Chapter-4

1613 Words
Matapos kumain lumabas sila ni Grey sa mah hardin habang nag-uusap ang kanilang mga magulang sa loob. "You smoke?" Gulat niyang tanong kay Grey nang makita itong maglabas ng sigarilyo mula sa bulsa nito at sindian iyon sa dala rin nitong lighter. "Why? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking naninigarilyo?" Balik tanong sa kanya ni Grey nang iipit nito ang sigarilyo sa labi nito. Napalunok pa siya nang sulyapan siya ni Grey, at mabilis na nag-iwas ng tingin rito. "Hindi naman," medyo natarantang sagot niya sa binata. Tumango-tango ito sa kanya at umitit ng sa sigarilyo saka nagbuga ng usok habang nakaharap sa kanya. Kunot noo niyang pinaypay ang usok palayo napaubo pa nga siya sa ginawa nito. Hindi lang pala ito arogante at mayabang, may pagka bastos din pala ito. "Will you stop!" May inis na sabi niya rito. Ngumisi ito sa kanya. Naiinis lang siya dahil kahit nakangisi na ito eh lutang pa rin ang kagwapuhan nito, at naiinis siya sa kanyang sarili dahil nagagwapuhan siya sa binata. "Dapat masanay ka na, we will getting married soon," Grey said habang patuloy sa paninigarilyo nito. Turn off pa naman sa kanya ang lalaking naninigarilyo at umiinom ng alak. Pero mukhang na kay Grey lahat ng ayaw niya sa isang lalake, pero wala na siyang magagawa pa, ito ang pinili ng mga magulang niya para sa kanya She is hoping na hindi nagkamali sa pagpili ang kanyang mga magulang kay Grey. "Ayoko sa lalaking naninigarilyo," lakas loob na sabi niya. "What?' Tanong sa kanya ni Grey at sinulyapan siya nito habang wala pa rin tigil sa pag itit at pagbuga ng usok. "Hindi mo type ang lalaking naninigarilyo?" Tanong nito. Nagtaas siya ng kilay sabay tango. "Don't worry, hindi ko rin naman type ang babaing balot na balot kung manamit," Grey said habang pinaglalandas ang mga mata sa kabuuan niya. Lalo namang lumalalim ang kunot sa kanyang noon. "Don't get offended, Esha, sinasabi ko lang ang totoo. Like what you did, nagsasabi ka ng totoo," saad nito. "Mas type mo ang mga babaing kita ang kaluluwa," taas kilay niyang sabi. "At least they are not boring,' tugon nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ka arogante at kabastos ang lalaking kaharap niya. "Kung ganoong mga babae ang hanap mo, pwede ka namang mag back out, Grey,' she said. "I can't. Bakit hindi ikaw ang mag back out sa kasalang ito Esha, tutal hindi mo type ang lalaking tulad ko. And also ganoon rin ako sa iyo. We both don't like each other," saad pa nito sa kanya. "Ayaw mong matuloy ang kasal?' She asked kahit alam na niya ang isasagot nito. "I know we both want this to stop. Sila-sila lang naman ang masaya sa kasalang ito eh. Sila lang din naman ang nag desisyon para sa atin. So, why not isa sa atin ang tumutol," litanya nito sa kanya. "Bakit hindi mo kaya?' She asked him. "Hindi ko kayang mawala sa akin ang mana ko,' mabilis nitong tugon sa kanya. "Mana?" Ulit niya sa sinabi nito sa kanya. Tumango ito sa kanya at tinapos na ang paninigarilyo nito na halos nakalahati naman nito. Tinapon nito ang sigarilyo sa damuhan at inapakan iyon. "Hindi ako pwedeng tumanggi dahil aalisan ako ni Papa ng mana. Hindi naman pwede iyon. Walang Saavedra na mahirap. Lahat ng Saavedra successful sa buhay. Kaya hindi ako pwedeng mawalan ng mana kay Papa," litanya nito sa kanya. Hindi siya nakakibo habang nakatingin kay Grey. Parang ang babaw kasi ng dahilan nito para pakasalan siya. Dahil lang sa takot itong mawalan ng mana at maghirap. Ganoon lang ba ang worth niya? "Esha, much better na ikaw na ang tumanggi. Sabihin mong hindi ako lalaking para sa iyo. As you can see, magka iba tayo,' Grey also said. "Magka iba?' Ulit na naman niya sa sinabi ni Grey. Wala na yata siyang masabi kaya inuulit na lang niya ang mga sinasabi nito. "Yes, we are different. I am living in a present, and it seems you are living in the past, Esha," Grey said. Hindi siya makapaniwala na ganito pala ang tingin sa kanya ni Grey. Ngayon lang sila nito nagkita pero kung anu-ano na ang sinasabi nito sa kanya. Kung makapagsalita pa ito sa kanya eh parang siguradong sigurado ito sa mga sinasabi nito about her. "Do you know me?" She asked. "No, and I am not interested to know more about you, Esha," mabilis nitong tugon sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganito ito ka honest sa kanya. Kung bakit tila siya nasasaktan sa mga sinasabi nito sa kanya. Ito ang unang pagkikita nila, pero puro nega na ang mga sinasabi nito sa kanya. Napakadali pa nitong mag judge sa kanya. Sobrang arogante talaga ng lalaking ito. "I can't believe you are this cruel, Grey Saavedra," she said. Hindi na siya makatiis na sabihin iyon sa lalake. "I'm just being