"Move!" mahinang utos ni Patrish Jhane aka Queen sa apat pang babae na kasama sa misyong iyon. Isang casa ang nilusob nila at mga babaeng minor de edad ang kilangan nilang iligtas. Ibinibenta ito sa mga Malibog at manyakis na parokyano na tanging hanap ay panandaliang aliw. Naunang umakyat sa mataas na pader ang mga kasamang si speed, Jade at Ruby. Suot nila ang overall na itim na damit na hakab sa sexy nilang katawan tanging mga mata lang ang makikita.
Ganito sila pagsasabak sa kani-kanilang misyon iwas pagka kilanlan upang makakilos pa rin sila ng normal gaya sa ibang tao.
Bawat isa ay maypag-iingat na mamataan sila ng mga bantay sa paligid.
Gamit ang kamay ay mahinang senyas sa mga kasama ni Patrish na sila lang mga agent ang tanging nakakaalam.
"Isa sa kaliwa at apat sa taas, sa kanan ay sampu mag-iingat mga partner!" mahina ngunit may awtoridad sa boses ni Patrish na senyas sa mga kasama at sabay-sabay silang lima na umatake sa mga armadong nakapalibot ng gate.
"Sapphire! Dapa!" malakas na sigaw ni Patrish ng hindi mapansin ng babae ang biglang lumitaw na armadong lalaki sa likod nito. Mabuti na lamang at nakita niya at naunang paulanan ito ng bala.
"Are you okay?" tanong niya sa dalaga. Alam n'yang nakangiti ito sa likod ng nakatakip sa mukha
"Thank you, i owe you a lot queen," sagot nito. Isang tango lang ang naging tugon niya.
"Walang anuman, what a friends are for? Ika nga sa kasabihan. Isa tayong team at halos kapatid ang turingan kaya dapat lang na magmalaskit sa bawat isa," tapik niya sa balikat nito.
Nang makita nila na may papalapit na kalaban ay magkasabay na pinaputukan. Nakita nilang nakaakyat na at tumalon ang tatlong kaibigan sa mataas na pader sila naman ang bahala sa mga natitira pang mga armado sa labas ng gate.
Saktong naubos ang mga kalaban sa labas ay binuksan ni Ruby ang malaking bakal na gate at mabilis nila itong tinakbo upang makapasok sa loob. Bawat makakasalubong ay pinauulanan sila ng bala ngunit sa katulad nila na sanay sa ganitong laban ay nakipagsabayan ang limang dalaga.
"Ikaw Sapphire samahan mo si Ruby at Speed na umakyat. Pasukin n'yo ang bawat kwarto sa taas." Utos niya sa dalawang kasama kaagad pinuntahan ang hagdan.
"Jade maiwan tayo rito sa baba! Ingat ladies. F*ck!"
Malutong na pagmumura ni Patrish dahil biglang naging battalion ang nagpapaulan ng bala sa kanila ni Jade
"Ang granada bilis!" sigaw niya sa kaibigan.
Maliksi naman ang kilos nito at hinagisan ang nagkukumpulan na mga ugok na lalaki. Habang siya ay patuloy na niraratrat ang mga hukluban na kalaban.
"Seriously?! Hindi ba kayo mauubos?!" Pikon na wika ni Patrish dahil mayroon ulit bente katao ang lumusob sa kanila ngunit sinabayan nila ng kaibigan ang mga hangal na lalaki. Naningkit ang mata na inasinta ang mga kalaban.
"Ayaw n'yo talaga magsisuko ha!" Isa- Isa niyang hinagisan ng granada ang mga hukluban, "Yes." napasigaw pa siya sa hangin dahil tsugi agad ang kalaban nag apir pa silang magkaibigan at tinakbo ang second floor kung saan umakyat ang tatlo pa nilang kasama.
"Sh*t," nasa hagdanan pa lamang sila ay umuulan na ng bala. "F*ck!Damn! Ang kulit nyo ha!" Tumingin siya sa kaibigan at pagkatapos sabay na hinugot ang Isa pang baril na nasa baywang at magkasabay na pinaulanan ng bala ang may sampung nakaharang sa kanilang daraanan.
"Rest in peace mga satanas!" mariin n'yang bulong at binalingan nang tingin ang kaibigan.
"Jade bilis!" Sigaw niya sa kaibigan at tinakbo ang tiyak na kinaroroonan na kwarto ng biktima. Isa- Isa nilang sinilip kung nasaan na sila Ruby kung bakit hindi kaagad nakabalik sa baba.
"Punyemas!" Kayong salot sa lipunan. Nangangalit ang bagang na wika niya. Kaya pala hindi makakilos ang mga kaibigan at mayroon apat na lalaki, bihag tig-iisa ang mga babae. Habang sa kabilang kama ay may bantay ang may sampung babae na nakatutok ang baril sa mga ulo. Kung hindi siya nagkakamali si Speed ay sapo ang baywang na may tama ng baril at si Sapphire ay may nakatutok na baril sa ulo.
"F*cking sh*t! Pinaiinit n'yo ang dimples ko." Mariin niyang sabi.
Napatingin siya sa isang lalaking humalakhak na kampanteng nakaupo sa upuan.
"Ang lakas ng loob n'yo ladies! Kayo lang ang naglakas loob na pasukin ang negosyo ko! Ngayon magdasal na kayo dahil hindi na kayo makakalabas ng buhay rito!" Malakas na halakhak nito na parang si damunyo.
"Patakasin nyo kami rito kung ayaw n'yo matudas 'yang mga babae at maubusan ng dugo ang kasama n'yo! Kayo rin malapit na iyan maubusan ng dugo!" malakas na wika nito.
Mariing napapikit si Patrish. Ngunit lihim niyang binuksan ang relong suot. Isa itong tracking device na kung saan naka connect sa boos Chinito nila at sa superior nilang si Sir Ocampo.
"Sige tumakas na kayo," pagpayag niya dahan-dahan na kumilos ang pinuno at mga kasama nito ngunit tangay pa rin ang apat na babae. Tumango siya kay Jade, Speed at Sapphire at sumenyas ng bilang sabay hugot sa nakasoksok na knife sa kani-kanilang boots at sapol at tatlong lalaki na nakatikod sa kanila palabas ng pinto kaya nabitawan ang mga hostage na babae at 'yon ang sinamantala nila kaagad pinaputukan ang mga lalaki.
Nang akmang bubunot ang pinuno ng gropo ay mabilis ang kilos ni Patrish na binaril ito sa kamay at mabilis na nilapitan.
"Mga hudas tatakasan mo pa kami!" Namilipit ito sa sakit at panay ang mura ngunit pinusana agad nito ni Patrish Jhane. Nagliliyab ang mata na tumingin sa kanya.
"Magbabayad ka babae tandaan mo 'yan!" Subalit hindi ito pinagtuunan ng pansin ng dalaga.
Sabay-sabay silang lumingon ng humahangos ang boss Chinito papalapit sa kanila, madilim ang mukha. Nakakatakot ang tingin nito na agad nilapitan si Speed at walang salita na pinangko pababa ng hagdan. Habang sila naman ay nakasunod pababa ng hagdan. Ang pinuno ng casa ay pakaladkad na hila ng superior nila.
"Men move! Doble time! Ano mang oras sasabog ang casa na ito!"
Tama lang nakaalis ang sasakyan nila ay sumabog ito. Nakadama ng ginhawa si Patrish dahil muli silang nagtagumpay.
"Queen deretso raw tayo sa mansyon ni boss chinito si Sir Ocampo na raw ang bahala sa mga nadakip na kriminal at sa mga babaeng na-rescue Wika ni Sapphire.
"Paano si Speed hindi na natin pupuntahan?" Nag-alala n'yang tanong. Tinaasan siya ng kilay ni Sapphire.
"Tsk as if hindi mo pa alam na itataya ni boss Chinito ang buhay sa kaibigan natin kaya wag ka ng magalala," sagot nito sa kanya.
"Magpahinga na lang tayo pagdating do'n sa mansyon ni boss at bukas mag-shopping tayo dahil malaking bonus ang matatanggap natin," muli nitong sabi sa kanya. Kumunot ang noo niya ng tahimik sa tabi si Jade. Nilingon niya si ito at tila malalim ang iniisip.
"What's wrong?" Tanong niya rito. Nag-iwas ito nang tingin bago sumagot.
"Napagod lang siguro sa bakbakan," Mahina nitong sabi. Pinag-aralan niya ang mukha nito alam nila pare-pareho kung nagsasabi ng totoo ang isang tao dahil kasama sa training nila kaya matagal ang titig niya sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.
"Don't make fall in love with him. You know naman simulat sapol kanino in love si bossing," wika niya rito at marahan pinisil sa kamay.
"Alam ko ang sakit kung kapag nasaktan! Kaya better habang maaga pa putulin mo na dahil ikaw rin ang mahihirapan," malasakit na bilin niya rito.
Napakagat ito sa labi. "Paano mo nasasabi ang gano'n kung alam ko na NBSB ka pa? Am, wait parang kilala ko ito,"
Umiling siya. "Naku! Wala tsismosa mo! Erap niya rito,"
"Asus ang galing mo mangaral pero sariling damdamin hindi mapigilan. Totoo diba?" Halakhak nito.
Nanahimik na lamang si Patrish Jhane sa tinuran ng kaibigan. Nasapol kasi ang kaibuturan ng kanyang puso.
Lihim siyang may pagtingin sa superior nila. Subalit mayroon na itong iniibig subalit hindi nila alam kung sinong babae dahil masyadong malihim ang binatang superior sino ba ang hindi hahanga rito. Mabait at matulungin h'wag ng idagdag ang ka pogian nito.
Natigil lang ang pag-iisip niya ng mag-vibrate ang cellphone sa kanyang bulsa. Hinugot niya to at sinilip ang nagpadala ng mensahe. Nanlaki ang mata niya ng mabasa ang nakasulat.
Mabilis niyang pinara ang sasakyan ng kapawa nilang agent lalaki ito ang nagmamaneho.
"Kuya dito na lang ako! May emergency lang," wika niya rito. Mabuti at ilang lakad na lang at kita niya ang isang hindi kalakihan na mall. Mag-u-usisa sana ang kaibigan ngunit tiningnan niya ng babala.
Alam ng mga kaibigan niya na mayroon siyang lihim na kinuhang naghahanap sa mga taong pumatay sa kanyang pamilya.
"Sa wakas mahuhuli rin kita!" Madlilim ang mukha na bulong niya habang naglalakad patungo sa mall.
Binasa niya muli ang nakasulat na mensahe. Nasa Cebu ang lalaking mastermind sa pagpatay ng kanyang magulang ayon sa private investigator. Binigay nito ang complete address.
Bitbit ang backpack na palaging nilang dala. laman ito ng kanilang bihisan gano'n sila. Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanya dahil naman nakasuot siya ng itim na damit at overall pa.
Pagkapasok sa mall naghanap siya ng Cr. Pagkakita mabilis na nagbihis at naghanap ng travel agency na p'wede mabilhan ng ticket.
Maswerteng nakakuha siya kaagad at mabilis na lumabas ng mall at naghanap ng taxing masasakyan. Mamayang gabi raw darating ang lalaking may atraso sa pamilya niya. May kaya pala ito sa buhay pero ang kapal ng mukha nagpapakasasa sa pera nilang nilimas ng mga kriminal na 'yon.
Pagsisihan n'yo na hindi n'yo inalam na maynatitira pang anak ang pinaslang n'yo. Ako mismo ang magpaparusa sa mga kawalang hiyaan n'yo. Magbabayad kayo! Ani niya na kuyom ang kamao.
