CHAPTER FOUR

1211 Words
"Hello! Asan ka?" Tanong ni Theo sa kaibigan na si Rowan. Sa Parkview hotel siya tumuloy na Isa sa pagmamayari ng kaibigan na si Rowan. Ang balak sana niya ay gamitin ang private plane subalit skedyul niya ng araw na 'yon bilang piloto sa Cebu domestic flight. Isa sa pamilya ni Theo ay nag-mamay-ari ng airlines company ang Brezze Wind Airways alinsunod sa pangalan ng yumaong abuela. Paminsan- minsan nagsa-sideline siyang mag piloto kahit abala sa aviation business. Gusto niya ang pakiramdam pagnakaapak sa eroplano at nagpapalipad pakiramdam niya kaya niyang abutin ang ulap kapag nasa himpapawid siya. Ang lakad niya ngayon ay mayroon siyang katatagpuin na meeting. New investors ng kanilang airlines company. Tama naman at narito ang mag-asawang Martinez dito siya nag deritso. "Magkita na lang tayo sa restaurant dude tulog si misis," sagot agad nito sa kanya. Pagkarating niya ng hotel kaagad kumuha si Theo ng unit at inuna ang magpahinga. Nang magising niyaya ni Theo si Rowan na mag-dinner kasama ang misis nito. "Baka pinagod mo kaya maaga nakatulog," natatawa niyang sabi rito. "Gago!" Naging sagot lamang sa kanya. "F*ck! Narinig niyang pagmumura ni Rowan sa kabilang linya ng may narinig siyang ring ng landline sa suit nito. "What?! Anong nangyari dude?" Nabahala niyang usisa sa kaibigan. "Tsi-check ko dude.Tumawag ang receptionist may nakawan na nangyari sa isa sa VIP guest ng hotel," nababahala nitong sagot. Binaba kaagad ang phone. Siya naman ay dali-daling lumabas ng kwarto. Pinuntahan niya ang unit ng kaibigan subalit malayo pa siya ay namataan niya ito sa pinto ng hotel at nasa harapan ng isang matanda at maraming sugatan na lalaki. Nilapitan niya ang kaibigan. May kausap ito na pulis at tinitingnan ang anggulo sa nangyari. Bigatin pala ang guest na 'yon at sandamakmak ng tauhan or bodyguard. "So, paano Mr. Martinez babalik kami as soon as possible kapag nakuha na namin ang identity ng suspect," paalam ng tatlong imbestigador na police. "Thank you Sir," sagot ng kaibigan, kinamayan nito ang mga police bago umalis. Binalingan niya ang kaibigan. "Dude, sobrang ginalingan ng nanloob sa VIP guest at lahat may tama. Given pa, ayon sa CCTV mag-isa lang ang nasabing suspect at ito pa ha?! Mukhang babae ang tindig ng nanloob." Curious niyang sabi sa kaibagan. Napahilot ang kaibigan sa batok. "Naisip ko rin 'yan dude sa dami ng tauhan ng guest mukhang hindi lang pagnanakaw ang motibo," ani ng kaibigan sa kan'ya pero biglang naningkit ito ng mata na tumitig sa kanya. "Ang lakas sumagap ng balita!" Wika nito sa kanya na pareho silang natawa at ilang sandali ay muling naging seryoso. "Paano tuloy pa ba tayo?" sagot niya sa tanong ng kaibigan. "Bukas na siguro dude, a-alamin ko ang nangyari lalo pa at big-time ang guest," tinapik siya nito sa balikat at naghiwalay sila ng lakad. Papuntang restaurant si Theo nang maalalang hindi nadala ang wallet sa pagmamadali kanina. Ipinasya niyang bumalik sa kwarto subalit kumunot ang noo niya bakit bukas ang pinto. 'Sh*t! Nakalimutan ko bang isara ang pinto?' mahina niyang tanong sa sarili. 'Wala naman siguro maglalakas loob na pasukin itong okupadong kong kwarto? Dahil nanloob na sa iba,' biro pa niya sa sarili. Pasipol-sipol pa si Theo na itunulak ang nakaawang na pinto. At kaagad binuksan ang ilaw ng kanyang suit. Pahakbang na sana siya ng mapansin ang patak- patak na dugo sa sahig patungo sa Cr ng kanyang kwarto. "F-cking sh't!" Napamura niyang sabi. Akma niyang tatawagan ang kaibigan nang marinig ang mahinang ungol na nanggagaling sa banyo. 