"Ang taas naman hindi ko maabot," bulong ni Patrish na abala sa pag pupunas ng mga display sa estante ng hapon na iyon. Tumingin-tingin si Patrish kung mayroon siyang puwedeng magamit ngunit wala siyang makita sa paligid. Mabuti na lamang at mayroong dumating na mga boy na naghahakot ng kahon patungo ng bodega sa likuran kaya nilapitan ito ni Patrish. "Kuya Art pahiram naman ng ladder kung alam mo kung saan nakalagay hindi ko maabot ang nililinis sa taas," aniya ni Patrish dito at itinuro ang tinutukoy na estante. Kaibigan ni Patrish si Kuya Art dahil likas sa matandang lalaki ang pala ngiti kung may bagong pasok sa grocery store. "Sige ganda ipasok ko lang ito sa likod pagbalik ko isasabay ko na," nakangiti nitong sagot sa kanya. Lahat ng kabiruan ni Patrish sa grocery na iyon ay gan