honest, Esha," tugon nito sa kanya. Iniling niya ang ulo. "Tutal honest ka naman pala Mr. Saavedra, bakit hindi mo pa kaya sabihin sa mga magulang natin na ayaw mo kong pakasalan!" Inis na sabi niya rito. "Hindi ko nga magagawa iyon, dahil mawawalan ako ng mana kay Papa. Ikaw walang mawawala sa iyo, nag-iisang anak ka lang naman ng mga Lagazon. At tiyak ko na kaya ka pinapa arranged marriage ay dahil natatakot ang mga magulang mo na tumanda kang dalaga. Natatakot silang tumanda kang mag isa!" Mahabang litanya nito na puno ng panlalait sa kanya at pangmamaliit. "Napaka bastos at arogante mo!" Asik niya sa lalake at mabilis na tumalikod upang iwan na ito. Nais niyang magsisi at sumama siya rito sa hardin. Wala naman pala siyang maririnig na maganda mula rito. "Esha, sandali," saad nito naramdaman ang pagpigil nito sa kanyang braso. Hinila siya nito paharap rito. "Ano ba!" Asik niya. "Pag-usapan natin ang kalokohan ng mga magulang natin. Tayo ang mag desisyon para sa mga sarili natin," Grey said habang hawak nito ang braso niya. Hindi niya naiwasang sulyapan ang braso niyang hawak niyo. Kumabog kasi ang kanyang dibdib. Marahil sa inis na nararamdaman sa lalake. "Bitiwan mo nga ako! Ikaw lang naman ang tutol sa kasalang ito, edi ikaw ang gumawa ng paraan para hindi matuloy!" Galit na sabi niya. "Esha, I am not the man for you. Anong malay mo makakahanap ka rin ng lalaking katulad mo, iyung.... I mean...," "Weird ganon ba?" Tuloy niya sa hindi nito matuloy-tuloy na sasabihin sa kanya. At marahas na binawi ang brasong hawak nito. Nagawa naman niya at naitulak pa niya palayo sa kanya si Grey. Inayos niya ang salamin sa mata na tumabingi na sa pakikipaglaban niya sa bastos na lalake. Oo gwapo nga ito at wala siyang mapipintas sa lalake. Perfect ang panlabas nitong anyo, iyon nga lang demonyo naman ang pag-uugali. Kung gaano kaganda ang panlabas nito, ganoon naman kapangit ang sa loob nito. "Ikaw ang may sabi niya Esha, hindi ako," Grey said. Nagsuklay pa ito ng buhok gamit ang daliri nito. Masamang tingin ang pinukol niya sa lalake. Wala pa siyang nakilalang lalake na kasing bastos at arogante nito. "Like what I just said. Kung ayaw mong matuloy ang kasalang ito, ikaw ang gumawa ng paraan!" Mariing sabi niya at mabilis na tumalikod. Malalaki ang mga hakbang niya patungo sa pintuan ng kanilang bahay. Pinagpasalamat niyang hindi na siya sinundan pa ni Grey. Padabog siyang pumasok sa loob ng bahay. Sa kanyang inis kay Grey nakalimutan niyang nasa loob ng bahay ang mga magulang niya at mga magulang nu Grey. Nagulat pa siya nang makitang nakatingin ang apat sa kanya. Natigilan siya sa paglalakad at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito. "Esha, anak, what happened?' Taning ng Mommy niya. "Ah.. Mommy," tanging nasabi niya. "Grey, anong ginawa mo sa fiacee mo?" Tanong ni Mr. Gab Saavedra. Nagulat siya at napalingon sa likod niya kung saan nakatingin si Mr. Saavedra. Nakita niyang nakatayo roon si Grey. Hindi niya namalayan na nasundan pala siya nito sa loob. "Nothing, Pa. We just talk," tugon ni Grey habang nakatingin sa Papa nito, at nalipat ang tingin sa kanya. Mabilis naman siyang nag iwas ng tingin kay Grey. "Magpapahinga na po ako,' paalam naman niya sa mga ito. Nais naman niyang talagang magpahinga na. Hindi niya kinaya ang ugali ni Grey. "Sige na hija, magpahinga ka na muna,' tugon ng Mama ni Grey. Tumango siya at lumakad na patungo sa may hagdan at umakyat na. Habang paakyat siya narinig niyang tinawag ng Papa ni Grey si Grey. Sa dating ni Mr. Saavedra mukha itong istrikto at hindi gusto na may sumusuway rito. Nagbuga siya ng hangin at nagkibit balikat habang paakyat ng hagdan. Hanggang sa makapasok siya sa silid niya ay laylay pa rin ang kanyang balikat. Dumeretso siya sa may salamin at naupo roon para pagmasdan ang kanyang mukha. Aaminin niyang may apekto sa kanya ang mga sinabi ni Grey kanina. Bigla nga niyang naramdaman na pangit siya. Although hindi naman siya pangit, sadyang nakatago lang ang kanyang ganda sa mahabang palda at long sleeve. Isama pa ang salamin niya at braces. Pero para sa kanya maganda siya at walang mali sa style niya. Sadyang iba-iba lang style ng mga tao. "Kung ayaw niya sa akin. Ayoko rin sa kanya," inis na sabi niya habang nakatitig sa salamin. Nasa ganoong posisyon siya nang makarinig ng katok mula sa pintuan niya. "Pasok," matamlay na sabi niya. Alam kasi niyang kasambahay lang ang nasa labas at baka pinadalhan siya ng kung ano tea ng Mommy niya para gumanda ang pakiramdam niya. "Can I come in?" Muntik pa siyang mapatalon nang marinig ang tinig ni Grey. Mula sa salamin nagtama ang mga mata nila ni Grey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD