Akane's POV
"Ma'am."
"Ma'am,wake up."
"Ma'am?" Naririnig kong paulit-ulit na tawag ng isang babae habang inaalog ako. Pinilit kong imulat ang mata ko.
O.-
-.O
-.-
O.O
"Ehhh? Where am I?" Wala sa sariling tanong ko. Napansin ko yung flight attendant na nakangiting bumungad sakin.
"You're in the Philippines, maam." Nakangiting sabi ng flight attendant. Nanlaki bigla yung mga mata ko.
"WAAAAH! HONTO!?" (REALLY!?) gulat na naibulas ko. Agad akong nakabawi ng mapansin kong nagtataka yung flight attendant. Baka isipin na nababaliw na ako. Nginitian ko nalang siya.
"Hehehe! Im sorry. Thank you! Bye!" Nakangiting sabi ko sa flight attendant at dali-daling binitbit yung maleta at backpack ko sabay takbo palabas ng eroplano. Naiwan ngang nagtataka yung flight attendant eh. Habang naglalakad ako palabas ng airport ay napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngumiti ako sabay flip ng buhok ko. Ganda ko lang, Hohoho!
"Welcome to the Philippines, Akane!" Excited na nasambit ko sarili habang malaki ang pagkakangiti. Nang makalabas ako ng airport ay mas pinili ko nalang munang maglakad. Napansin ko yung mga tao na sumasakay sa kakaibang sasakyan.
*O*
Halos magningning yung mga mata ko sa nakikita. Cool! I want to ride that too. Dali-dali akong pumunta sa sasakyan o sa kung ano bang tawag dun. Eh sa ngayon lang ulit ako nakapunta sa pilipinas noh. Batang bata pa ako noon ng makapunta dito kaya wala ako masyadong nalalaman.
Sumakay agad ako sa sasakyan. Naupo ako sa may pinakadulo malapit sa labasan. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro dahil sa maletang bitbit ko. Wala akong ideya kung saan kami patungo hanggang sa unti-unting nagsibabaan yung mga tao. Umusog ako sa likuran ng driver. Kanina nakita kong may inaabot yung mga nakasakay ng pera nila sa driver. Nagtaka pa nga ako dun eh. Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at inabot sa driver. Nagulat pa nga siya eh.
"Ahhh, Miss? wala ba kayong barya lang?" Nag-aalangan na sabi nung driver. Napakamot ako sa ulo ko at umiling.
"Wala po eh. Keep the change nalang po." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. Mukang namang mabait si manong.
"Saan ho ba baba niyo miss?" Tanong nito. Bigla kumunot yung noo ko. Patay! Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Ahhh.. Ehh.. Saan po ba may malapit na kainan dito?" Tanong ko sa driver.
Halata naman sa mukha nito ang pagtataka. "Malapit lang ho dito yun. Bakit ho?" Sabi nito. Ngumiti ako.
"Doon niyo nalang po ako ibaba." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. Napansin kong huminto na yung sasakyan.
"Nandito na ho tayo." sabi nung driver.
"Thank you po. " nakangiti kong sabi dun sa driver tsaka bumaba habang bitbit yung maleta at backpack ko. May nakita akong kainan hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Gutom narin kasi ako eh. Dumiretso na ako doon at pumunta ng counter at umorder. Naghanap lang ako ng mauupuan at tsaka kinain ko yung inorder ko pagkarating na pagkartaing palang. Hanggang dito ay marami pa ring nakatingin sakin kaya mabilis kong inubos yung pagkain ko at umalis na sa kainan na yun. Hirap na talagang maging maganda. Haaayss!
Hindi ko namalayan na nasa isang madilim na pala ako nang iskinita. Hindi naman ako kinabahan pero natatakot ako na baka may multong sumulpot. Takot kasi ako sa multo. Habang naglalakad ako ay bigla akong nakarinig ng mga boses.
"GET YOUR FILTY HANDS OF ME JERK!" narinig kong sigaw ng isang babae. Lumapit ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko yung babaeng sumigaw habang hawak-hawak siya ng dalawang panget na lalake.
"Aba pare, imported oh! Nag-e-english!" natatawang sabi nung panget #1 sa kasama niya.
