"Saan tayo pupunta?" Tanong niya kay Grey nang makasakay na sila nito sa mamahaling kotse nito. Nagulat na lang siya sa biglang pagsulpot ni Grey sa Villa na tinutuluyan nila, at mas nagulat siya nang magyaya itong ipasyal siya sa bayan ng San Sebastian. Hindi nga niya alam kung ano ang nakain ng lalake at nais siya nitong ipasyal bigla. Nakakapanibago nga ang naging attitude ni Grey kanina sa may poll area ng Vila. Nakita niyang natulala ito at titig na titig sa kanya. Kung sa bagay iyon naman kasi ang unang pagkakataon na nakita siya ni Grey na ganoon ang suot. "Ikaw may gusto ka bang puntahan na lugar dito sa San Sebastian?" Tanong sa kanya ni Grey. Pansin din niya pati pakikipag-usap nito ngayon sa kanya eh malumanay at hindi nakakairita katulad ng dati. "Wala akong masyadong alam s