bc

Eagle Eye Agent Series #1: His Badass Queen

book_age18+
5.7K
FOLLOW
47.4K
READ
billionaire
spy/agent
arrogant
brave
bxg
detective
enimies to lovers
pilot
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG/R-18+ not suitable for minors

Patrish Jhane Sajonia, binansagang badass queen ng The Eagle Eye detective agency na kanyang pinagtra-trabahuan. Maganda, matapang, palaban at wala itong kinatatakutan kahit saan isabak sa laban.

Theo Drix De Guzman, the pilot billionaire. Pagtatagpuin sila ni Patrish Jhane Sajonia ng kinailangan ng dalaga ang ng pilotong binata. Ngunit sa sandali nilang pagkakilala ay nabihag agad ang puso ni Theo Drix sa misteryosong dalaga.

Paano kung ang umusbong na pag-ibig ay hindi kayang suklian ng dalaga? Ano ang kayang gawin ng isang Theo Drix De Guzman para sa iniibig na badass queen?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Sajonia," rollcall ng kanilang iginagalang na leader sa training camp. "Sir yes sir!" malakas na tugon niya. Hinati sila sa sampu bawat group ay may limang kasapi. Laking pasalamat niya at ang napunta sa kanya ay pawang magaling at mga kaibigan din niya. Nandito sila sa Mt.Daraitan na kung saan nakatayo ang training camp ng mga kasapi sa Eagle Eye detective agency na ang main office ay matatagpuan sa Pasay city, one of the top detective agencies ng bansa na highly trained ang bawat employee nito. After two ng month na paghahanda nila sa nakaplanong misyon ay handa na silang lahat sa pag sugpo sa mga pinaghihinalaan na utak nang kidnapping at human trafficking sa buong bansa. Pinag-utos ng vice president na maging maingat sila sa bawat hakbang na gagawin dahil nakasalalay sa kanila ang kaligtasan ng hawak na mga bata sa edad sampu pataas, na siyang ginagamit sa pagtutulak ng droga at ang iba ay inilalabas sa ibang bansa upang ibenta sa mayayaman na parokyano. "Ikaw Queen ang magiging leader sa inyong grupo," wika ni Sir Ocampo. "Malaki ang tiwala sa'yo ng Eagle Eye dahil nakita namin ang husay mo sa tatlong magkakasunod na 'yong misyon na puwede ka nang humawak ng isang team." Muli nitong sabi. "Makakasama mo rin dito sila speed, Jade, Sapphire at Ruby," Mga code name nila ito bilang isang detective agent. Magkakasing edad silang apat na parehong nasa twenty three years old. Sa taas nilang five six at balingkinitan na pangangatawan at 'wag nang idagdag ang mga maamo nilang mukha at makinis na balat ay walang mag- iisip na isa silang high train in any kinds of deadly weapon. Bagong graduate siya ng college ng may recruiter na lumapit sa kanya. Kung gusto raw niyang maging isang detective at magsilbi sa bayan. Dahil noon pa niya pangarap ang ganito sa tamang panahon ay agad niya itong sinunggaban ng walang pagdadalawang-isip. Kahit delikado ang trabahong pinili ay pikit mata niya ito tinanggap. Iisa lang ang tangi niyang pangarap ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang at dalawang kapatid na walang awang pinaslang ng mga halang ang kaluluwa. Halos dalawang taon na siya sa serbisyo. Itong lugar ng Mt. Daraitan ang hide out nila. May mga lalaki rin silang kasama ngunit mahigpit na ipinagbabawal na ma inlove sa kapwa detective. dahil isa lang 'to sa magiging sagabal sa kanilang misyon, ang sugpuin ang salot sa lipunan na siyang sumisira sa buhay ng mga inosente. "Always remember to be vigilant. Top