Dahil sa mga nalaman niya mula kay Angelo nawalan na siya ng gana kaya agad na siyang nagyayang umuwi. Nagtaka pa nga si Angelo sa biglaang pag yaya niyang umuwi. "Sa susunod na araw na ang engagement mo kay Grey, dapat alam mo na ang gagawin mo," Angelo said to her habang nag re-ready na sila palabas ng coffee shop. "Lahat pala ng detalye nasabi na sa iyo ni Grey,' she said. "Yes, he trusted me, dahil nga nais niya tayong magkaayos," tugon sa kanya ni Angelo. "Ganoon ba," walang ekspresyon sabi niya. Ewan niya kung hindi napapansin ni Angelo na imbes na matuwa siya sa mga nalaman niya ngayon eh nainis pa siya. Nanliit kasi ang pakiramdam niya, para bang ang layo-layo niya sa isang Grey Saavedra. "Yes, Esha, kaya kung ano man ang balak mong gawin sa araw na iyon, sabihin mo lang sa a