Akane's POV
*BLAAAAG*
Aray ko! Napaupo nalang ako nang may nabangga ako. Lagi nalang akong natutumba ah! Di naman ako lampa T_T
"ANO BA?! TATANGA TANGA KA! BULAG KABA?" Singhal sakin nung babaeng nabangga ko. Nang lingunin ko yung babae ay halos umusok yung ilong nito sa galit. Kapal pa ng makeup. Bigla akong sinabunutan nung mga alipores nya.
"Bah! Malay ko bang nandyan ka. Liit mo kasi." Asar ko sa kanya. Lalo syang nagalit sa sinabi ko kaya bigla niya akong sinampal.
"HOW DARE YOU! HINDI MO BA AKO KILALA?!" Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Hinde eh. Sino ka ba?" tanong ko na may bahid ng pang-aasar sa kanya. Mas hinigpitan ng mga alipores niya yung pagkakasabunot sakin.
"Hoy! Wala kang galang sa yakuza princess!" Sabi nung isang alipores niya. Ano daw? Yakuza princess? Parang ako lang? Hahahaha.
"Let me introduced myself, I'm Akane Rei Lee Yamazaki. Im the yakuza princess and you will pay for messing with me!" Sabi niya. Ano daw? Pangalan ko yun ah. Nagpapatawa ba sya? Nakakatawa nga. Fake lang pala. Bigla akong napatawa ng malakas.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA...W-WEH! HAHAHAHAHA!" Tawa lang ako ng tawa. Napahawak na nga ako sa tyan ko eh. Grabe! Nakakatawa! Ganon pala ako kasikat at may gumagaya na sakin.
"BAKIT KA TUMATAWA! ANONG NAKAKATAWA SA SINABI KO!?" Galit na tanong niya.
"HAHAHAHA... Pfft... seriously?lahat." Natatawang sagot ko naman. Nakita kong napuno na siya kaya sinipa niya ako sa sikmura. Hindi naman ako nasaktan sa ginagawa niya eh. Parang nakiliti lang ako. Tumulong na yung mga alipores nya. Napuno na ako kaya sinabunatan ko yung mga alipores niya at tinulak. Talsik sila. Mukha yatang nagulat si miss fake. Oopss! napalakas yata.
Tumayo na ako habang nakangiti."Hey! Miss Yakuza Princess right? Can i ask you something?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nagulat naman ito.
"Ano yun!?" Paasik na turan nito.
"Sabi mo ikaw ang yakuza princess? Pwede ko bang malaman ang magic word?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong nangunot yung noo niya. Oh? So di nya alam yun.
"Anong magic word sinasabi mo!?" Galit na tanong niya. Napatawa nalang ako. Halatang fake. Tss.
Nagsasayang lang ako ng oras dito. Kung isa kang part ng Yamazaki clan. Alam mo ang magic word namin. 'We Fight For Our We Cherish' yan ang magic word.
"Sa pagkakaalam ko ang yakuza na tinutukoy mo ay may motto. Parang ganon." paliwanag ko sa kanya. Napansin kong pinagpapawisan sya. Haha. Nakakatawa sya.
"O-oo nga! Yung magic word namin ay powerful can be a ruler!" Sabi niya. Natawa naman ako.
"Ehh? Hmm..Okay sabi mo eh!" Sarcastic na sabi ko sa kanya. Yumuko ako sa kanya.
"Sorry for the touble i've caused, young lady." kunwa'y magalang na saad ko sa kanya. Nakita kong natulala sya. Kanina ko pa napansin na may mga audience na kami kaya dapat maputol na ang nonsense na palabas na ito. Hinawakan ko yung labi ko. May dugo. Wew! Ayaw ko sa lahat nakakakita ng dugo eh. Tss.
May side effect kaya sakin to. Nilingon ko sila Samantha. Alam ko kanina pa sila nanonood hindi ko nalang pinansin. Nginitian ko sila. Kasama ni Samantha sila hottie ko at si Alexis. Magkakakilala siguro. I dunno? Napaupo ako bigla.
Aish! Ito na sinasabi ko eh. Patay tayo.
