♚ITCYP3♚:FORD UNIVERSITY

1531 Words
Akane's POV "HOY GISING NA! HOY TULOG MANTIKA! GISING!" Bigla akong napabalikwas ng bangon. Nakita ko si Samantha na naka uniform. Napakunot yung noo ko. "Problema mo ba?" Takang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin at hinila ako papasok ng banyo. "Maligo kana! Male-late tayo pag hindi ka pa naligo!" Sabi nya sakin. Napakunot lalo yung noo ko. Ehh?? "What do you mean?" Tanong ko sa kanya. "Sabi ko papasok tayo sa school!" Sabi nya. Anu daw? LOADING...... 5% LOADING...... 25% LOADING........75% LOADING........100% School? Nani!? "NANI!?" Nabulalas ko. FAST FORWARD>>> Nandito na kami ngayon sa school na pinapasukan nya. Napilitan ako kanina na pumayag na pumasok kasama nya. Nagulat nga ako ng sinabi nya sakin na gusto daw niya akong isama sa school na yun. Eh, sa pagkakaalam ko hindi naman ako estudyante dun kaya nga napipilitan akong sumama sa kanya. "Ano bang pumasok sa utak mo at sinama mo pa ako dito, Sam?" nakapout na tanong ko. "Okay na yun! Kaysa iburo kita sa bahay noh! Tsaka sige na, 'wag na maarte Akane." Pagmamakaawa niya sakin. Napabuntong hininga nalang ako. "Ge na nga! But in one condition!" Sabi ko sa kanya. Nagliwanang naman yung mga mata niya. "Anu yun!?" Excited na tanong nito. "Pwede sa cafeteria niyo nalang ako mag-stay? Hehehe" pacute na sabi ko rito. Tumango-tango lang sya. Nagliwanag naman ang mata ko. Yosh! "Tara na. Samahan nalang kita sa cafeteria." Sabi nya at kinaladkad nanaman ako. Tss. Uso naman maglakad diba? Nang makarating kami sa cafeteria ay nagpaalam narin sya. Dumiretso nalang ako sa counter. Gutom narin kasi ako eh. "Strawberry shortcake and pepsi nga po." Nakangiting sabi ko sa babae na kaedaran ko lang yata. "Teka, transferee ka ba dito?" Tanong niya. Umiling lang ako. "Ehhh, Hindi eh. Hindi naman kasi ako nag-aaral dito. Sinamahan ko lang yung kaibigan ko na nag-aaral dito." Paliwanag ko sa kanya. "Ahh. Ako nga pala si Alexis." Nakangiti nyang pakilala. "Akane." Nakangiti ko ring sabi sa kanya. "Samahan na kita sa table mo." Sabi niya sakin. Tumango nalang ako. Nagtungo kami sa 2-seater table at naupo. Nilagay nya dun yung inorder ko. "Favorite mo ba yung strawberry shortcake?" Tanong niya. Ngumiti lang ako at tumango. Inumpisahan ko ng kainin yung strawberry shortcake ko. Chalap chalap naman! Narinig kong tumawa si Alexis. Tsaka ko lang namalayan na kasama ko nga pala sya. Bigla akong napayuko dahil nahihiya ako. "Hahaha. Ang cute mo naman." Natutuwang sabi niya. Napaangat naman ako ng ulo at tumingin sa kanya. Ngumiti ako. "Salamat ah. Teka estudyante karin ba dito?" Tanong ko sa kanya. "Yeah. Nag volunteer lang ako na tumulong. Kulang kasi yung mga staff tsaka di nila kaya yung mga ibang estudyante dito." Sabi niya. Kaya pala. "Ahh, Sige maiwan na muna kita ah?May klase pa kasi ako. I'm glad to meet you, Akane. See you later." Nakangiting sabi niya. Tumango nalang ako at umalis na rin sya. Babait naman ng tao dito. Nagulat nalang ako ng biglang nag-vibrate yung phone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Si mom? Bakit kaya siya napatawag. Sinagot ko na yung tawag. "Hello mom?" Sabi ko. (Baby, how are you?) "I'm fine mom. Mom, can you do me a favor?" Tanong ko kay mom. Narinig kong tumawa sila. Teka nandun na si bro? "Nandyan na po ba si bro?" Tanong ko kay mom. (Yeah. Kakauwi lang nya. What favor baby?) "Mom, can you transfeer me here to Ford University. I want to study there,Please." nakapout na turan ko kay mom kahit na hindi niya nakikita. Number one weakness nila ang pout ko. Wahahahaha! (Sure, baby. Padala ko nalang dyan mamaya yung mga papers.) "Really?! Thanks, mom. Patayin ko na po ah? I love you all!" Sabi ko. Tumawa lang sila. (Okay. Be carefull ahh? If you need help just call us okay? I love you too baby, Bye.) "Bye!" Paalam ko at binaba na ang tawag. Napangiti nalang ako. Yosh! My new life is now starting! Im so excited. *BOOOOGSH* "ITAI!" (Ouch) nabulalas ko ng matamaan ako ng bola sa ulo. Nahulog tuloy ako sa kinauupuan ko. Nakita kong may lumapit sakin na apat na lalaki. "Miss, are you okay." Nag-aalalang tanong nung isang lalaki. "Tanga kasi ni Grayson! May natamaan tuloy!" Sabi pa nung isang lalaki. Nilingon ko sila habang hinihimas yung ulo ko. O_____O -ako ^_______^V - sila Ang Wafuuu! Kyaaaa! Bigla akong ngumiti. "O-okay lang ako. Hehehe." nakangiti kong sabi sabay thumbs up. Napakamot naman sila ng ulo. Napansin ko yung isang lalaki na nasa ibang direksyon nakatingin. Siya