya. Ano namang mali sa sinabi ko? Tss.
"What? I said all." Inis na sabi ko ulit. Nag-atubili naman syang tumango.
"O-okay. Just wait for a minute, sir." Sagot naman niya. Inabot ko nalang yung 10 libo at umalis na. Nakita kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Bumalik nalang ako sa table namin. Nakita kong nasubsob yung mukha niya roon. Anong nangyari sa kanya? Mabilis ko syang nilapitan.
"HEY!? WAKE UP!" Sabi ko rito habang inaalog siya. Nanatili pa rin siya sa ganong pwesto.
"TSS! AKANE!?" Tawag ko sa kanya. Patay na ba to!? s**t!
"K-kuso..." (damn) narinig kong bulong niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nag-hahallucinate na yata siya sa sobrang gutom. Naupo nalang ako sa upuan ko.
"Sir, here's your order." Sabi nung crew na may dalang order namin. Dami yata? Tss. Sabi ko nga pala all.
"Akane, kumain kana." Sabi ko kay Akane. Bigla naman syang napaangat ng ulo. Nakangiti sya habang nakatingin sa pagkain. Pagkalapag nung mga pagkain ay nilantakan nya agad yun. Takaw naman nito.
Pinapanood ko lang syang kumain. Bigla syang napalingon sakin. Tss. Bata talaga. Kumuha ako ng tissue at pinunas sa labi niya. May sauce kasi ng spaghetti eh. Don't get me wrong! Nakakahiya lang kasi sya tingnan. Nakatulala lang sya.
•••
Akane's POV
Nagulat ako ng pinunasan nya yung labi ko. Feeling ko namumula ako. Oemghee!
>////////"Bakit nakatulala ka diyan." Poker face na tanong nito. Natigilan naman ako.
"A-ahhh.. W-wala! Kumain ka rin k-kaya!" Nauutal na sagot ko naman.
"Busog ako." Tipid nyang sabi. Nakakahiya naman kung ako lang kakain diba? Siya bumili tapos hindi sya kakain. Biglang nag-vibrate yung phone ko. Tiningnan ko yung caller. Napakunot yung noo ko. Unknown number yung tumatawag. Sinagot ko parin ito.
"Hello, who's this?" Nakakunot noong tanong ko.
(You don't have to ask if who am i, I just wanted to warn you to keep away from Xavier and their gang, or else you'll regret it!) Galit na sabi nung nasa kabilang linya.
"What are you talking about? Tsaka wala akong ideya sa sinasabi mo. Kung sino ka man, i dont care! Leave me alone, babush!" Sabi ko sabay patay nung tawag. Tss! Nakakabadtrip ah. Iniistorbo pa moment ko kasama si hottie ko.
Napansin kong nakatingin lahat ng tao sakin. Bigla akong namula sa hiya. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas. Anong gang pinagsasabi nya? Eh, hindi ko nga alam na may gang si hottie ko eh!
Napahinto ako sa pagtakbo ng may humintong van sa harapan ko. May lumabas na mga lalaking nakabonet. Pinalibutan ako ng mga lalaking nakabonet. Paano ako mabubuhay ng normal kung pinalilibutan ako ng mga taong ganito? Ang akala ko wala na yung mga assassin at mga hired killer na umaatake sakin, ngayon naman pati mga gangster?!
Whatalife!
"Sinabihan na kitang lumayo kay Xavier at sa gang niya, pero hindi maranunong makinig!" Narinig kong sabi nung babae. Lumabas sya sa van. Nagulat ako ng makita si Miss Yakuza Princess. Sya pala yung tumawag ah?
"Anong gang pinagsasabi mo?" Bored kong tanong sa kanya. Nainis naman siya sa inasta ko.
"So, wala ka palang alam? Si xavier ang leader ng Night Raid Gang at kasama roon ang mga kaibigan niya!" Sabi niya. Nagulat ako sa nalaman. Gangster pala si hottie ko at pati sila Sam? OMO!?