'Sh*t! Napasok ang suit niya,' mahina niyang sambit. Mabilis niyang ini-lock ang pinto at kaagad tinungo ang pinanggagalingan nang ungol. Pakiramdam niya tinatambol sa lakas ang t***k ng kanyang puso at may kaba na nararamdaman. Ngayon lang niya naranasan sa loob ng 32 years ng buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng sobra. Halos buong pwersa ang pagbukas ni Theo sa pinto ng Cr. "F*ck! I can't believe it?! Ang babae na sandaling gumulo sa isip niya ro'n sa airport. Totoo ba ito? Naglakbay ang mata niya sa kabuan nito subalit bigla lang napalis ng pagkagulat sa hitsura ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Theo bakit may sugat ito sa braso? Tama ba galing sa braso nito ang patak ng dugo? Nang matanto sa kanyang isip ang kalagayan ng dalaga ay mabilis na lumapit si Theo sa harapan ng dalaga at paluhod na umupo. Inayos ang sabog nitong buhok para lang mapaso sa init ng dalaga. 's**t inaapoy ito sa lagnat,' mahinang wika ni Theo. Mabilis ang kilos at walang salita na pinangko ni Theo ang dalaga Kahit maraming katanungan sa isipan kung sino ito at bakit ganito ang kalagayan? Wala sa hitsura nito na banta ng panganib kung pagbabasihan sa ganda nitong taglay. Pagkalapag sa kama ay napasulyap si Theo sa balikat nito na may tali. Tama ng baril? Saan niya nakuha ito? Mga katanungan sa isip ni Theo. Naghagilap siya ng p'wede bihisan ng babae sa kan'yang bagahe. Ngunit bago niya ito bihisan ng kanyang t-shirt ay pinunasan niya muna ito at nilinisan ang sugat sa balikat at itinali sa malinis niyang panyo. Ingat na ingat si Theo na hu'wag masagi ang sugat ng dalaga. Pakiramdam niya siya ang nasaktan dahil sa sa kalagayan ng dalaga. P'wedi pala mangyari 'yon kahit ngayon lang niya nakilala ito labis ang pag-a-alala niya rito. Nang matapos bihisan at linisan kinumutan niya ito at ang patak naman ng dugo sa sahig ang kanyang nilinis. Hindi maari na tumawag siya ng cleaner at mukhang may tinakasan ang babae. Nang matapos sa ginagawa ay sandali siyang lumabas upang bumili ng gamot at gauze bandage para sa sugat nito at upang humupa rin ang lagnat ng dalaga. Marahil sa tinamo nitong sugat kaya inaapoy ito ng lagnat. Kailangan nitong makainom ng painkillers at pampababa ng lagnat. "Damn! Bakit aligaga siya sa kalagayan ng babae e, malay niya na scammer ito at maisahan siya," ani ng kan'yang isip. 'Pero nagandahan ka Theong kaya kahit hindi mo kilala ay nagtiwala ka kaagad,' isinisigaw ng kabila niyang isip. Nang mabili ang kailangan ng babae ay mabilis siyang lumulan sa elevator. Mabuti na lamang at complete amenities ang hotel ng kaibagan kaya no need ng magbiyahe upang bumili ng gamot sa labas. Tama lang na bumukas ang pinto ng elevator ay malalaki ang hakbang patungo sa kanyang suit. Mahina siyang natawa sa sarili. Dinaig pa niya ang may-asawa na nag-a-antay kaya nagmamadali siyang makarating sa kwarto. Pagbalik niya ng kwarto mabilis siyang napatakbo sa kama sapagkat nangingining ito at patuloy na umuungol. Tarantang napahawak sa noo si Theo. 'Sh*t what can I do?' niyang sambit. Paano niya ito mapapainon ng gamot sa ganitong kalagayan. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang problemahin ang babae. Nilapag niya ang binili sa table at nilapitan ito. Grabe ang taas talaga ng lagnat nito. "M-mommy, D-daddy, d-don't l-leave me p-please," nangangatog ang labi na wika nito. Bumangon si Theo sa kama at pinatay pansamantala ang malakas na aircon. Muli niya itong nilapitan. Tamabi siya sa dalaga sa pagkakahiga nito. Para siyang na stroke pansamantala ng yumakap ito sa leeg niya at sumiksik. Hindi alam ni Theo kung ano ang nag-utos sa kanya upang gantihan ito ng yakap. Ayaw sana niyang samantalahin ang pagdedeliryo nito subalit hindi siya makawala sa yakap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD