Hindi niya magawang kumurap habang titig na titig kay Esha na nakatayo sa may tabi ng swimming wearing her one piece swimwear. Yes, naka one piece na panligo lang si Esha na nasa harapan niya ngayon. Pakiramdam niya once na kumurap siya mawawala ang magandang babaing nasa harapan niya ngayon. Hindi nga siya sigurado kung si Esha nga ba ang babaing nakikita niya, napakalayo kasi ng itsura nito sa kilala niyang Esha. "Esha, Grey is here. He wants to talk to you," magiliw na anunsyo ng Mommy ni Esha. So, si Esha nga ang babaing nasa harapan niya ngayon. Nakita niyang nanlaki rin ang mga mata ni Esha nang makita siya, halata niyang nataranta ang dalaga sa pagdating niya. Ganoon din naman ang naramdaman niya nang makita ang ibang version ni Esha. Hindi na rin niya pinalampas ang pagkakatao