Saktong paglabas ni Patrish Jhane galing airport ay mayroon taxi na dumaan at huminto sa kanyang harapan. Kinatok niya ito sa bintana at kinausap ang taxi driver.
"Kuya alam nyo po ang Parkview hotel?" Tanong niya sa may katandaan na driver.
"Oho, Ma'am, mga kulang isang oras ang biyahe natin patungo ro'n. Okay lang ho bang mataas ang pamasahe? Medyo malayo layo ho kasi Ma'am ang lugar na 'yon," naninguradong sagot ng taxi driver. Gusto sana niyang tawanan ito, baka dahil iniisip na hindi niya kayang magbayad ng mataas na pamasahe kaya naninigurado kaagad ito.
"Ayos lang ho Manong kahit magkano babayaran ko po," wika niya rito. Nakahinga ng maluwag si Patrish ng mabilis nitong buksan ang upuan sa likuran..
Mabilis na sumakay si Patrish sa passenger seat. Samu't saring emosyon ang namamahay sa kanyang dibdib nasa isip niya sa oras na 'yon ang mga planong gagawin sa kriminal na 'yon.
Natigil lang siya sa pag-iisip ng mamangha sa bawat establishment na nadadaanan hindi papatalo sa ganda ang lugar ng Cebu. Nang mainip sa katitingin ng nagtatayugang building ay sa driver naman siya nakipag usap.
"Manong? Malakas naman po ba ang kitaan sa ganitong trabaho?" tanong niya rito. Tumingin ito sa sideview mirror bago sumagot sa kanya at kahit kausap siya ay focus pa rin ang tingin sa kalsada.
"Okay naman Ma'am, may time lang talaga na mahina pero pagmaswerte naman kami sa galanteng pasahero ay tiba-tiba rin naman," magalang na sagot nito. Mabuti nalamang at nagkakaintindihan sila sa salitang Tagalog. Sinubukan lang ni Patrish na tanungin ito kanina. Laking pasalamat niya at hindi siya mauubusan ng baong salitang Cebuano baka sumakit ang ulo niya.
Marami silang napagkwentuhan mula sa apat nitong anak. Napahanga siya sa sipag nito. May dalawa ng napatapos sa koleyiho parehong teacher at isang kasalukuyang collage at grade school. Pagkatapos nito mag kwento siya naman ay pahapyaw na idinaldal ang buhay na mayroon siya maliban syempre sa pagiging secret agent niya.
"Naku h'wag ho kayong malungkot ma'am sure po ako kung nasaan man ngayon ang 'yong magulang ay binabantayan ka at proud siya sayo," pagpapalakas loob nito sa malungkot niyang kwento. Sabi pa nito lahat ng nangyayari sa buhay ay may dahilan ngunit minsan ang dahilang 'yon ay siyang mahirap tanggapin lalo't kung tungkol ito sa mga mahal mo sa buhay.
"Ito na pala ma'am ang hinahanap n'yong lugar," wika nito ng nasa tapat na sila ng nasabing hotel. Na impressed siya, akalain mo, bigatin ang hudas at sa mamahaling hotel ito naka-check in. Sino naman kaya ang nabiktima nito kaya nagkamal ng limpak-limpak na salapi.
Bumaba siya ng sasakyan pagkatapos suyudin nang tingin ang nasabing hotel. Tuwang-tuwa ang driver ng abutan niya ng dalawang libo. "Keep the change Manong," wika niya rito.
"Naku pagpalain ka Ma'am sana makita mo ang hinahanap mo ngayon," masayang sagot nito. Hindi niya na kwento ang tutuong pakay kaya ang akala ng taxi driver basta lang mayroon siyang hinahanap.
Napabuga ng hanging si Patrish ng nasa tapat na siya ng pinto ng hotel wala sa hinagap na malaki pala ito.
"So talagang big-time ang animal na 'yon. Pero sisiguraduhin ko na paglalamayan ito ngayon gabi!"
Paghila ni Patrish Jhane sa sliding door ay inihanda niya kaagad ang matamis na ngiti at lumapit sa reception ng hotel.
"Good afternoon Ma'am, welcome to Cebu Parkview hotel," mainit na pagbati ng babaeng receptionist.
"...Give me one room miss," matipid niyang sabi rito. Nagtipa ito sa computer at ng matapos ay muling tumingin sa kanya.
"Okay Ma'am. Room 204 po and here's the key," nakangiting wika nito sa kanya.
"Thank you," sagot niya rito.Tinawag nito ang bellboy sa intercom upang samahan siya sa nakuha n'yang kwarto.
Pagkahatid sa kan'ya ng bellboy ay nagpahinga sandali si Patrish. Kailangan niyang mag-ingat sa hakbang na gagawin. Sa gabi niya isasagawa ang plano.
Naisipan niya muna maghapunan dahil malapit narin ang alas-sais ng gabi. Ipinasya ni Patrish sa restaurant ng hotel kumain ng sa gano'n mapag-aralan ang bawat daanan.
