bc

Grey Saavedra, My Stranger Husband

book_age18+
1.7K
FOLLOW
20.6K
READ
billionaire
HE
opposites attract
arranged marriage
dominant
badboy
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

"I know we both want this to stop. Sila-sila lang naman ang masaya sa kasalang ito eh. Sila lang din naman ang nag desisyon para sa atin. So, why not isa sa atin ang tumutol," litanya nito sa kanya.

"Bakit hindi mo kaya?' She asked him.

"Hindi ko kayang mawala sa akin ang mana ko,' mabilis nitong tugon sa kanya.

"Mana?" Ulit niya sa sinabi nito sa kanya. Tumango ito sa kanya at tinapos na ang paninigarilyo nito na halos nakalahati naman nito. Tinapon nito ang sigarilyo sa damuhan at inapakan iyon.

"Hindi ako pwedeng tumanggi dahil aalisan ako ni Papa ng mana. Hindi naman pwede iyon. Walang Saavedra na mahirap. Lahat ng Saavedra successful sa buhay. Kaya hindi ako pwedeng mawalan ng mana kay Papa," litanya nito sa kanya.

Hindi siya nakakibo habang nakatingin kay Grey. Parang ang babaw kasi ng dahilan nito para pakasalan siya. Dahil lang sa takot itong mawalan ng mana at maghirap. Ganoon lang ba ang worth niya?

"Esha, much better na ikaw na ang tumanggi. Sabihin mong hindi ako lalaking para sa iyo. As you can see, magka iba tayo,' Grey also said.

"Magka iba?' Ulit na naman niya sa sinabi ni Grey. Wala na yata siyang masabi kaya inuulit na lang niya ang mga sinasabi nito.

"Yes, we are different. I am living in a present, and it seems you are living in the past, Esha," Grey said.

Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang tingin sa kanya ni Grey. Ngayon lang sila nito nagkita pero kung anu-ano na ang sinasabi nito sa kanya. Kung makapagsalita pa ito sa kanya eh parang siguradong sigurado ito sa mga sinasabi nito about her.

"Do you know me?" She asked.

"No, and I am not interested to know more about you, Esha," mabilis nitong tugon sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganito ito ka honest sa kanya. Kung bakit tila siya nasasaktan sa mga sinasabi nito sa kanya. Ito ang unang pagkikita nila, pero puro nega na ang mga sinasabi nito sa kanya. Napakadali pa nitong mag judge sa kanya. Sobrang arogante talaga ng lalaking ito.

"I can't believe you are this cruel, Grey Saavedra," she said. Hindi na siya makatiis na sabihin iyon sa lalake.

"I'm just being honest, Esha," tugon nito sa kanya. Iniling niya ang ulo.

