"Bilisan mo Sap!" Sigaw ni Patrish kay Sapphire pagkaparada ng kotse nito sa tapat ng kanilang gate. Dito na niya inantay upang mabilis silang makaalis dahil kung papasok pa ito sa loob ng kanilang bahay ay sangkatutak ang tsismis nito sa Nana Osang niya. "Hito na nga Madame makapagutos aba'y wagas," irap pa nito sa kan'ya. Syempre biruan lang nila iyon at mga lukaret ang kaibigan niya. Mabilis na sumakay si Patrish sa tabi nito. Hindi niya ginamit ang kotse na nasa hideout at cashier nga sa grocery ang identity niya ngayon. "Saan namang lugar ang punta natin Sap?" tanong niyang tumingin sa kaibigan. "Sa Anonang Quezon may e- raid tayong warehouse ng shabu," "Okay," sagot ni Patrish sa kaibigan ngunit muli siyang nagsalita. "Matutulog lang ako gisingin mo na lamang ako kapag nasa lu