Palinga linga siya kung nasaan ang restaurant may napagtanungan siya Isa sa kanyang nasalubong. Malapit lang pala sa kinaroroonan ng kanyang kwarto. Nang makita niya ng malapitan namangha siya sa ganda ng ambience. Talagang big time ang hudas dahil kung iisipin kayamanan kung ituturing ang isang gabing rate ng Isang kwarto.
Naghanap siya ng medyo tago na table. Pagkaupo may lumapit kaagad na waitress at kinuha ang kan'yang order. Half rice at karikari ang inorder niya at isang chocolate sundae. Pangtanggal niya ito ng lungkot dahil sa tuwing kakian siya ng chocolate sundae naalala niya ang masasayang araw pag namamasyal silang buong mag-anak sa mall.
Habang nag-a-antay ng order nag-init ang ulo ni Patrish dahil sa isang matandang lalaki na panay pa cute sa kanya. Anong akala nito naghahanap siya ng lovelife? Aba't lumapit pa talaga ang matandang hukluban na ito!" Irap niya.
"Hi miss, are you alone?" Tumingin siya sa mga nakapaligid kung mapapansin ba silang dalawa.
Umupo ang lalaki sa harap niya at ngumiti sa kanya. Like duh! Hindi siya mapanglait na tao pero ngayon lalaitin na niya ito as if naman na papatulan niya ang matandang panot na ito.
"Yes I'm really alone. You saw naman that I didn't have anyone with me! At dapat lang na lumayas ka sa harapan ko dahil sa lahat ng ayaw ko ay iniistorbo ang pananahimik ko!"
"Really even if I pay you a lot? Magkano ba ang isang gabi mo?" Mayabang nitong sagot sa kan'ya. Tinaasan ito ng kilay ni Patrish. Aba't ang panot na ito napagkamalan pa siyang pick-up girl!
"Marunong ka ba makaintindi ng salitang tahimik?! Lumayas ka ngayon din sa harapan ko bago ko basagin ang kumakati mong pagkalalak*!" Mariin niyang sabi habang salubong ang kilay na nakatitig dito. Humalakhak ito na akala mo nakikipag biruan siya rito.
"Really? Kaya mo?!" Naghahamon nitong sagot sa kan'ya.
Mariin siyang napapikit at sa isang iglap ay pinilipit ni Patrish ang kamay nito habang tinadyakan naman ang gitna nito. Namilipit ito sa sakit at panay ang malutong na mura.
"I told you! Gusto ko ng privacy pero makulit ka kaya pinagbigyan ko lang ang gusto mo!"
"F"ck you kang babae ka! Pagbabayaran mo 'to!" Banta pa nito sa kanya.
"Mag-a-antay ako matandang manyakis!" Bulong niya rito at kumuha ng pera sa wallet at basta na lang niya iniwan sa lamesa. Ang malas talaga ng araw na ito kanina sa airport ngayon isang pesteng panot ang nakasira sa gabi niya.
Bumalik sa kanyang suit si Patrish Jhane at hindi na lang kumain. Maghahanda na lamang siya para mamaya sa pagpasok sa suit ng target niya. Madali lang sa kagaya niya ang pasukin ang nasabing kwarto at sanay silang magbukas ng pinto kahit wala silang gamit na susi.
Suot ang isang itim na leggings at itim na long sleeve ngunit hapit sa kanyang katawan at ang mahabang unat na buhok ay pataas niya itong tinalian. Suot ang isang itim na bonnet ay naghanda si Patrish na lumabas ng kwarto.
Saktong hating-gabi ay maingat siyang lumabas ng kanyang suit. Ang kanyang backpack ay iniwanan niya sa kanyang suit ngunit ang mga ginamit niya kanina sa casa ay inilagay na niya sa basurahan at tama naman na mayroon kumuha na cleaner.
Bawat kwarto ay tinitingnan ang number. "Yes," bulong ni Patrish ng mahanap ang sadya. Dahan-dahan ang ginawang pagpihit sa pinto gamit ang card na laging dala-dala ay nabuksan niya ang lock ng pinto.
Maingat ang hakbang patungo sa pinakasala ng kwarto. "F*ck! Bakit maraming bodyguard ang hudas na ito. May sampung katao ang nakabantay ngunit mukhang masarap ang tulog ng mga lalaki.
Dahan-dahan si Patrish na humakbang patungo sa pinaka kwarto. Big time ang gago at presidential suit ang kwarto.
Nakapasok agad ni Patrish sa kwarto at presto naghihilik ang lalaki. . Mukhang manyakis din at may katabing dalawang babae.
"Tsk!Tsk! Ani ng kan'yang isip.
Habang papalapit siya rito nakita niya ang tattoo ng lalaki. Nagsibalik sa ala-ala niya no'ng gabing pinaslang ang pamilya. Hindi napaghandaan ni Patrish ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Sh*t bakit ngayon pa!" Malakas na buntong-hininga ang ginawa ni Patrish ng sa gano'n ay mawala ang sakit sa diddib.
"Tudas ka ngayon--!" Subalit hindi pa natatapos ni Patrish ang sasabihin dahil nagmulat ng mata ang lalaki.
Maliksi itong bumangon at tanging boxer briefs ang suot at ang dalawang katabing babae ay naghagilap sa pantakip sa walang saplot na katawan.