"Ma'am saan po tayo?" Tanong ng driver sa sobra n'yang lutang nakalimutan niyang sabihan kung saan ang punta niya.
"Sorry Manong sa airport po tayo," Tmtugon niya rito.
Dahil walang masyadong traffic mabilis narating ni Patrish ang airport. Binigyan niya ng buong limang daan ang matandang driver kaya tuwang tuwa ito. Bago siya bumaba ng sasakyan nagpadala siya nang mensahe sa boss chinito na hindi nakasama sa tatlong agent sa bahay nito. Pagka send ay ipinasok agad sa bag at bumaba ng taxi.
Humugot siya ng malalim tsaka lumakad upang mag check in ng ticket na hawak hanggang nag-antay ng boarding sa eroplano. Nang nakasakay na siya ay saglit n'yang ipinikit ang mata at hindi nagtagal ay nag-anunsyo ang flight attendant na ano mang sandali ay lalapag na ang sinasakyan eroplano. Napabuga siya ng hangin ng oras na ang pagbaba. Isang skinny jeans at crop top katerno ng 2 inches na sapatos kaya nag mukha siyang matangkad habang naka chin-up na lumakad palabas ng sinakyang eroplano.
"F*ck! Tanging narinig niya. Sumobsob siya sa dibdib ng isang lalaki. "Sh*t bakit ang bango niya," ani ng isip.
"Ang tanga mo Patrish hindi tumitingin sa daraanan kaya natisod ka tuloy,"
"Sh*tty---" tanging nasambit niya ng maisip ang nangyari at mabuti na lang may yumakap sa kanya. Pero bakit gano'n ang lakas ng kabog ng puso niya sa mahigpit na hawak sa magkabila niyang baywang.
Unti-unti siyang umangat ng tingin at napalunok sa matiim na titig nito. Sandali siyang parang naparalisa sa matiim na titig nito, nakaka panghina ng tuhod at ang nanahimik niyang puso ay kay lakas ng t***k nito.
"Alam ko na guwapo ako sabi ng mga ex ko," pilyo nitong sabi habang naaliw ang mapungay na matang nakatitig sa buo niyang mukha.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa posisyon nilang 'yon nasa pinto sila ng eroplano at nakayakap ang lalaki sa kanyang habang siya ay nagpapantasya sa gandang lalaki nito.
Kunwari siyang nagalit. "Bastos! Manyakis!" At kaagad bumitaw dito. Ang init ng mukha niya dahil may naramdaman na malaking nakaumbok at tila nagtaasan ang kan'yang balahibo.
Mahina itong tumawa. "At nagustuhan mo naman!" Lumapit ito para lang sabihin ang gano'n sa kanya.
"Kapal your face!" Masamang tingin niya rito. "Ang pangit mo!" At mabilis na iniwan ito, f*ck, bakit kasi natulala siya rito ngayon pa talaga na may hinahabol siyang tao.
"Ingat baby see you soon!" Kaya saglit siyang napatigil at nag-dirty sign sa lalaki. Subalit halakhak lang ang naging sagot sa kanya.
"I like you palaban miss, I'm sure palaban ka rin sa--" hindi niya pinatapos ang sinasabi nito, mabilis ang kilos na lumapit rito at isang malakas na sampal ang pinadapo sa pisngi nito.
"Sa susunod na magkrus ang landas natin bayag mo na ang sapol sa tuhod ko!" Salubong ang kilay na wika niya rito. Umarte ito na hinawakan ang balls. Ang bastos talaga ng lalaki 'to masyadong feelingero.
"Baby naman kawawa naman 'to walang pang lahing nabuo gusto mo agad mabaog 'to," aliw na sagot sa kanya. Sinamaan niya agad ng tingin dahil sa walang preno nitong bunganga.
"Hambog!" at walang lingon na umatras patalikod. Nagmamadali siya hindi na siya nakipagtalo rito. At iniwan ang lalaki na narinig pa niya ang mahina ngisi at may kasamang sipol.
"Theo, baby! See you soon...