"Asaan ka na ba Grey?!" May galit sa tinig ng kanyang amang si Gab Saavedra. Ang Papa niya ang ikalawang anak ni Gabriel Saavedra sumunod kay Gavin Saavedra. Tulad ng mga lalaking Saavedra bossy ang kanyang Papa at ang gusto nito ito lagi ang nasusunod.
"Malapit na ko Papa, I guess," tugon niya sa ama habang nagmamaneho sa sports car na sinasakyan niya patungo sa San Ignacio kung saan naroon ang babaing pinipilit na ipakasal sa kanya ng ama. Ang Papa lang naman niya ang talagang mapilit na ipakasal siya sa babaing ni minsan hindi pa niya nakita. Wala nga siyang idea kung ano ang itsura ng babaing iyon. May pinadala ang kanyang Papa sa bahay niya na mga larawan daw ni Esha Lagazon, pero hindi niya tinignan ang mga larawang iyon ni minsa. Hindi nga niya binuksan ang evelope kung saan naroon ang mga larawan. Hindi siya interesado sa babae, wala siyang pakialam kung ito na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang nais kasi niya ay magpakasal siya pag handa na siya hindi dahil sa pilipilit na siyang ikasal ng kanyang Papa sa babaing ito pa mismo ang pumili para sa kanya.
Anak si Esha Lagazon ng kaibigan ng kanyang Papa na si Mr. Erwin Lagazon, isa ding negosyanteng katulad nila. Mayaman at kilala ang pamilya Lagazon pagdating sa mga naglalakihang negosyo sa loob at labas ng bansa. Basta ang natatandaan niya nag-iisang anak si Esha Lagazon ng mag asawang Lagazon. Isa daw sa rason ng mga Lagazon kung bakit siya ang napili ng mga ito na mapangasawa ng anak ng mga ito ay dahil kilala na daw ng mga ito ang kanyang mga magulang. Natatakot daw kasi ang mga ito na makatagpo ng manlolokong lalake at mapagsamantala ang anak ng mga ito. Pero alam niyang takot lang ang mga Lagazon na may makakuha ng kayamanan ng mga ito. Kung bakit naman kasi nagpakayaman pa ang mga ito, isa lang ang anak at babae pa. Walang nakinabang ang mga babae sa negosyante.
Makailang beses na ba siyang tumanggi sa ama na ayaw niyang pakasalan ang Esha Lagazon na iyon. Halos nga magtago siya sa Europe para lang makaiwas, sadyang hindi lang niya matakasan ang ama. Sa ngayon wala siyang choice kung hindi sumunod sa kanyang Papa. Tinatakot na kasi siya nito na mawawalan siya ng mana pag hindi sumunod sa gusto nito. Bagay na hindi pwedeng mangyari sa kanya. Hindi siya pwedeng mawalan ng ano mang meron ang mga lalaking Saavedra.
"Halos isang oras na kaming naghihintay sa iyo dito sa bahay ng mga Lagazon. Nakakahiya na!" Mariing saad ng ama sa kabilang linya. Tila nakikita na niya ang pagpipigil nito ng galit sa kanya.
"Malapit na po Pa, 10 minutes," he said.
"Make sure," tugon pa ng ama bago ito nawala sa kabilang linya.
"F*ck!" Mariing mura niya sa sobrang inis sa ama. Napapalo pa nga siya sa manibela ng ilang beses, saka bumisina sa kaharap na sasakayan bago nag over take na tila ba nasa karera sa Europe.
Wala naman talaga siya dito dapat. Kung hindi lang sa takot niyang mawala ang lahat ng meron sjya bilang Saavedra. Mula pagkabata nasa kanya na ang lahat, at hindi siya pwedeng maghirap. Isama pang ikakasal na ang babaing nagpatibok sa kanyang puso sa pinsa niyang si Garreth Saavedra.
Sa pagbabalik niya ng San Sebastian hindi niya inakala na makikila niya ang isang Annika Dela Jesus na fiancée na pala ng kanyang pinsan na si Garreth. Annika is a beautiful and appealing woman. Ang tipo ni Annika ang nais niyang pakasalan at makasama habang buhay, hindi kung sino lang na hindi pa niya nakikita. Iyon nga lang wala siyang laban dahil fiancée na ito ni Garreth Saavedra ang nag-iisang anak ng Uncle Gavin niya. Isama pang wala siyang balak manira ng relasyon ng may relasyon, kahit gaano pa niya kagusto si Annika. Para na rin maka move on na kay Annika, heto siya tinatanggap na niya ang babaing napili ng kanyang ama para sa kanya. Sana na lang pumasa sa standard niya ang Esha na iyon. Siya pa naman ang tipo ng lalaking mukha at katawan ang unang tinitignan sa isang babae.
Yes, puro magaganda at sexy ang mga babaing natitikman niya sa Europe at pati na sa Pilipinas. Kung hindi maganda at walang katawan hindi rin niya papatulan. Mapili siya pagdating sa babae. Hindi porke babae ay pwede na. Isa pa sa category ng babaing gusto niya at dapat sa halik pa lang magaling na para naman hindi siya ma boring. At higit sa lahat dapat magaling sa kaman, iyung mapapalaban siya at hindi na niya kailangang turuan pa. Sana na lang ganon ang babaing ipapakasal sa kanya, para naman sulit ang lahat ng pagtitiis niya. Pang habang buhay pa naman ang kasal, at mukhang matatali na siya sa edad na bente otso sa isang babae. Hindi pa nga siya sawa sa pakikipaglaro sa mga babae, tapos sapilitan na siyang ipapatali ng ama. Para namang hindi pinagdaanan ng Papa niya ang mangolekta muna bago patali.
"Kung may choice lang talaga ako wala ako dito. Baka nasa Europe ako party-party kasama ang mga magaganda at seksing babae," iling ulong bulong niya at halos paliparin na niya ang sinasakyan sa kalsada. Baka kasi tawagan siya ulit ng ama at talakan na naman nito. Mabuti pa nga ang kanyang Mama ay hindi namimilit ng katulad ng kanyang Papa.
Hininto niya ang sinasakyan sa tapat ng gate ng malaking bahay. Panigurado naman na mala palasyo ang bahay ng mga Lagazon. Hindi naman kasi nalalayo ang yaman ng mga Saavedra sa mga Lagazon.
Bumusina siya para marinig ng guard na nasa loob at pagbuksan siya. Nakadalawang busina siya bago may lumabas na guard at lumapit sa sasakyan niya.
"I'm Grey Saavedra," mayabang na pakilala niya sa guard.
"Good morning po, Sir," bati nito at sumalubong pa sa kanya. Tumango naman siya rito at lumakad na para buksan ang gate para sa kanya.
Pagkabukas ng gate paharurot niyang pinasok ang sasakyan sa loob ng malaking bakuran na kinagulat pa ng guard na nagbukas ng gate sa kanya.
Ngayon palang dapat makilala na ng mga Lagazon kung sino siya bilang Grey Saavedra.