"H -hindi ako sa Marikina u-uwi," ani ni Patrish sa nakangiting nagmamaneho na si Theo. Mula kanina ng tanggapin ni Patrish ang pagmamahal nito ay hindi na mapuknat ang ngiti na nakalarawan sa labi nito. Susulyapan siya nito ng tingin at muli rin naman ibabalik ang mata sa daan. "May pupuntahan pa ba tayo baby?" tanong nito. "Saan naman?" mabilis na sagot ni Patrish sa binata. "Walang celebration?" tamad nitong sagot sa kan'ya. "Uwi na lang tayo sa bago kung inuupahan at gusto kong maagang matulog," sagot naman agad ni Patrish sa binata. "Okay boss," sagot na lamang nito sa kan'ya. "May maliit akong kinuha na kwarto malapit dito ng sa gano'n hindi ako mahirapan sa pagpasok. Lalo na kung traffic sobrang nakakapagod umuwi," anang ni Patrish sa binata. Tamango naman ito sa kan'ya at