•••
Xavier's POV
Pinagsisipa na siya nakangiti parin. Baliw yata. Hindi ba niya kilala ang binangga niya? Pede sya mamatay anumang oras. Nagulat nalang kami ng bigla niyang sabunutan yung mga alipores ni Rei at tinulak ang mga yun. Tumalsik pa nga eh. Narinig kong napa-woah sila Grayson. Tss. Weird?
"Hey! Miss Yakuza Princess right? Can i ask you something?" Nakangiting tanong nya.
"Ano yun!?" Galit na turan ni rei.
"Sabi mo ikaw ang yakuza princess?Pwede ko bang malaman ang magic word?" Tanong nito. Nagtaka naman kaming lahat sa tanong niya. Ano naman yung magic word?
"Anong magic word sinasabi mo!?" halatang galit na si Rei. Napansin kong pinagpapawisan siya. I smell sonething wrong.
"Sa pagkakaalam ko ang yakuza na tinutukoy mo ay may motto. Parang ganon." paliwanag naman nito. Ano bang pinagsasabi niya?
"O-oo nga! Yung magic word namin ay powerful can be a ruler!" Ano daw? May ganon ba? Tss.
"Ehh? Hmm..Okay sabi mo eh!" Sarcastic na sabi niya.
"Sorry for the trouble i've caused, young lady." Sabi nito habang yumuko. Halatang nagulat si Rei, maski kami eh. Kakaiba talaga sya. Nakita kong hinawakan niya yung labi niya na nagdudugo. Pagkakita niya nun ay parang nagbago yung reaction niya. Ewan ko, siguro imagination ko lang yun. Bigla syang lumingon samin at ngumiti. Nagulat nalang kami ng bigla syang napaupo. Nilapitan namin agad sya.
"Akane, Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Sam sa kanya. Akane pala pangalan niya?Magkaparehas pa sila ng first name ni Rei.
"Y-yeah! Okay lang ako. Hehe." Sabi nya at ngumiti pa rin. Parang may mali sa kanya.
"Anong okay lang? Bugbog sarado ka kaya! Bakit kasi sinagot sagot mo pa eh, yan tuloy!" Sabi ni Sam. Nagpout lang si Akane.
"Sorry na. Teka, magkakilala pala kayong lahat?" Tanong niya tsaka nilingon kami nila Grayson.
"Yeah. Akane, dalhin ka muna namin sa clinic." Sabi ni Sam. Tumango lang sya. Binuhat ko si Akane nang pang bridal style. Lahat sila nagulat sa ginagawa ko. Anong problema nila?
"T-teka, bakit mo ako b-binuhat?" Nahihiyang sabi ni Akane.
"Dadalhin kita sa clinic." Cold na sabi ko. Napayuko nalang sya. Bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko ang grupo nila Rei na ang sama ng tingin kay Akane.
Ilang saglit lang ay nadala na namin sya sa clinic. Medyo namumula sya. Bakit kaya? Nang tingnan ko yung reaction niyaay napakaseryoso. Weird.
"A-ah, a-ano. Sam, pwede bang mauna na akong umuwi?"
•••
Akane's POV
Aish! Malapit na! Kailangan ko ng makaalis dito bago pa ako may magawa. Waaaah!
"A-ah, a-ano. Sam, pwede bang mauna na akong umuwi?" Tanong ko kay Sam.
Nag-aalala naman itong tumingin sa akin. "Ahh, sure. Kaya mo bang umuwi mag isa?" Tanong niya. Tumango nalang ako.
"Aish! Ahh, Hehe...Alis na ako!" Sabi ko sa kanila at nagmamadaling tumakbo paalis. Hindi ako pwedeng abutan.
Mabilis akong nakalabas ng school. Huminto nalang ako sa may iskinita. Napahawak ako sa dibdib ko. Kapag nakakakita ako ng dugo ay gusto kong mangbugbog. Kasalanan ito ng fake na yun. Okay lang na sila magkadugo, wag lang ako. Kapag nasusugatan ako nagiging wild ako. Tsk! Malas naman oh!
Napasandal ako sa pader. Delikado manti-trip sakin ngayon. Patay sila.
"Tignan mo nga naman. Kung sinuswerte ka talaga oh!" Patay kang bata ka! Badtrip ako ngayon.