Natuwa siya nang tanggapin ni Esha ang alok niyang ipasyal niya ito sa bayan nila. At least makakasama pa niya ito at mas makikilala, marami pa siyang hindi alam sa dalaga kaya nagugulat siya rito pag may nakikita siyang bago o kakaiba sa dalaga. "Magbibihis lang ako,' saad ni Esha na nasa tinig pa rin ang inis sa kanya. Tumango naman siya rito. Dinampot ni Esha ang salamin nito sa mata, ganoon pa man wala siyang nakitang nagbago sa magandang mukha ng dalaga. Hot palang tignan ang isang babaeng nakasalamin at sexy ang pananamit. "Baka pwede mo ng ibalik sa akin iyang roba at towel ko," saad pa nito. "Ah.. Yeah, yeah," he answered at iniabot ng maayos kay Esha ang roba nito. Inis naman nitong hinila sa kanya ang roba na agad nitong sinuot para ibalot ang maganda nitong katawan. Kahit