"Ehh? Ano naman kinalaman ko dyan?" Takang tanong ko sa kanya.
"Akin lang si Xavier!" Galit na sabi niya. Napantig yung tenga ko. Ano daw? Inaangkin na niya si hottie ko? No way! Bah, magkamamatayan kami nito!
"Seriously? Ikaw yata 'tong may saltik, eh? You actually don't own him, kaya 'wag ka umasta na pagmamay-ari mo siya." Seryosong sabi ko sa kanya. Pikon na ako, eh!
"Wala kang pakialam!" galit niyang saad. "Well, i'll make sure that you're going to regret it now. Boys!" Utos niya sa mga tauhan niya. Napasmirk nalang ako. Nosebleed ako ah. -___-
Isa-isa nila akong sinugod gamit ang baseball bat na hawak nila.
"Diba yakuza ka? Bakit baseball bat hawak ng mga tauhan mo? Like duh! May yakuza bang nakabonet? Diba dapat mga katana hawak nyan? You know what, para kang gangster umasta!" turan ko kay Miss Yakuza Princess habang nakangisi. Ow? Tinamaan sya. So totoo na gangster lang siya?
Ilag lang ako ng ilag sa mga tauhan niya. Para lang akong naglalaro ng taya-tayaan nito. Hahahaha.
Nasa madilim kaming parte ng kalsada kaya walang nakakapansin samin. Hahampasin sana ako ng isang tauhan niya ng hawak nitong baseball bat nang mabilis kong pilipitin yung kamay nito at nabitawan niya yung hawak niya. Mabilis ko iyong sinalo at hinampas sa ulo niya. Ayon knock out.
May tatlong papasugod sakin. Akmang hahampasin ako ng isa ng hinampas ko rin yung baseball bat na hawak ko. Lumipad yung hawak niyang baseball bat kaya mabilis ko siyang tinuhod sa tiyan at tinukuran ko yung balikat niya at tumalon ako patalikod ng may susugod sa likuran ko. Nagkauntugan tuloy silang dalawa. Napatawa nalang ako. Hahaha. Mga bobo kasi.
Pinatong ko yung baseball bat sa balikat ko at tiningnan yung mga natitirang tauhan niya. Nginisian ko sila. Hindi sila sumugod sakin. Natakot siguro. Naging blanko yung ekspresyon ko at nilingon si Miss Yakuza Princess.
"Ang totoo niyan marunong ako magpasensiya at umintindi." seryosong saad ko. "Pero hindi ko hahayaan na may kung sino man ang gumagamit ng pangalan ko sa kasamaan." Cold na sabi ko habang nakatingin sa kanya. Dahan dahan ko syang nilapitan. Hindi makapalag yung mga tauhan niya.
Nang makalapit ako harap niya ay inalapit ko yung mukha ko sa tenga niya. "You messed with a wrong person." pabulong kong sabi. Nang makalayo ako rito ay nakita ko ang pamumutla niya. Halatang natakot siya.
"I know that you're just an impostor" saad ko. "Payo ko lang ah, hangga't maaga pa lang ay itigil mo na 'yang pagpapanggap mo. 'Wag mong hintaying ang pinagpapanggapan mo ang makahuli sayo." malamig kong tugon.
"Ikaw rin..." nakangising dagdag ko. Nakita kong nanginginig na siya. Napatango-tango nalang siya at mabilis na pinaandar yung van. Naiwan nya yung mga tauhan niya. Nilingon ko yung mga tauhan niya. Nagsitakbuhan naman ang mga ito. Nang mawala na sila ay binitawan ko nalang yung hawak kong baseball bat. Napakamot ako sa ulo ko.
"Tsk. Kaya ayaw kong napupuno eh.... Lumalabas tunay kong ugali." Napangisi nlang ako habang sinasabi iyon. Naglakad na ako paalis. Uso naman GPS, Akane!