chap-preview
Free preview
Chapter-1
"Esha anak nakapagbihis ka na ba?" Narinig niya ang tinig ng ina sa labas ng pintuan ng kanyang silid. "Opo, Mommy," tugon niya at lumakad palapit sa pintuan para pagbuksan ang ina. "Nariyan na po ba ang mga Saavedra?" Tanong niya sa ina nang mapagbuksan ito ng pintuan. "Wala pa naman anak, pero malapit na raw sila," tugon ng ina na agad pumasok sa loob ng kanyang silid. Napansin niyang sinusuri ng ina ang kanyang kasuotan. Napakagat labi siya. Alam niyang hindi na naman papasa sa panlasa ng Mommy niya ang suot niyang mahabang dress na halos umabot na sa kanyang mga paa. Simple, plain at halos balut-balot siya sa suot niyang bestida. Lahat naman ng damit na meron siya at mga ganito ang style. Hindi kasi siya ang tipo ng babae na nagpapakita ng balat sa publiko. Mas nais niyang itago ang kanyang balat, kaya naman medyo old fashion o may pagka manang kung siya ang manamit. Napansin niya ang pag hugot ng malalim na paghinga ng Mommy niya matapos siyang tignan nito mula ulo hanggang paa. "Esha, anak darating ang lalaking pakakasalan mo, pati na ang kanyang mga magulang," saad ng ina. Ramdam niya ang lungkot sa tinig ng Mommy niya. "Hindi po ba maganda ang suot ko?' Tanong niya, kahit alam na niya ang isasagot ng ina. Kumpara sa kanilang mag ina mas maganda at nakauso pa kung manamit ang Mommy niya. Mas moderno ito kung magdala ng damit, malayong-malayo sa napaka simple at wala na sa panahong pananamit niya. Ganito na kasi ang style na nakasanayan niya at para sa kanya walang mali sa style niya. Kanya-kanya naman kasing style iyan, kung saan siya kumportable doon siya, at ganitong pananamit ang nakasanayan niya at kumportable siya. "Anak, hindi ba't may ibinili akong damit sa iyo, bakit hindi iyon ang isuot mo?" Tanong ng ina. "Eh, Mommy mas kumportable po kasi pag ganito," tugon niya at inayos ang salamin sa mata. Bukod nga pala sa makalumang pananamit nagsusuot din siya madalas ng salamin sa mata. Mahilig kasi siyang magbasa kaya medyo lumabo na ang kanyang mga mata. May choice naman siyang hindi na magsalamin at mag contact lens na lang para luminaw ang mga mata niya, pero mas pinipili niyang magsuot ng salamin, para na rin nakatugma sa kanyang pananamit. "Baka kasi magulat sa iyo ang fiance mo," saad ng ina. Matagal na nga pala siyang pinagkasundo sa isang lalaking nangangalang Grey Saavedra na ni minsan hindi pa niya nakita ng personal. May mga pinakita ang Mommy niya na larawan ni Grey kuha sa ibang bansa kung saan nakikipag karera ang lalake gamit ang ibat-ibang sasakyan. Gwapo naman si Grey Saavedra, iyung tipo ng lalake na habulin ng mga babae. Sa datingan at pormahan din ni Grey ay mukha itong mapagpatol sa mga babae. Iyung tipo bang kahit poste papatulan nito pag nakita nitong nakapalda iyon. Sa totoo lang sa simula palang hindi na siya sangayon sa pagpapakasal niya sa isang Grey Saavedra. Magkaibang-magkaiba kasi sila ni Grey. Malayong-malayo hindi lang ang kanilang mga ugali kundi pati ang kanilang mga pormahan. Siya ang tipo ng babae na kung manamit ay tila parang laging a-attend ng misa at si Grey naman kung pumorma at tipong laging nasa bar o mga party na may alak at babae. Sinubukan naman niyang tumanggi sa kanya ang mga magulang dahil alam niyang wala silang sparks ni Grey at tiyak na hindi sila magkakasundo nito. Isama pang bata pa naman siya twenty one years old palang siya at fresh graduate sa kursong may kinalaman sa pagsusulat ng libro. Mahilig kasi siyang magbasa ng mga ibat-ibang libro at nagsusulat din siya ng mga romance novel na siya lang ang nagbabasa. Isa sa mga pangarap niya ay ang makapag published ng libro at makilala siya bilang magaling na manunulat. Pero baka pati iyon malabo dahil negosyante ang kanyang mga magulang. Marami silang negosyo at siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito. Iyon nga daw ang dahilan kung bakit ang mga magulang na ang humanap ng lalaking mapapangasaw niya. Dahil daw baka maloko at mapagsamantalaan lang daw siya ng kung sino, dahil sa yamang taglay niya. Minsan na siyang naka nobyo noong college siya, si Angelo gwapo at mayaman din katulad nila. Iyon nga lang nagkaroon sila ng hindi nagkakaintindihan ni Angleo noon, kaya hindi na rin nagtagal pa ang kanilang relasyon na umabot lang yata ng pitong buwan. Ganoon pa man alam niya sa kanyang sarili na minahal niya si Angelo at naramdaman naman niyang minahal din siya ni Angelo. Sadyang mga bata pa sila noon, kaya marahil hindi nag click ang kanilang relasyon. Kung mag-aasawa siya pipiliin sana niya si Angelo, iyon nga lang nakatakda na siya kay Grey Saavedra. Kaibigan ng magulang niya ang mga Saavedra at matalik na kaibigan ng kanyang Daddy si Mr. Gab Saavedra na siyang Papa ni Grey Saavedra, malaki ang tiwala ng kanyang ama sa kaibigan nito, kaya pinagkasundo siya sa nag-iisang anak na lalake ni Mr. Gab Saavedra na si Grey Saavedra. At ngayong araw ang pamamanhikan ng mga ito. Ito rin ang unang pagkakataon na magkikita sila ni Grey. Ni minsan hindi pa niya nakaharap at nakausap si Grey, kaya hindi siya sigurado sa pag-uugali ng lalake. Yes, mabait ang mga magulang ni Grey, eh si Grey ba mabait at mabuting tao din ba katulad ng mga magulang nito? Iba-iba naman kasi ang mga tao. Katulad niya napakaganda at fashionista ng kanyang Mommy, pero siya wala siyang ganda, maganda naman siya kahit papano, pero hindi iyung tipo na pagkakaguluhan ng mga lalake. Lalo na't daig pa niya ang madre kung manamit. Bata palang siya sinubukan na siyang ayusan ng Mommy niya, pero sadyang iba ang ayos na gusto niya sa kanyang sarili. "May mali po ba sa suot ko Mommy?" Tanong niya sa ina. "Wala naman anak, kaya lang mas maganda kung magpapalit ka ng damit. Magsuot ka ng isa mga binili ko. At ako na ang bahalang mag ayos sa iyo," sabi pa ng ina at ngumiti. Alam niyang kinukumbisi siya nitong pumayag na magpalit ng damit. "Mommy, ito po ang unang pagkikita namin ni Grey, at nais ko pong ipakita kung sino ako. Ayoko pong mag ayos o magpaganda pa. Nais ko pong ipakita kung sino po talaga ako. Para na rin po matanggap niya ako agad bilang ako," paliwanag niya sa ina. Hindi naman siya masasaktan kung aayawan siya ni Grey pag nakita siya nito na hindi pala siya maganda at manang kung manamit. At least sa una palang malalaman na niya kung ano talaga ang ugali ni Grey. Pwede pa itong umayaw sa kanya, mamaya dahik siya hindi na siya makakaayaw pa. Over protective kasi sa kanya ang kanyang mga magulang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook