CHAPTER SIX

1490 Words
"Ikaw puwede ko ba malaman ang name mo magandang binibini?" wika sa kanya ng binata at lumapit sa kinahihigaan niya. Hinila pa nito ang upuan at umupo sa kanyang tabi na walang nakakabit na dextrose. Napaisip si Patrish kung kaya ba niyang ibigay rito ang totoong pangalan gayun kakilala pa lamang niya rito. "Q-queen ang pangalan ko K-kuya..." nauutal na sagot ni Patrish sa binata. Napapikit ito saglit at tumaas ang gilid ng itaas ng labi dahil sa kanyang naging sagot. Napatampal siya ng mahina sa bibig ng maalala na ayaw nito ng tawag na kuya. Eh! Sa mas tingin niya matanda na ito dapat lang! Isa siyang magalang na nilalang kaya lahat ng mas matanda ina-addres niya ng paggalang. "Next time pag narinig ko ang salitang Kuya hahalikan na kita. At bawat banggitin mo 'yon iyan ang kapalit na parusa!" Naniningkit ang mata na wika nito habang hindi nawawala ang pagtaas sa gilig ng labi nito. Sandaling nag-init ang pisngi ni Patrish sa kahalayang pinagsasabi nito. 'Shutek! Malakas ang tama sa utak nitong lalaki,' aniya sa isipan ni Patrish. "Kapal mo! As if naman magpapahalik ako sa'yo! Assuming ka," irap niya rito, ngunit pisil lang sa tungki ng kanyang ilong ang naging sagot nito at mahinang tumawa. Upang maalis ang pagkailang naisip ni Patrish na sabihin dito ang kanina pa niyang gustong sabihin. "P-puwede na s-siguro ako lumabas ngayon k-kaya ko na," kapagkuwan ay wika niya rito dahil walang balak ang binata na alisin ang titig sa kanyang mukha habang masayang nakangiti. Nakakailang itong tumitig daig pa niya ang isang ice cream na natutunaw dahil sa pilyo nitong mata. "Three days ka raw mananatili rito at hindi pa hilom ang tinamo mong sugat," sagot agad sa kanya. 'Paktay na! Hahanapin ako ng mga kaibigan at ng boss niya sa hideout katagal naman,' nag-a-alalang niyang sambit sa isipan. 'Kailangan niyang gumawa ng paraan upang makaalis dito bago maghanap ang boss at superior niya. Lalo na ang mga kaibigan baka ma bulilyaso pa ang naumpisahang plano kung magtatagal pa siya rito,' Tumikhim ito kaya pansamantala nawala ang iniisip ni Patrish dahil nagbaling siya ng tingin dito. Napakamot ito sa sa ulo. "Gusto mong tawagan ang mga kamag anak mo at ipaalam ang nangyari sa'yo?" malamlam ang mata nito na nagtanong sa kanya. Hindi nag-antay si Patrish na matapos ang sinasabi ng binata kaagad niya itong sinagot. "No! I mean wala na po ako kamaganak ulilang lubos na po ako," mahina niyang wika rito at pinalungkot ang mukha ng sa gano'n ay makumbinsi niya ito sa kanyang paliwanag. At least hindi sa part na 'yon ay nagsisinungaling siya. Sandali itong pinagaralan ang kanyang sagot at tumango. "Okay...you said so," iyon lang ang tanging naging tugon sa kanya. "Pero iyong natamo mong bala saan mo 'yon nakuha?" Alam niyang pinag-a-aralan nito ang reaction niya subalit susubukan ni Patrish ang maghabi ng palusot kahit imposible na maniwala ito lalo pa at alam niyang kalat sa hotel ang nangyari sa Mr. Matias na 'yon. "M-muntikan na akong ma holdup sa labas. Dito ako nag- chek in pagkagaling ng airport na-isipan ko lumabas ng hotel kagabi ito naman ang inabot ko," Tumango naman ito pero sandaling nagsalubong ang kilay at gumalaw ang panga. 'Saan kaya ito galit?' mahina niyang bulong subalit narinig pala nito kaya sandali siyang sinimangutan ng mukha. "Nextime mag-i-ingat ka," iyon lang ang tugon nito at tumayo patungo sa lamesa. Ngunit sabay silang napabaling nang tingin sa pinto ng mayroon kumatok. Dalawang katok ang narinig nila at bumukas ang pinto. Isang guwapong lalaki at tila manika sa ganda ang kasama nitong babae. May bitbit na isang bilog na chocolate cake at bouquet ng rose. Nakangiti sa kanya ang kasama nitong babae at lumapit sa kinahihigaan niya, ang lalaking kasama nito ay lumapit kay Theo, pagkalapag ng dala sa lamesa ay nagpalitan ng tapik sa balikat. Mayroon seryosong pinag-u-usapan at parehong nakatingin sa gawi nila ng kasama nitong babae. "Kumusta ang pakiramdam mo girl?" Palakaibigan nitong tanong. Ginantihan niya ito nang ngiti. Parang krimen kung hindi niya ito babatiin pabalik sa masaya nitong mukha. "Maayos naman po," ani pa ni Patrish dito. Humagikhik ito dahil siguro sa paggamit niya ng opo. "Magkasing edad lang tayo girl sa tingin ko, Marycole na lang.How about- you?Anong pangalan mo?" tanong nito sa kanya. "Queen," matipid niyang sagot. Pumalakpak ito na kanyang pinagtakhan. "Hmmp... Mukhang may nakabingwit na queen sa pilyong kaibigan ng aking asawa," natutuwa nitong sabi kaya napakagat si Patrish