"Grey is here," narinig niyang anunsyo ng Papa ni Grey.
May isang oras na yata silang naghihintay kay Grey may sala. Naligaw daw kasi ito at hindi alam ang tamang daan papunta sa kanila. Nakaramdam na nga siya ng gutom. Hindi kasi siya nakapag meryenda kanin dahil na rin sa hindi niya malaman kung paano aayusan ang sarili, pero ang ending ganon pa rin, hindi nagustuhan ng Mommy niya ang bestidang suot niya. Pero kahit hindi gusto ng Mommy niya, hindi naman siya nito pinilit na magpalit ng damit. Sinabi pa nga ng ina kung saan siya kumportable ay ok na rin. Although mas nais daw nito kung simulan na niyang baguhin ang style ng kanyang pananamit.
"Esha, let's go," tawag sa kanya ng Mommy niya. Bukod tanging siya lang kasi ang hindi tumayo para salubungin sa may pintuan si Grey.
"Ah... Opo," tugon niya at tumayo na rin para salubungin ang bisitang late at dahilan ng kanyang pagkagutom.
Inayos pa ng Mommy niya ang kanyang buhok at bestida bago nito hinawakan ang kanyang kamay at lumakad patungo sa pintuan kung saan namataan na niya ang isang matangkad na lalakeng pumasok sa loob.
"Sorry I was late," narinig niyang paumanhin ng lalake sa mga magulang nito pati na sa Daddy niya.
Excited naman siyang hinila ng Mommy niya palapit sa mga ito, marahil para makita na siya ni Grey.
Habang magiliw na bumabati si Grey at isa-isang pinakikilala rito ang mga taong naroon tahimik naman siyang pasulyap-sulyap sa lalake. Inayos pa nga niya ang salamin sa mata para makita ng maayos kung gwapo nga si Grey Saavedra. Marami na kasi siyang nakitang larawan ng lalake at masasabi niyang gwapo ito. Papasa nga itong artista o di kaya modelo, dahil sa itsura nito. Kung gwapo ito sa larawan mas gwapo at makisig pala ito sa personal.
Kanina pa nga siya nakatingin rito at tila na siya naiihi sa kahihintay na madako ang mga mata nito sa kanya. Sa pagkakaalam kasi niya nakapagpadala na rin ang mga magulang niya ng larawan niya kay Grey, kaya tiyak na may idea na ito kung ano ang itsura niya.
"Where is Esha?" Narinig niyang tanong ni Grey at nalipat saglit ang mga mata nito sa dako niya. Mabilis lang siyang sinulyapan nito at bumalik ang mga mata nito sa Papa nito.
"Oh dear, this is Esha,' ang Mommy niya ang tumugon at sadya pa siyang inilapit para makita na siya ni Grey.
Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Grey, although hindi naman obvious iyon, but, still nakita niyang nagulat ito nang makita siya. Hindi na siya magtataka pa kung bakit. Of course, malayo ang itsura niya sa itsura ng mga babaing nakakasama nito. Tiyak na magaganda at seksi ang mga iyon. Malayong-malayo sa kanya.
Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagpasada nito sa kanya ng tingin mula ulo hanggang paa. Alam niyang disappointed ito sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Hi, Esha," bati nito sa kanya matapos siya nitong tignan mula ulo hanggang paa, at walang makitang interesting sa kanya. Ganoon pa man, she managed to smile and handle na humiliation with confidence. Nakahanda naman na kasi siya sa ganitong sitwasyon, alam niyang magugulat si Grey sa kanya, kahit pa nakita na nito ang ilang larawan niya. Iyon ay kung talagang tinignan nito ang kanyang mga larawan.
Napansin na naman niyang napatitig sa mga ngipin niyang may braces si Grey. At lalong lumitaw sa mukha at mga mata nito ang disappointment. Ngayon lang ba ito nakakita ng twenty one years old na babaing may braces?
"Mabuti pa sa komedor na natin ituloy ang kwentuhan," saad ng Daddy niya.
"Tama. Tayo na at baka lumamig pa ang pagkain," sabi naman ng Mommy niya at nauna na itong lumakad sa kanya patungo sa komedor. Nakita niyang sumunod ang Daddy niya at mga magulang ni Grey. Ewan naman niya kung bakit hindi niya magalaw ang kanyang mga paa, para sana sumunod na at maiwasan na itong si Grey.
"You are Esha?' Tila paninigurado ni Grey sa kanya nang maiwan na silang dalawa. Tumango naman siya rito.
"Really?" Saad pa nito. Kunot noo naman niya itong tinignan.
"Well, I mean...," saad nito at iniling ang ulo. Hindi nito nagawang ituloy ang sasabihin.
"Nothing," sabi nito at muli siyang pinasadaan ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag iling nito ng ulo. Pagkatapos lumakad ito patungo sa komedor at iniwan siyang nakatayo sa may malapit sa pintuan.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Unang kita palang niya kay Grey, alam na niyang arogante ang lalake. Tiyak na mayabang din ito at malaki ang ulo dahil alam nitong gwapo ito at mayaman. Tiyak rin niyang magaganda at seksing babae ang mga naghahabol rito. Kaya paano naman ito magpapakasal sa isang tulad niya? Niyuko pa niya ang sarili para tignan kung may mali nga ba sa suot niya. Alam niyang walang mali kung piliin niyang protektahan ang sarili, ibalot ang katawan at manamit kung saan siya kumportable. Hindi nakakahiya ang suot niya, at mas lalong hindi nakakahiya ang itsura niya. Sadyang arogante lang si Grey at sanay sa mga babaing nangongolekta ng mga lalake.
"I know who I am. I know my worth,' taas mukhang sabi niya sa sarili.
Pagdating niya sa komedor nadatnan niyang nakaupo na ang lahat. Kaya naman agad na siyang lumapit sa bakanteng upuan sa tabi ni Grey. Nagulat pa siya nang sulyapan lang siya nito at hindi man mag effort na tumayo muna at ipanghila siya ng upuan, pagkatapos alalayan siya sa pag upo. Ganoon kasi ang mga nakikita sa movie, and also ganoon rin ang mga nasa romantic book. Pero parang napakalayo ni Grey sa mga bidang nababasa at napapanood niya.
"Kumain na tayo,' sabi ng Papa niya nang makaupo na siya. Sinulyapan pa siya ni Grey at ngumiti sa kanya. Ewan niya kung para saan ang ngiting iyon. Kaya naman nginitian na rin niya ito. Polite lang siya dahil nariyan ang mga magulang nila. Pero kanina pa siya nakakaramdam ng inis sa katabi.
Sa hapag kainan naging takbo ng usapan ng mga magulang nila ay silang dalawa ni Grey. Kung kailan daw gaganapin ang malaking engagement party. Matagal na silang engaged ni Grey pero verbal lang. Wala pang pormal na pag po-proposed sa kanya si Grey, wala pa din siyang suot na singsing. Kaya nais ng mga magulang nila na magkaroon ng engagement party. Wala naman siyang marinig na kahit ano mula kay Grey. Tahimik nga ito at abalang-abala sa pagkain. Mukha ngang mas nag e-enjoy pa ito sa pagkain kesa sa pinag-uusapan ng kanilang mga magulang about them. Halata niyang hindi interesado si Grey sa kanya.
"Anong masasabi mo Grey?" Tanong ng Papa nito.
Nag angat ng ulo si Grey mula sa plato nito at sinulyapan siya. Nagtama pa ang kanilang mga mata. May magagandang mga mata si Grey. Mahaba ang pilikmata nito. Kahawig ni Grey ang Papa nitong si Gab Saavedra, pero ang mga mata nito at mahahabang pilikmata ay mukhang namana nito sa maganda nitong Mama na si Mrs. Lianne Saavedra. Kaya naman sobra ang kagwapuhan nito, isama pa ang malakas nitong s*x appeal. Aware siya at ramdam niya ang malakas na dating nito.
"Great, mukhang naka set up naman na ang lahat at hindi na kami pwedeng umurong pa," Grey answered. May laman ang sagot nito. Kung sa bagay ang mga magulang lang kasi nila ang nagplano ng lahat para sa kanila. Pareho lang din sila ni Grey na hindi makasaway sa gusto ng mga ito. Siya dahil mahal niya ang mga magulang at ayaw niyang saktan ang mga ito kaya siya pumapayag. Si Grey baka ganon din ang dahilan nito kaya hindi ito makatanggi sa mga magulang nito. Iyon nga lang wala siyang idea kung ano ang mangyayari sa kanila ni Grey after nilang maikasal at kailangan na nilang magsama.