"Hahahahaha! Oo nga pre! Nandito sa pilipinas nag-eenglish!" Natatawang sabi rin ni panget #2. Napansin ko yung babae na halatang chill lang. Omg! Trouble agad!?
"f**k! I SAID GET OFF ME YOU ASSHOLES!" inis na turan nung babae. Nagtawanan lang yung mga panget. Like duh! Parang mga palaka kung tumawa -__-
Dahil sa katangahan ko ay bigla akong nadapa. Sa sobrang mausyosa ko ay hindi ko napansin yung tipak ng bato sa harapan ko. Nakuha nila ang atensyon ko kaya napatingin sila lahat sakin.
"Hehehe! Yo!" Alangang bati ko sa kanila. Nakita kong binitawan nila yung babae at lalapit sakin. Waaaaah! Ang tanga ko kasi eh! Huhuhu!
"Kung sinuswerte nga naman talaga tayo oh! May isa pang mabibiktima. Bah! Tag-isa na tayo dyan pre!" masayang pahayag ni panget #2 habang nakangisi.
"Waaaaah! P-panget layo kayooo!" nandidiring sabi ko sa kanila. Tumawa lang sila sakin. Mabilis akong tumayo. Ehh!? Oo nga pala!
Mabilis kong binuksan yung maleta ko. Kinuha ko yung laruan kong baril. Nagdala rin ako nito kasi trip ko. Hehehe. Mabilis kong tinutok yung laruang baril sa kanila. Nanlaki yung mga panget nilang mukha habang nakatingin sa baril na hawak ko.
"PAPASABUGIN KO MGA ULO NIYO! SUBUKAN NIYONG LUMAPIT AT MAKIKITA NIYO HINAHANAP NIYO!" natigilan nag mga ito. "TAKBO BAGO KO KAYA MAPATAY!" banta ko sa kanila gamit ang malamig na tinig ko. Nakita kong nanginig sila sa takot at tumakbo. Napangiti ako.
Ang galeng ko talagang um-acting kaso nasobrahan yata -___-
"HAHAHAHAHA! PANGET TUMAKBO!? HAHAHA! MGA BOBO!" natatawang sabi ko. Napansin kong nakatingin yung babae sakin. Bigla akong huminto at lumingon sa babae. Nakita ko yung takot sa mga mata niya. Napahampas ako ng ulo ko. Kaya pala, yung baril ko. Tinapon ko yung baril ko at ngumiti sa kanya.
"Hehe! Wag kang mag-alala laruan lang yun." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita kong nakahinga ito ng maluwag. Nilapitan ko siya at tinanong kung ayos lang siya.
"Bakit ka nga pala napagtripan nung mga panget na yun?" Takang tanong ko sa kanya.
"Napadaan kasi ako dito eh. Malay ko bang nandun yung mga bakulaw na yun." Sabi niya. Marunong naman palang magtagalog eh. Nahirapan tuloy yung mga panget kanina. Tsk, tsk.
Tsaka teka lang? Sa dinami-dami ng pwedeng daanan, bakit dito? Weird.
"Oo nga pala. Salamat ulit ah, I'm samantha and you?" Pakilala niya sa sarili sabay tanong sakin. Nag-aalangan ako.
"A-ahh... Akane." Napipilitan kong sagot. Ngumiti siya sakin. Pero pansin ko yung pagkunot ng noo niya.
"Eh, ikaw? what are you doing here? Tsaka naglayas kaba?" Tanong niya sabay tingin sa maleta ko at backpack.
"Hehehe. Naligaw kasi ako eh. Tsaka kakarating ko lang dito sa pilipinas." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Napatango lang siya.
"Saan kaba tutuloy?" Tanong niya. Hindi ako makasagot dahil wala naman talaga akong matutuluyan.
"I see. Sa akin ka nalang tumuloy tutal may utang na loob ako sayo sa pagliligtas mo sakin." Nakangiti niyang sabi. Nagpout ako. Para akong maiiyak na ewan. My angel, huhuhu!
"Hey? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Suminghot muna ako. "Thank you, Sam! Huhuhuhu." May matutuluyan na rin ako sa wakas.
•••