"Sino ka?! Bakit nakapasok ka sa suit ko?!" Malakas nitong tanong. Bago niya ito sagutin ay sumenyas siya sa mga babae na lumabas ng kwarto at 'wag ng bumalik.
"Ako lang naman ang magdadala sa'yo sa imperno!" Madilim ang mukha na sagot ni Patrish sa lalaki.
Humalakhak ito na parang isang damunyo. Kulang na lang tubuan ito ng sungay sa pagkatao nito na walang kaluluwa.
"Baka naman langit ang sinasabi mo? Gusto mo maglaro tayo at panigurado langit ang mapupuntahan natin dalawa," ngisi nito sa kanya.
"Yuck!" Sagot ni Patrish at kinilabutan sa pinagsasabi nito. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito.
"Mukha naman maliit 'yang sa'yo tanda! Panigurado kasing laki lang 'yan ng sitaw," pang-aasar niyang sagot dito. Namula ito sa galit dahil sa kanyang sinabi kaya napangisi siya.
"So totoo nga kawawa ka naman pala mabuti nasarapan ang dalawang babae sa maliit mong sitaw!" Muli niyang panggagalit dito.
Galit itong sumugod sa kanya at naglaban sila. "F*ck! Mukhang may ibubuga rin ito sa mano manong labanan. Ngunit siya si Queen ang badass pangdating sa labanan kaya hindi siya papatalo rito.
Pinaulanan niya ito ng suntok ngunit pareho nilang naiilagan. Dahil umiinit na ang ulo niya sa amoy nitong nakadikit sa kanya ay isang malakas na tadyak ang pinatikim niya sa panga nito kaya sandali itong napaatras. Muli niyang sinugod ng sunod-sunod na suntok sa mukha at tiyan palitan ang kanyang patama. Sumadsad ito sa gilid ng lamesa at may inabot na tila remote.
"F*ck! May alarm itong pinindot at naramdaman n'yang malalaking hakbang ang patungo sa kinaroroonan nila.
"Damn!" Malutong na pagmumura ni Patrish Jhane ngunit nginisihan siya ng lalaki.
"Tingnan ko lang kung saan ang tapang mong babae ka!" Galit nitong sabi at muling tumayo.
Inihanda ni Patrish ang sarili at kinapa ang maliit na knife na palaging dala-dala. Mabilis niya itong sinugod at nadaplisan niya ito sa balikat. Subalit mabilis ang lalaki nahugot nito ang baril at binaril siya nito nailagan ni Patrish Jhane ngunit dumaplis ito sa kanyang balikat. Napalingon siya ng magsidating ang mga lalaking bantay sa labas.
"F*cking sh*t!" wika ni Patrish Jhane at hinugot ang silencer gun at isa-isang inasinta sa magkabilang paa ang mga lalaki, sapol lahat kaya lalong naulol sa galit ang hudas na hukluban. Mayroon itong tinawagan kaya dali-dali umatras si Patrish Jhane ngunit bago siya umalis ay pinaputukan niya ito, dahil nakailag sa braso nito natamaan ngunit sa katulad niyang mautak pangalawa niyang pinuntirya ang hita nito. Napaigik ito sa sakit. At nagmumura sa kausap na bilisang dumating.
Siya naman ay mabilis nang lumabas ng suit habang hawak ang balikat na may tama ng bala. "s**t! Naisahan siya ng matanda iyon."
Ayaw niyang masundan ng mga lalaki kaya naghanap siya ng banyo hindi siya babalik sa suit at delikado. Nang makakita agad niyang hinubad ang damit at bonnet sa ulo inayos ang sarili. May doble siyang itim na sando at skinny jeans sa loob ng suot na damit. Pinunit niya ang long sleeve at itinali sa kanyang sugat sa balikat, kailangan niyang matanggal ang bala ng sa gano'n ay matigil ang pagdurugo.
Bago lumakad palabas ay sumilip muna siya kung nasundan siya. Pagdating sa hallway ay maraming nagkakagulong tao. Damn! Nararamdaman niya ang nanunuot na sakit. Mukhang malalim ang baon ng bala.
Kunwari siyang nakikinig sa usapan. Grabe pinasok ang kwarto ni Mr. Matias mabuti dumating ang mga tauhan kaya isinugod sa ospital. Pero sino kaya ang matapang na lumuob sa kwarto nila. Ayon kay Mr. Matias pagnanakaw ang motibo.
Palabas na sana siya ng pinto ng mayroong papasok na mga men in black
"F*cking sh*t I'm in trouble!" mabilis siyang umatras at naghanap ng P'wedi pagtaguan subalit lahat ng hallway may mga lalaking men in black.
Umakyat siya sa second floor. Naghanap ng kwarto bawat isa ay pinihit kong mabubuksan niya ito. Subalit dahil kulang siya sa oras muli siyang naghanap sakto sa huling pangalawang kwarto ay hindi naka- lock. Bahala na basta makatakas siya sa gagong iyon sa susunod na pag atake niya sisiguraduhin niyang matutudas na ito.