pinakagawapo sa lahat! Waaah! Nababaliw nanaman ako. Kyaaa! Ang wafuu talaga! "Miss, natulala ka?" Nakangising sabi nung isa. Bigla naman akong natauhan. "Saglit lang, wag kang gagalaw." Sabi nung isang lalaking nakasalamin. Gwapo parin siya kahit na mukhang nerd. Nilapitan niya ako at may kinuha siya sa bulsa niya. Pagkakita ko ay band-aid pala. Dinikit nya yung band-aid sa noo ko. "Itai!" Bigla kong daing. Tsaka ko lang napansin na nagkagasgas pala ako dun. Nang lingunin ko sila ay lahat sila nakakunot yung noo pwera lang dun sa hot guy na nakatingin na sakin. Teka, may nasabi ba akong mali? "Naghahapon ka?" Manghang tanong nung isang lalaki na Mukhang babaero. Tumango lang ako. Ano naman masama dun? "Xavier, may kaparehas ka ng alien!" Natatawang sabi nung lalaking mukhang babaero. So, Xavier pala name nya. Hihihi! "Tss." Ani ni xavier. Cold naman ni hottie ko. "By the way, ako nga pala si Dylan. Siya naman si Gabriel and Grayson." Pakilala ni cute nerd sa kasama niya habang tinuturo nito isa-isa. Tumango nalang ako. *BZZZZZZT* *BZZZZZZT* Kinuha ko yung phone ko ng biglang tumunog. "Excuse me ah." Paalam ko sa kanila at sinagot yung tawag. "Hello?" Sabi ko. (Princess ko. Naipadala na namin kailangan mo. Nasan kaba?) Tanong ni bro. "Sa school." Tipid kong sagot. (Okay. Labas ka nalang ng gate. Padala ko nalang yung papers. Yung baby corse mo nandyan na) masaya nitong sabi. Nanlaki yung mata ko. "Waaaah! Honto!? Thank you! I love you!" Sabi ko. Ang saya saya ko. Magkikita na kami ng baby ko! Hihihi. (Yeah! Yeah! I love you too, princess. I miss you. Kailangan ko na patayin. Ingat ka dyan ah?) "Yeah, i miss you too. Salamat ulit, bro. Bye!" Sabi ko at pinatay na ang tawag. Tumakbo na ako palabas ng school. Naghintay lang ako sa may gate ng mapansin ko yung itim na limo na pumarada sa tapat ng gate. Lumapit ako dun. Bumaba yung isang butler namin. "Good morning, young lady. Here's the papers and key." Sabi nung butler namin na yumuko at inabot sakin yung mga papeles at susi ng baby ko. "Thank you. Pakisabi kay mom and dad na 'wag na silang magpabantay ng mga tauhan. I can handle myself." Nakangiting sabi ko sa butler. Yumuko lang ito. "Yes, young lady. We have to go." Sabi nito. Tumango nalang ako at umalis na sila. Simula nung tumuntong ako sa pilipinas alam kong may mga nakasunod sakin na mga tauhan ng yakuza. Ayaw ko sa lahat yung binabantayan ako. Mas maigi ng walang magbabantay sakin para ma-experienced ko ang mabuhay ng normal. ••• Samantha's POV Nandito ako ngayon sa room namin. Nung gabing napagtripan ako ng mga tambay hindi naman talaga ako natatakot eh. Actually, kaya ko silang patumbahin ang kaso nga lang hindi pwedeng marevealed ang identity ko kaya mas pinili ko nalang na wag patulan ang mga bakulaw na yun. Saktong dumating si Akane. Nung naglabas sya ng baril akala ko totoo na yun pala fake lang. Tsaka yung pagbabanta niya in cold voice, nakakatakot pero nagkunwari lang pala sya. Ang weird nya promise. Parang may tinatago sya na ewan. Ibang-iba kasi yung dating nya eh hindi ko lang sure kung ano. Pero imposible talaga. Si Akane yun eh! "Ano iniisip mo, sis?" Bungad sakin ni Alexis. Nilingon ko sya. "Wala lang. Teka, tapos ka na sa shift mo sa cafeteria?" Tanong ko. "Yeah. May nakilala nga akong babae eh." Sabi nya. Kumunot naman yung noo ko. Parang may ideya na ako kung sino ang tinutukoy nito. "Ano pangalan?" Tanong ko para makasigurado. "Akane." Sabi nito. Napahampas ako bigla sa ulo. "Anyare sayo?" Takang tanong nya habang nakatingin sakin. "I know her. Tara puntahan natin sya." Sabi ko sa kanya sabay hila. "Ikaw yung friend na tinutukoy nya?" Tanong ni Alexis. Tumango lang ako. Nang makadating kami sa cafeteria ay naabutan namin si Akane na tumatakbo. Napansin ko sila Xavier. Nilapitan namin sila. "Kilala niyo yung babae?" Tanong ko kila Xavier. "Oo. Natamaan kasi nitong si Grayson ng bola. Kaso hindi sinabi pangalan eh, Tumakbo nalang bigla." Sabi ni Gabriel. Hinila ko si Alexis at sinundan si Akane. "HOY SAN KAYO PUPUNTA!?" Sigaw na tanong ni Grayson. "AKANE!" Sigaw ko sa kanila. Naramdaman kong sumunod sila sa amin. Nakarating kami sa may labas ng school. Nakita ko si Akane na may kausap na naka-suit na lalaki na sakay ng limo. Mukhang yayamanin. Bakit niya kausap si Akane at yumu-yuko pa ito sa kanya? Strange... Nakita kong umalis na yung itim na limo at umalis na rin si Akane nang biglang may nabangga syang mga babae. Oh no!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD