"Sa-salamat," wika ni Patrish ng napagatanto niyang konting binuksan sa binatang si Theo ang nakaraan niya. Inihinto pansamantala ng binata sa tabing daan ang kotse nito upang pagaanin ang kan'yang dibdib. Tinitigan siya nito ng matagal at inipit ang buhok niyang nalaglag sa mukha. "Okay ka na?" malambing na tanong nito sa kanya. Alanganin na ngumiti si Patrish kay Theo. "O-okay na. Puwede n tayong umuwi," ani ni Patrish sa binata. Subalit biglang napatakip sa bibig ni Patrish ng naaliw na ngumiti sa kanya ang binata. "Ya. Uwi na tayo sa bahay-" naaliw itong tumawa ngunit tumigil din ang binata ng samaan niya ito ng tingin. "Sabi ko nga Ma'am uwi tayo sa Inyo," nagkakamot sa ulo na sabi nito. "Mabuti namn at alam mo na ako ang amo rito," iwas na tingin pa ni Patrish. "Oo naman baby