Third Person's POV
"Tignan mo nga naman. Kung sinuswerte ka nga naman oh!" Sabi ng isang lalaking gangster. Tiningnan nila yung babaeng nakaupo habang nakayuko. Nagtawanan lang silang lahat.
"Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay." Malamig na sabi ni Akane. Nagtawanan lang yung mga lalaking gangster.
"Hahahaha! Nagpapatawa kaba miss?" Natatawang sabi nung isang lalaki. Nag-angat si Akane ng tingin. Nang makita niya yung mga lalaki napangisi siya.
"Oy! Kayo pala." Nakangising turan ni Akane ng makilala yung mga lalaking nangtrip kay Samantha noon sa iskinita. Napansin ni Akane na napaatras yung dalawang lalaki na mukhang natakot sa kanya.
"B-boss s-siya yung b-babae!" nauutal na turan nung lalaking panget sa leader kuno nito.
"Tss, Mga duwag! Babae lang yan!" Singhal nung leader nila. Napapangiti nalang si Akane sa isipan habang pinapanood ang mga lalaking natataranta sa takot.
"Ano pang hinihintay niyo!? Hulihin niyo yan!" Utos nung leader nila. Pinalibutan nila si Akane. Humugot ng panyo si Akane at tinali nya iyon sa kamao niya.
"AHHHHHH!" Sigaw nung isa habang papasugod kay Akane. Nang makalapit ito sa kanya ay umikot lang siya at sinipa yung lalaki sa likuran nito. Tumalsik yung lalaki na sinipa niya sa isa pang kasamahan nito kaya parehas silang napahiga.
5 more left. Sa isip isip ni Akane. May sumugod sa kanyang dalawang lalaki magkabilaan. Nanatili lang si Akane sa pwesto niya at may sumugod rin sa likuran niya. Nang malapit na yung dalawang lalaki ay umatras sya konti at hinawakan yung ulo nung dalawang lalaki at pinag-untog. Bagsak ang mga ito. Sinipa niya patalikod yung lalaki na papasugod sa likuran nya.
1 more left
Tiningnan ni Akane yung natitira. Yung leader nalang nila. Nginisian nya lang ito.
"I-IKAW! S-SINO K-KABA?!" nanginginig sa takot na tanong ng leader nila. Tinuro lang ni Akane yung sarili niya.
"Me?" napangisi siya. "I'm your worst nightmare." pagkasabi nun ni Akane ay parang nakakita ng demonyo ang lalaking kaharap. Sa tanang buhay nito ay ngayon lang sya nakasalamuha ng isang tao na tingnan lang siya ay halos kumawala na ang kaluluwa nya.
"Run." Malamig na sabi ni Akane sa lalaki. Sa sobrang takot ay kumaripas ito ng takbo. Nadapa pa nga ito eh. Napatawa nalang si Akane sa sarili.
Like i've said, I hate seeing blood because of my suddenly change. Naisaisip ni Akane. Umalis nalang sya sa may iskinita at hinayaan ang mga walang malay na lalaki.
•••
Dylan's POV
"Sam. Paano mo nakilala si Akane?" Curious na tanong ko kay Sam. Lumingon naman sya sakin.
"She saved me sa mga bakulaw na gangster sa isikinita." Sagot ni Sam habang naka-crossed arms pa.
"Paano naman mangyayari yun? Eh, mukhang lalampa-lampa." Sabat naman ni Grayson habang tumatawa.
"Yeah. Nang dahil sa kalampahan niya kaya ako naligtas." Natatawang sabi ni Sam. Napakunot naman kami ng noo.
"What do you mean?" Takang tanong ko. Nag-shrug lang sya.
"Nang dahil sa kalampahan niya nadapa sya kaya napunta sa kanya yung atensyon nung mga bakulaw na yun." Kwento nito. "Akala ko nga nung una, eh, nakakatakot sya kasi biruin mo nagbanta sya gamit ang cold voice nya. I mean pag narinig mo yung boses niya pangingilabutan ka sa takot. Tapos ayun na nga, naglabas sya ng baril nung sabihin nya yun. Pati nga ako natakot eh, kasi napaka serious ng look nya. Nagsitakbuhan yung mga bakulaw." Kwento ulit ni Sam. Hindi ako makapaniwala.
"MAY BARIL SYA!?" Gulat na bulalas ni Alexis. Napatawa naman si Sam.
"No sis! Fake lang yun. Akala ko nga tunay yun eh, pero pinakita niya sakin kaya naniwala na ako." Sabi nito. Napatango naman kami.
"Bakit naman siya magdadala ng fake na baril? Ano siya bata?" Takang tanong ni Gabriel. Yeah, that's weird.
"Halata naman eh." Narinig naming bulong ni Xavier.
"Uyyyy! Nagsasalita na si leader! Himala!" Biro ni Grayson kay Xavier. Napatawa naman kami. Sinamaan lang sya ng tingin ni Xavier.
"Maiba tayo. Malapit na rin tournament sa Underworld Palace. Hanggang ngayon kulang parin tayo ng isang member." Sabi ko sa kanila. Ang underworld palace ay pinupuntahan ng mga gangsters and yes, we're one of them.
Ang gang namin ang rank 1 sa Underworld Palace or let's say kami ang rank 1 sa pilipinas. Kinatatakutan ang gang namin dahil sa lakas namin. Actually, pito kami dati ang kaso namatay siya kaya naging anim nalang kami. Kaya hindi kami makasali sa tournament dahil nagkulang kami sa member.
Ang pangalan ng gang namin ay Night Raid Gang. Si Xavier ang leader namin. Sa totoo lang hindi naman talaga cold si Xavier dahil ang totoo ay isa siyang masayahin at loko-loko rin, pero simula nung namatay siya nagbago si Xavier. Naging cold siya at laging tahimik. Kaya nga bigdeal samin na nagsasalita siya.
"Oo nga, Xavier ano plano mo?" Sang-ayon ni Gabriel habang nakatingin kay Xavier. Naka poker face lang ito.
"Tulad ng dati." Tipid nitong sagot. Napabuntong hininga nalang kami. Kung ganon magkakaroon nanaman ng battle of title.
Ang battle of title ay binuo namin para makahanap kami ng isa pang member. Sa school lang namin iyon ginagawa--sa may gym. Sila xavier naman may-ari ng school kaya pwedeng-pwede iyon. 2 years na namin iyon ginagawa simula nung mamatay sya. Ang kaso walang nakakapasok na maging member namin.
Actually nakakapasok sila sa final, ang kaso dun naman sila lumalagapak dahil kapag nasa final na kami na ang makakalaban nila. Pag natalo nila kami makakapasok sila bilang member namin. Ang kaso wala talaga eh. Ti-nry namin na pasalihin si Rei dahil siya ang yakuza princess. Ang kaso tumanggi sya. Ang totoo nyan hinahayaan lang namin si Rei na magreyna-reynahan sa school dahil sa kapangyarihan nya. Tapos nilalandi nya pa si Xavier. Hayys!
Yung nangyari kanina na pagkakabunggo niya kay Akane at pagkakatalo nito parang kinutuban na ako sa pagkatao ni Rei. Kasi biruin mo, Anytime kaya niyang patumbahin o mapatay si Akane pero anong nangyari? natalo sya ni Akane na lampa sa asaran? Pero na-c-curious ako sa pagkatao ni Akane. Kasi yung pangalan niya ay parehas ng first name ni Rei. Pero imposible naman na siya si yakuza princess? Kasi alam ko hindi lampa yun na tulad nya. Siguro coincidence lang ang pagkakaparehas nila ng first name. Maraming Akane sa buong mundo diba? Pero yung magic word?
Paano niya nalaman na may ganon. Kailangan kong imbestigahan si Akane. Weird nya kasi eh, promise.
•••
Akane's POV
"Ate, band-aid nga po." Sabi ko sa ale na nagbabantay. Napadpad kasi ako sa may tindahan habang naglalakad-lakad. Tapos pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa mga sugat ko na nagdudugo. Tss.
"Ito oh!" pabalang na sabi nito tsaka nilapag sa kahoy yung band-aid. Bah sungit!
Inabot ko sa kanya yung 100 peso bill. Binigay nya sakin yung sukli. Naistorbo ko yata siya sa kausap niya sa cellphone. Natigil tuloy yung kilig niya.
Naupo nalang ako sa may bench na nakita ko. Kinuha ko yung band-aid at nilagay sa mga sugat ko. Puro tadtad na ng band-aid yung mukha ko. Peste kasi yung fake na yun. Naliligaw pa ako. Tsk! Malas ko naman yata ngayon. -__-
Halos tatlong oras na akong nakaupo sa bench. Nagugutom narin ako. Mag-gagabi na rin. Siguro kanina pa nakauwi si Sam. Waaaah! gutom na talaga ako. Napatigil nalang ako ng may humintong big bike sa harapan ko.
O__o
Bumaba yung nakasakay dun at lumapit sakin. Nakahelmet pa siya kaya hindi ko mapagsino. Nakita kong tinanggal niya yung helmet na suot niya. Muntik pa ngang tumulo laway ko ng makilala ito--Si hottie ko! Napatayo ako ng tuwid bigla.
"Ano ginagawa mo dyan?" Cold na tanong nya. Napasimangot naman ako. Cold naman ni hottie ko~
"Uhm.. N-naligaw a-ako eh." Nahihiyang sagot ko. Poker face parin siya. No reaction? Bato yata to eh?
Nagulat nalang ako ng binato niya sakin yung helmet niya. Nasalo ko naman yun.
"Sakay." utos niya. Tama ba nadinig ko? Sakay? Nandito ba siya para ihatid ako? Waaaah! Napangiti nalang ako sa kilig.