priorities ang mga biktima. "Is that clear?!" sigaw ni Sir Ocampo. Halos lahat ng kasapi ay may kanya kanyang dahilan kaya napasabak sa ganitong delikadong misyon. Tulad ni Sir Ocampo ay biktima ng frame up na walang hinangad kung hindi ang mag lingkod sa bayan. Dati itong police traffic officer at napagbintangan ng isang mayaman na drug dealer, nasibak sa serbisyo at nakulong dahil sa paglabag sa batas. Kaya nang tulungan siya ni Boss Chinito ang tawag nila sa kanilang pinaka boss na si Mr.Chong ng detective agency na ito, ay naging kanang kamay ito at tanging hangad ang mahuli ang mapagsamantala sa mga mahihirap. Madalang pumarito ang pinaka big boss nila. Sa main office ito naglalagi. Balita niya ay matinik din ito makipaglaban at master sa martial arts kahit umaapaw sa kakisigan. 'Wag ng idagdag na galing daw ito sa mayaman na angkan. "Tandaan pag dating n'yo ng Manila sa Mansyon kayo ni Boss Chinito tutuloy. "Understand!" Malakas na sabi nito. Pagkatapos ng meeting ay nagsipasok na sila sa kanya- kanyang barracks. Kasama ni Patrish ang apat sa buong silid tatlong doble deck ang higaan at walang ibang gamit sa loob maliban sa mga importante na kailangan. Humiga siya sa kama kahit wala pang bihis at muling sumagi sa isip ang nakaraan. "Nana Osang bili po tayo ng colored paper please?" pakiusap niya sa kasama nila sa bahay. Hindi niya alam na naubusan siya ng stock sa kwarto. Deadline na tomorrow kaya need niyang lumabas kahit late na ang oras. "Naku Patrish Jhane ako nga ay tigil tigilan mo ah! Nakita mo na halos alas- nuwebe na ng gabi hihirit ka pa nang lakwatsa! Mapagalitan tayo niyan ng Mommy mo," protesta ng kanilang kasambahay na si Nana Osang. Hinawakan niya ito sa braso at niyakap. "Please Nana.... please...? Saglit lang po tayo at d'yan lang sa tindahan ni Aleng Basyang marami akong nakita kahapon," lambing niya rito. Napakamot na lang ang kasambahay nila at mahinang kinurot ang pinkish niyang mukha. "Naku ikaw talagang bata ka, hindi kami makatangi sa convincing powers mo. Dinadaan mo kami sa cute mong dimples kaya lahat kami ay napapayag mo," nakalabing wika ng Yaya Osang ni Patty. Labis na natuwa si Patty ng pumayag ang Nana Osang niya. Nagmamadali agad siyang umakyat sa kan'yang kwarto upang kunin ang wallet na naiwan. Sa edad niyang labinlima ay dalaga na siyang tingnan. Siya ang panganay at lalaki ang sumunod na labindalawa at sampung taon naman ang bunso nilang babae. Mabilis ngunit walang ingay ang lakad niya pababa ng hagdan marahil ay tulog na ang magulang at dalawa niyang kapatid dahil nakasarado ang pinto ng kwarto. Wala silang guard dahil hindi naman matatawag na mansyon ang bahay nila tama na ang tatlo nilang katulong sa bahay may dalawa silang stay-in. Ang isa na si Ate Mayet ay tuwing sabado at linggo lang ang punta sa bahay, laba at plantsa ang gawain nito. Hindi naman sila mahirap kung maituturing sapagkat ang Daddy niya ay Isang manager sa Rural bank at ang Mommy niya ay head Nars sa provincial hospital may apat na pinto sila ng paupahan na apartment kaya suwerte rin kumpara sa iba. Napasarap ang paglabas nila ng Nana Osang niya dahil niyaya niya itong kumain ng tinda sa tabi-tabi. Pagkatapos sa fishball niyaya pa niya niya ito sa tindahan ng lugaw sa labasan ng Town house. Inabot sila ng halos alas onse ng gabi sa pagkwe-kwentuhan habang kumakain. "Manang pahingi po ng tubig." Sabi ni Patty sa tindera. Inabot niya ang isang basong tubig na bigay nito ngunit dumulas ito sa kamay niya, tumilapon at basag sa semento. "Sorry Manang," wika ni Patrish at balak pa sana niyang damputin ngunit nauna ang tindera. Umusal na lamang siya ng pasalamat. Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya ng oras na iyon. Mabilis niyang niyaya si Nana pauwi ng kanilang bahay. Bakit hindi niya mawari ang lumukob sa dibdib? Pagtapat nila sa kanilang bahay ay napa kunot noo si Patrish, nakakapagtaka na patay lahat ng ilaw maging sa garahe. Binalingan niya ang Yaya niya nang tingin na parang nagtatanong. "Alam ko iniwan kong bukas ang ilaw sa sala maging dito sa gate at garahe," sagot nito sa kanya dahil sa tingin niyang nagtatanong. Dahan-dahan silang nagbukas papasok patungo sa main door. Nasa pinto pa lang ay rinig na nila ang tawanan ng mga boses lalaki. Sinubukan nilang itulak nang marahan ang pinto subalit naka-lock ito. Umikot sila sa kusina sa dirty kitchen ay may maliit na pinto hindi iisipin na may daanan do'n. Halos mahimatay siya sa nasaksihan ang magulang at dalawa niyang kapatid ay duguan sa sahig at tila wala ng buhay habang pinagtatawan ng apat na kalalakihan. Kung hindi siya naagapan ng kan'yang Yaya ay baka nahuli sila na nakasiksik sa ilalalim ng lamesa sa kanilang kusina. Pigil siya ni Nana ng yakap at nakatakip sa bibig niya ang kamay nito. "Jomar, sibat na tayo at mga bangkay na ito. Nalimas na natin ang lahat ng pera nila ano pa ang inaantay natin," wika ng isang kirat ang mata. "Bagay lang sa'yo ang sinapit mo Ariel dahil mang-aagaw ka. Rest in peace sa pupuntahan mo," nanlaki ang mata niya ng makita ang tattoo ng lalaki na tumatayong lider "Rolly " at tatlong araw ang hugis ng tattoo, mayroon ang Daddy niya ng gano'n parang pamilyar ang hitsura ng lalaki, hindi lang niya matandaan kung saan nakita ang lalaki noon. "Patty...!!" nakasanayan na itawag sa kanya ng mga kasama. Napalundag siya sa kinahigaan sa sobrang gulat sa malakas na tili ng apat pagkapasok sa kanilang kwarto. Mabilis na humakbang sa higaan at basta na lang siyang dinaganan ng mga ito. "Anak ng tokwa kayo!" masamang tingin na sabi niya sa apat ngunit tinawanan lamang siya. "Tsss!! iniisip mo na naman ang nakaraan," ani ni Eulyn Kris aka, Speed ito ang code name niya dahil sa bilis nitong mag-dispose ng mga bomb sa loob ng fives minutes. "Mabibigyan din ng hustisya ang magulang mo partner, maniwala ka lang sa taas," sabi nito ulit. Ito ang una niyang naging kaibigan noong bago siyang dating dito. Mabait at mahinhin kung titingnan pero mabangis sa pakikipaglaban. Dahil siguro sa pagod ay saglit lang ang kanilang kwentuhan at mga mahimbing agad ang tulog. Napatingin siya sa pambisig na relo past seven ng gabi. She decided to walk outside, huminga siya ng malalim ng nasa labas na siya. Lumapit siya sa nakataling duyan sa puno ng Manga, pahingahan nila ito tuwing hapon. When she felt alone and in a sad mood, pupunta lang siya rito. After niyang magpakalma babalik ulit siya ng kanilang barracks. umupo siya sa duyan at marahan ang ugoy. "Hey, Mommy and Daddy, little brother and cute bunso! Kumusta po kayo? Miss you so much," mahinang hikbi niya na nakatingala sa langit at tahimik na lumuluhang mag-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook