Nagising si Patrish dahil sa pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan at labi. Inilibot niya ang paningin sa paligid lahat puti ang nakikita niya sa dingding.
'Tama ba ang naiisip niya ospital? Paano siya napunta rito? Sino ang may mabuting puso na nagdala sa kanya sa ospital na ito,' aniya na tanong na gumugulo sa kanyang isipan.
Inangat niya ang namimigat na kamay may nakakabit itong dextrose.
'So tama nga nasa ospital siya. Ngunit sino ang nangahas na nagdala sa kanya rito?' Nagtatakang tanong sa isip.
Nanlaki ang mata niya ng saktong pagbukas ng pinto ay ro'n siya nagbaling ng tingin, dalawang lalaki, ang Isa ay sigurado siyang doktor at ang Isa ang lalaki na nakita sa airport.
"I-ikaw? How come?" hindi makapaniwala si Patrish na patanong kay Theo.
Matiim siya nitong tinitigan sa mukha kaya pakiramdam ni Patrish nakakahiya ang hitsura niya, na-conscious si Patrish dahil tingin niya isa na siyang bruha dahil sa lagnat. Kung ito ang nagdala sa kanya rito sa ospital panigurado nakita ang kalagayan niya kahapon.
Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya kahit nag-uusap ito at ang doktor pagkatapos ay nagkamay bago ito lumabas at muli siyang binalingan ng seryosong titig ng binata.
Napangiwi si Patrish Jhane sa pag-a-alala baka isuplong siya sa alagad ng batas or malaman nito ang tunay na trabaho. Tiyak na magtataka ito sa tinamo niyang sugat sa balikat. Napapikit siya ng maalala ang nangyaring kagabi.
Pagkapasok ni Patrish Jhane ng kwarto ay pansamantala siyang umupo sa pinto ramdam niya ang nanuot na kirot sa kanya balikat dagdagan pa ng ilang beses siyang natamaan nang suntok sa tiyan ng matandang 'yon.
Wala siyang matawagan kahit Isa sa kaibigan niya dahil sinadya niyang sirain ang phone bago sumugod sa kalaban, ayaw rin niya na iwanan sa loob ng kanyang unit kasama ng mga hindi importante gamit. Lahat ng gamit niyang pagkakilalan ay sinira pagkatapos ay itinapon sa basurahan bilang pag-iingat sa mag-inspection sa buong hotel kung sakaling pumalpak siya ng pagsugod sa kalaban.
Maging ang dala niyang baril na ginamit sa paglusob kanina kasama ang mga kaibigan ay itinapon niya sa basurahan ng banyo. Tanging ang secret agent knife pen at ang bago niyang bili na baril at hindi pa nagagamit na lagi niyang baon at hindi inaalis sa katawan. Pare pareho silang mga agent na mayroong ganito. Laking pasalamat niya dahil ng makapasok siya ng banyo mayroon mga babaeng pumasok, sakto ng matapos mag-ayos ng sarili.
Nang masiguro na nakakuha na siya nang lakas inilibot niya ang paningin sa malaking kwarto. At hinanap ng kanyang mata ang banyo. Kailangan niyang maalis ang bala sa balikat upang hindi ma- infection at magdurogo. Mahinang hakbang ang ginagawa niya pagtayo nang makita ang banyo. Unti-unti na rin may pumatak na dugo sa sahig. Mamaya na lamang niya ito linisin ang una niyang gustong gawin ay maalis ang bala sa balikat bago pa siya mawalan ng malay.
Pagkapasok sa Cr ay hirap na naalis ang tali sa balikat. Nang maalis niya ito. Inilibot niya ang tingin sa loob ng banyo. May nakita siyang tuwalya kinuha niya ito at kinagat at inumpisahang alisin ang bumaon na bala gamit ang palaging dala na secret knife. Napahiyaw siya sa sakit ngunit tiniis niya ito sanay sila sa ganitong pangyayari pagkatapos sumabak ng laban. Halos malagutan siya ng hininga habang ginagawa 'yon kahit lahat ng luha ay namalisbis sa kanyang mukha hindi niya ininda, tanging nasa isip niya ang mabilis na maalis.
Sandali siyang sumandal sa pader ng maalis niya ito nang magkaroon ng sapat na lakas muli niyang ibinalik ang pagkakatali sa balikat at hinanghina na sumandal sa pader ng magtagumpay hanggang sa hindi niya namalayan na mawalan siya ng malay.
Naputol lang ang alaala niya ng malakas na umubo si Theo. Namula ang mukha niya ng nasa harapan na pala ito at payukong nakatunghay sa kanya at naro'n parin ang hindi mabasa na emosyon sa mata.
Kumibot ang nguso ni Patrish bago magsalita. "Uhm. Nauuhaw po ako," matipid niyang sabi. Tumaas ang kilay nito at napaismid bago siya sagutin.
"Bawal pang uminom at wala kang kain mula kahapon!" Suplado nitong sagot at tumingin sa mukha pagkatapos ay sa sugat niya.
"Ayos naba ang pakiramdam mo? Kukuhaan kita ng pagkain," dugtong pa nito sa sinabi at sumungaw sa mata ang pag-a-alala. Napakagat sa labi si Patrish ng matitigan ng mabuti ang mukha nito.
'Sobra naman nitong gwapo at ang sarap siguro mahalikan ng labi nito, feeling niya taob siya sa pagkapula. Bumagay ang makapal nitong kilay sa makinis nitong mukha. Grabe hindi ba ito nagkaka tigyawat?'
Narinig niyang mahina itong tumawa. "Alam ko na pogi ako baby. And stop staring at me at nangangain ako! Lalo na ngayon kagabi pa ako gutom," paos nitong sabi sa kanya.
Uminit ang mukha ni Patrish dahil sa pagkakahuli sa paninitig sa mukha nito. "My god Patrish Jhane ikalma mo ang bulaklak mong virgin dahil hindi mo pa alam ang pangalan nanganganib na!" Suway ni Patrish sa sarili. Upang pagtakpan ang tinamong kahihiyan ay sinamaan ni Patrish Jhane ito nang tingin at bubulong bulong.
"Anong akala niya pagkain ako para maalis ang kan'yang gutom," irap pa niya rito.
Malakas itong humalakhak. "Ang inosente mo baby," inilapit ang mukha nito sa kanya at mahinang bumulong.
"Ikaw ang tinutukoy ko na kakainin," pigil ang ngisi na wika nito.
Nanlaki ang mata ni Patrish ng maintindihan ang sinasabi nito. Kaya wala sa oras na nahampas niya ito sa braso.
"Ang bastos mo!" wika niya rito subalit naaliw lang ito sa kanyang sinabi at umayos ng tayo. Baliwala ang paghampas niya sa malaki nitong braso. Nagtungo ito sa nakikita niyang lamesa at naglabas ng maliit na karton sa loob ng paper bag.
Pagkain nga siguro ito dahil bibit nito kasama ang kutsara at tinidor palapit sa kanya. Inilapag muna nito sa bakanteng higaan sa gilid niya at mabilis na kumuha ng upuan.
"T-tika lang kuya ano, kaya ko nang kumain mag-isa," pigil niya sa akma nitong pagsubo sa kanya. Nagtaka siya at nagsalubong ang kilay nito at umasim ang mukha.
'Anong problema nito? Gusto lang naman niyang mag-isa na kumain bakit bad mood kaagad?' napapatanog sa sarili na wika ni Patrish.
"Can you stop calling me ng Kuya!" Naiirita nitong sabi. "Hindi kita kapatid at lalong ayaw kitang maging kapatid. Soon--- maybe wife mas maganda," ani nito at nag-umpisa ng i-lapit ang kutsara sa bibig niya.
Walang nagawa ang pagtanggi ni Patrish sa pagpapakain nito sa kanya dahil wala na itong imik at hindi naalis ang pasalubong ng kilay.
'Nangyari sa ungas na ito. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig!'
Ayaw na sana niya at busog na siya ngunit sinamaan siya nito ng tingin. 'Aba't namimihasa itong ungas na ito. Makita mo karatihin kita d'yan makita mo ang hinahanap mo!'
"Teka lang kuyang ano! Ayaw ko na nga sige nang sige ka pa rin d'yan!" reklamo niya rito.
Bumuntong-hininga ito at tumitig sa kanya. Hindi nagpatalo si Patrish hanggang ito ay sumuko.
"Okay you win baby," pagsuko nito. Subalit nalukot ang mukha ni Patrish dahil sa huli nitong sinabi.
"At ito pa ha! Tigil tigilan mo ako sa baby na 'yan at matanda na ako!" Angil niya rito. Subalit hindi man lang nakinig sa sinasabi niya at pilyo pa siya nitong nginisihan at dumukwang sa kanya.
"Bakit anong gusto mong itawag ko sa'yo?!" Pilyo nitong tanong. "Gusto mo honey, my love, so sweet?" Pahabol pa nito at pinisil ang ilong niya at habang naglalakbay sa mukha niya ang paningin.
"Tigilan mo na ang pagpapa-cute, baka pag nahulog ako sa'yo hindi mo ako kayang saluhin. Idedemanda kita pag nangyari 'yon," sabay tayo sa kinauupuan at dala ang pinagkainan niya.
"Hindi mo pa nga sinasabi ang name mo mahuhulog ka na agad sa 'kin," sabay hawak ni Patrish sa kanyang bibig. Sh*tty! Ano na lang ang sasabihin ng lalaking 'to sa kanya siya pa talaga ang nag-initiate na malaman ang pangalan nito.
"Damn! Urgh! Kahihiyans ko talaga ito!" aniya sa sarili.
"Theo Drix De Guzman-- baby," kindat sa kanya.