sa loob ng magkabila niyang pisngi. She feels the heat in her cheeks because of what she said. Napatingin siya sa kamay nito ng hawakan nito ang kanyang bakanteng kamay at marahang pinisil. "Minsan bonding tayo girl, kasama ng mga ibang maybahay ng kaibigan ng asawa ko. Masayang kasama ang mga 'yon," tuwang-tuwa nitong sabi. Subalit sumama ang mukha ng lapitan ng asawa. Napairap ito ng may tumikhim sa likuran. Ang Asawa nito ang nasa likuran. Si Theo naman ay lumapit sa kabila niyang side. May dalang baso. Gamot niya pala ang sinadya sa lamesa. "Baby naman may plano ka naman na gumimik," problemadong wika ng asawa nito. Umirap naman ito kaagad sa asawa. "Tsk! Bawal kayong sumama lakad naming mga babae ito. At don't you dare na bantyan kami kun'di sa labas ka matutulog!" Banta nito sa asawa. Narinig niyang napamura ang asawa nito at napahilot sa noo. Sumama ang tingin kay Theo dahil lihim na pinagtawanan ang kaibigan. "Tsk! Tawa ka d'yan Theong baka pag nilapitan ng mga lalaki itong magandang dilag ei, baka mamoroblema ka rin," wika nito kay Theo. "Teka lang hindi pa ako kilala ng magandang dilag na ito," Ani ulit nito at iniilahad ang kamay sa kan'ya ngunit sinamaan ng tingin ng binata. "Tang*ina! Assuming ang gago! Mapang angkin itong piloto," tawa nang tawa na wika nito. "Tss.. Nagsalita ang hindi," depensa nito sa asawa ni Marycole. Bumulong sa kanya si Marycole. "Masanay ka na sa magkakaibigan na 'yan mga baliw at maypagka sinto-sinto minsan. Pero I'm sure naman soon masasanay ka rin," hagikhik nito kaya natawa na rin si Patrish. "I have a secret to tell you," bulong nito at tumingin sa dalawang lalaki na nag-uusap sa mahabang upuan na laan para sa bisita ng ospital. "Alam mo ba kagabi daig pa ni Theo ang nanakawan ng isa sa mga private plane niya," ani nito. Kinunot niya ang noo dahil hindi maintindihan ang ibig sabihin nito. "Kung mayroon man ibang mahalaga sa lalaking 'yon aside sa mga kaibigan niya na parang kapatid kung sila ay magturingan ay iyon ang mga asawa n'yang eroplano," bungisngis nito. Ayaw sana ni Patrish na pangalanan ang paghanga na maagang sumibol sa puso niya ngunit hindi niya ito mapigilan. "Grabe kung makikita mo ang pag-a-alala niya noong gabi daig pa ang may manganganak na asawa. Halos kaladkarin ang asawa ko sa pagmamadali makarating lamang dito sa ospital dahil sa pagdedeliryo mo sa lagnat," tila kinikilig pa nitong kwento sa kanya. Gusto sana niyang magsalita subalit walang preno ito sa pagkwe-kwento. "Naku, sa susunod mag-iingat girl baka maagang tumanda sa pag-a-alala ang Theong na 'yon," wika pa nito. Nangingiti lang si Patrish sa kadaldalan nito. Laking pasalamat niya at hindi ito nag-usisa sa nangyari sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag. Natapos lang ang kadaldalan ng babae ng mag-yaya ng umuwi si Rowan. Ngunit bago umuwi ay mahigpit ang paalala sa kanya ni Marycole ang lakad nila kapag magaling na daw siya. Napangiwi siya sa idea paano makakalusot. Ayaw rin niyang sumama ang loob nito at mabait ang babae. Nang silang dalawa ang naiwan ay namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto. Nakaramdaman si Patrish ng panunubig kaya kahit nahihiya siyang magsabi kay Theo ay naglakas loob pa rin siya rito. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito na salubong ang kilay na nakatunghay sa cellphone. Binalingan naman agad siya nito ng tingin at mabilis na lumapit sa kanya. "Yes, baby?" tanong agad sa kanya. Napangiwi si Patrish bago masabi ang gustong sabihin sa binata. "Mag-magbabanyo ako," nakanguso niyang wika rito. Narinig niyang ngumisi ito. "Iyon lang pala ang problema mo baby," pilyo nitong ngiti sa kanya. Bigla siyang tumili ng walang babala na pinangko siya nito at ibinaba sa kama. Subalit humalakhak lang ang loko. "Masyado ka naman magugulatin baby. Binuhat pa lang kita niyan paano pa kaya kapag-" tinakpan niya ang bibig nito dahil alam niyang saan patungo ang kahalayan ng bunganga nito. Subalit talaga naman para-paraan ang binata at kinagat ng marahan ang daliri ni Patrish sa kamay sabay kindat pa nito sa kanyan. Dahil sa ginawa nito ay nagtaasan ang balahibo ni Patrish sa katawan. At lalong uminit ang kanyang pakiramdam dahil sa titig nito sa kanya. Narinig pa niyang ngumisi ito at tulala siyang inalalayan papasok sa loob ng banyo. "Next time hindi na lang daliri mo ang kakagatin ko-" Hinampas ni Patrish ito sa braso. "Sira-ulo!" At pumasok siya ng banyo na malakas ang t***k ng kan'yang puso."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD